Chapter 21

220 3 3
                                    

Queen's_POV

Kasalukuyan kaming nasa study shed at hinihintay si Billy. Last day ngayon ng exam at nauna kaming natapos ni Molly sa last subject namin. I heard na absent 'yong professor nila Billy kaya late sila nakapagsimula at iba rin proctor nila.

"Kumusta 'yong exam?" bungad na tanong ni Molly kay Billy pagkalapit sa 'min.

"Keri lang naman ng brain cells ko," confident niyang sagot. "Don't tell me may doubts kayo sa mga sagot niyo?" dagdag niya at tuluyang umupo sa tapat namin.

I didn't bother to answer. Hindi naman sa wala akong siguradong sagot, I just don't like to talk about it. Baka puro pag-ooverthink na naman ang magawa ko the whole night.

"Mukhang pasado naman," Molly answered.

"Siya nga pala, may gagawin daw na outdoor camping sa Sabado as a recreational activity for this semester. Hindi naman siya required pero palalampasin niyo ba? I mean this semester is quiet tough for us kaya we deserve to take a break. So, are you guys gonna go?" Pansin ko ang pagkislap ng mga mata ni Billy. For sure may hidden reason na naman 'to kaya gustong magpunta doon.

"I'm not sure kasi uuwi si Dad. Baka hindi ako payagan lalo pa't three days iyon," ani Molly na abala sa phone niya. Pansin kong nagiging busy siya lately sa phone niya. I really hope that she's okay.

"Ako rin. Baka hindi na rin ako payagan ni Papa na magpunta. Alam niyo na, sunud-sunod 'yong paglabas natin these past few weeks," paliwanag ko naman.

"Ang KJ niyong dalawa. Kaya di kayo nagkakajowa. Tsk." Himutok ni Billy habang nag-aayos ng buhok niya.

It's really a long for us. Literal na nakakadrain ng energy 'yong final exam. Mabuti na lang talaga at naitawid pa rin namin 'yon. Matapos ang ilang minutong kuwentuhan, we all agreed na magpunta sa cafeteria para kumain.

******

Matapos kaming kumain ay unang nagpaalam si Billy. May family dinner raw kasi sila tonight. Si Molly naman nagpaalam din kasi may importante pa raw siyang gagawin. Ramdam ko nga 'yong pagkabalisa niya kanina habang nakahawak sa phone niya.

Wala akong ibang choice kung hindi ang umuwi nang mag-isa. Good thing, tumawag sa 'kin si Niko at inalok niya akong sumabay na lang sa kanya pauwi kaya pumayag na rin ako.

Sa ngayon ay papunta ako ng locker room para ilagay 'yong mga books na ginamit ko as a reference sa pagrereview. Maaga pa naman pero konti na lang ang nakikita kong estudyante sa campus. Mukhang nagpaparty na 'yong iba ngayon dahil semestral break na.

I don't know why pero bigla na lang akong kinabahan habang tinatahak ang pinakadulong bahagi ng building namin which is the locker room.

Hindi ko marinig nang malinaw pero alam kong may nagtatalo sa loob ng locker room ng ladies. I thought it's a girl fight pero mukhang away magjowa. Galit na galit 'yong boses ni girl hanggang sa tuluyan na siyang umiyak.

Ayoko na sanang magpatuloy at pumasok pero sayang naman dahil andito na rin ako. Isa pa nabanggit ko kay Niko na maglalagay ako ng books sa locker kaya for sure magtatanong 'yon kung bakit bitbit ko pa rin.

Mabuti na lang at nasa may dulong bahagi sila nagtatalo kaya hindi nila napansin ang presensiya ko. Maingat at mabilis ko namang nilagay ang mga books ko sa locker tapos sinara.

Aalis na sana ako pero bigla akong napatigil nang makilala ko ang boses ng babae. Hindi ako pwedeng magkamali.

Dahan-dahan akong lumapit sa kinatatayuan nila. Nakatalikod 'yong guy sa akin at nakaharap naman sa kanya 'yong girl. Tiningnan kong mabuti ang itsura ni girl from head to toe. Hindi ko makita nang buo ang mukha niya dahil nakaharang si guy sa harapan niya. Nang mapansin ko ang suot niyang bracelet, doon ko napagtanto na tama mga ang hinala ko- she's my bestfriend, Molly.

BROKEN SCALPELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon