CHAPTER 30

73 1 0
                                    

Chapter 30

"Hoy, ano 'to?!"

Gulat na may halong inis na tanong ko sa kanila. Hindi mapigil ang tawanan nila kung kaya't sila ang pinaghihinalaan ko. Kunot noo ko silang tinanong pero walang balak na lapitan manlang ako. Kibit balikat at iling ang mga sagot nila sa akin.

"Walang kaming alam diyan, Elie." Mabilis nilang sinang-ayunan ang sagot ni Fia.

Napabuntong hininga ako sa kawalan. Napatingin ako sa lalaking hindi ko ka level dahil halata sa mukhang maamo nito ang inosente at naiilang na ekspresyon. Luh, ihahand cuff ka na nga lang, doon pa sa bata. Sino ba nagbayad nito, sayang sayang lang sa pera e.

"Miss, pwedeng tanggalin nalang 'to. Wala kaming ibang mapuntahan e." Reklamo ko sa mga nangdakip.

Napailing sila at ngumuso. "Binayaran na po kasi 'yan, ate. Ikot ikot lang naman po kayo sa campus kahit five minutes nalang po." Pagpupumilit nila.

Napahinga nalang ako nang malalim para kalmahin ang sarili bago tumango sa kanila. Hindi manlang makatingin sa akin iyong lalaki, same feels, dong. Sige na nga para matapos, wala na rin namang ibang paraan e. Haays, saan ba pupunta.

"Hala, Ellie, baka magselos si K!"

Nakalimutan kong nasa harapan ko pa pala mga kaibigan ko. Walang tigil silang nang-aasar habang tumatawa, at ito namang si Missy e nambanggit pa ng pangalan.

"Sino si K?" Dudang tanong ni Lance.

Napakagat labi nalang ako sa sobrang inis dahil sa nangyari. "Huwag ka nang magtanong. Tulungan niyo na lang akong makatakas dito!" Reklamo ko sa kanila para maiba ang topic.

Puro tawa lang ang sinasagot nila sa akin, ang babait talaga ng mga kaibigan kong 'to, supportive e. Napatingin ako sa kasama ko. Ang bata naman ng lalaking 'to at halatang hindi komportable sa 'kin, duh pareho lang tayo, boy. Grrr, makalakad na nga para hindi nasasayang ang oras. Iniwan ko ang mga kaibigan ko at kasama ang lalaking ito sa paglalakad lakad ngunit hindi pa man nakakalayo ay napatigil siya.

"Ate, may gagawin pa kasi ako e....ano...." Naiilang talaga siya kasi hindi makatingin sa akin.

Napaismid nalang ako. "Ako rin e, pero kung ayaw mo talaga, balik nalang tayo sa booth at ipatanggal 'to. Pasensya ka na, hindi ko rin alam sino may pakana nito e."

Dahil pareho naman kaming nag-aalangan ay desidido kaming bumalik sa booth kahit hindi pa nagkakalahati ang oras namin. Aba, kami pa ba mag-aadjust nito e mutual iyong desisyon namin kaya wala silang magagawa.

"Ayaw niyo na? Sayang iyong time at binayad, ikot ikot lang kayo." Pagpupumilit nung bantay.

Tiningnan ko iyong lalaki na hindi makasagot kaya ako ang nagsalita. "May gagawin daw siya e at may pupuntahan din ako kaya patas lang."

Naghinayang sila dahil sa mga sagot namin pero hindi na rin nagreklamo dahil nagpumilit kami. Ang sakit pa ng kamay ko dahil biglaan nilang pinasok ang handcuff kaya medyo namumula.

While massaging my hand at the corner, I suddenly hear screams from my side to which turns out Nate with his girl. Shit, it's my first time seeing them together since the event last year, and they're still perfectly good. Mabilis akong tumalikod nang makitang papalapit sila sa booth at walang lingon akong naglakad palayo sa kanila.

"Ang tagal mo naman. Lunch na tayo, tanghali na." Reklamo agad ni Lance pagkarating ko sa pwesto nila.

Napangiwi ako at tumabi kina Missy at nakipag-usap. "Ellie, nandito siya!"

Biglang sumingit si Fia at napalingon ako agad dahil sa sinabi nito. Base sa kanyang ekspresyon alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Lumapit ako para makapag-usap nang maayos at mahina.

Too Late, EllieWo Geschichten leben. Entdecke jetzt