Chapter 6

967 62 57
                                    

Chapter 6

We're on our way papunta sa Research Building. Katatapos lang kasi ng Bioethics class namin kay Mrs. Christensen. As usual, special mention na naman ako kanina dahil sa kadaldalan ni Molly. Dahil kasi sa kakakuwento niya hindi ko narinig na tinawag pala ako ni Mrs. Christensen kaya ang ending pinagdiscuss ako ng twenty minutes sa klase namin kanina.

Bakit ba kasi gawa sa basuka ang bibig ng babaeng 'to? Kahit anong pigil ang gawin ko daldal pa rin siya ng daldal.

Tulad ngayon, lumihis na naman ang kuwento niya at tungkol na naman sa bagong BL Series na pinapanood niya. Tuluyan na yatang kinain ng kabaklaan ang buong sistema niya.

"Pero alam mo, nakakasawa rin 'yong ilang segundong halikan lang. I want more, something intense."

BL Series pa rin ba ang tinutukoy niya? Parang p*rn na kasi ang naiisip niya. Balak niya pa yatang i-promote. Nakakapagod din talagang makipagkuwentuhan sa babaeng 'to Hindi ako maka-relate.

Napabuntong hininga na lamang ako nang tuluyan kaming makapasok sa room.

"Naku Queen sinasabi ko sayo kikiligin ka kapag 'yon ay pinanood mo," sabi niya at tumili pa ang loka.

The first person I saw as soon as we entered the room was Red Spencer. He was already on our seat, staring blankly outside the window. As usual, may lollipop na naman siya sa bibig niya. At dahil naka side view siya kaya mas bumakat pa ang adam's apple niya. Sh*t. Nakakapanghina.

"Alam ko 'yang mga ganyang tinginan eh. Magtapat ka nga sa 'kin Queen, ano ba talagang nangyari kahapon?" tanong niya pero hindi ako sumagot. "Nag-usap ba kayo ni Red?"

Tuluyan akong napahinto sa paglalakad nang makita kong dinilaan niya ang lollipop na hawak niya. Ramdam ko ang pamumuo ng laway sa bibig ko. Nakakahypnotize ang ginagawa niya.

I swallowed back my saliva to stop it from falling. Mahirap na at baka may iba pang makakita.

"Paralyzed ka ghourl?"

I get my senses back when I heard Molly's sarcasm. Ngayon ko lang napansin na pinagtitinginan na pala kami ng ibang classmates namin. Nagpatay malisya na lamang ako at nagtungo sa upuan ko.

"Good morning," bati ko sa kanya nang tuluyang makaupo. I can smell the expensive scent of his perfume. Hindi siya sumagot at nakatingin pa rin sa labas ng bintana. I think he's thinking too deep. "Are you okay?" I added.

He didn't respond for the second time. I guess he didn't hear me at all because his mind was preoccupied.

"None of your business," sagot niya at nilingon ako. His eyes are really intimidating. Nag-iwas agad ako ng tingin.

"Ahh I see..." I replied.

Binuksan ko na lamang ang bag ko at kumuha ng notebook at ballpen. We need to come up with a title on our research project for its approval.

"Does it bother you?" he asked.

"What exactly do you mean?"

"The thing you've asked earlier."

"Of course not. Bakit? Bawal bang magtanong? "

"You sounded like you're guilty."

Huminto ako sa pagsusulat at tiniklop ang notebook ko. I don't know why he's acting this way. At bakit parang naiinis ako sa ginagawa niya ngayon?

"Guilty of what?" I asked diverting my eyes back to him.

Ilang segundo muna siyang nakipagtitigan pagkatapos ay tumawa ng mahina. The way he looks at me now is different. Hindi naman sa advance akong mag-isip but I think he's trying to seduce me.

BROKEN SCALPELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon