CHAPTER 32

70 2 0
                                    

Chapter 32

"Ito na iyong parts niyo, gawin niyo 'to mamaya ahh. Ellie, tulungan mo akong magcompile ng mga parts nila ahhh."

Sobrang sariwa pa nung nangyari kahapon pero hindi ibig sabihin na hindi ko na gagawin ang responsibilidad ko bilang estudyante. I need to cool out and avoid thinking about him first.

"Thanks, Alvin, but I'll just be the one to finish the report. You've done your part as my partner and my gropumate. Let me do the rest for our group." Marahang sagot ko sa kanya.

Napakunot noo naman siya sa harapan ko. "You sure? I can help you." He insisted.

I smiled gently at him. "Thanks but I can handle this. Thanks for your hard work."

Napangiti siya at agad tumango. "Okay. Just tell me if you need help. I'm just one call away." I nodded and continued.

I need to focus first with my responsibilities in school. I don't want to ruin my duties in my school just because of my shallow happiness. I'll try to focus with my task para naman kahit papano ay hindi ko siya maisip pansamatala.

"Ellie, busy ka?"

I was doing my research at the library when Missy pops up infront of me. I wonder if why she's here when we are in the middle of group's meeting.

"Nakikita mo na nga e." Pabalang na sagot ko. Ano na naman bang trip nito.

She chuckled. "Ibig kong sabihin, marami ka bang gagawin sa linggong ito?"

I stopped my research and looks at her blankly. She obviously needs something. "Bakit?"

Kumislap ang mga mata niya nang magtanong ako at mabilis na umupo sa harapan ko. "Gusto mong sumama kina Bianca sa Sabado? Hangout lang."

As expected. Mabuti at nagagawa pa rin nilang isingit ang mga bagay na ganito ahhh. Ako lang ba nagpapaka stress sa sarili ko? Haay, ayoko pa namang gumagala kapag maraming iniisip sa acads.

"Hindi pwede. Marami pa akong gagawin tsaka hindi rin naman ako papayagan." Sagot ko. Wala nang keme keme pa.

Naiisip ko rin na baka biglang buksan ni Fia ang topic tungkol kay Kendrick na ngayon pa na alam na ng barkada. Sapat na iyong narinig ko mula sa mga bibig niya at ayoko nang dagdagan pa ang mga nalaman ko. Ayoko ring malaman nila iyong tungkol sa bagong account ni Ken dahil siguradong mambablackmail na naman ang mga iyon.

"Hmmm focus ka ata sa school works mo? If I know, inspired ka lang dahil nalaman mong umuwi siya." Napatigil ako dahil sa sinabi niya.

I should be happy because he's here but then I knew something that could hurt me that makes me ask myself, am I still happy after everything that happened?

"Alis na nga ako. Busy ka ata e. Chat ka nalang kung tapos ka na para sabay sabay tayong mananghalian." Paalam nito. Narinig ko ang mga hakbang nito papalayo sa akin.

Hays, inspired pa ba ako sa lagay na 'to. I just can stop thinking about him and his words. Parang naninibago tuloy ako sa kanya. I promised to myself na kapag may nalaman pa ako tungkol sa kanya ay kakalimutan ko na siya at siguro iyon na nga iyon. 

"Ellie, okay ka lang?" I was startled when someone talks behind me. "Ay sorry, nagulat ba kita? Tulala ka naman diyan."

Tiningnan ko ang paligid at napansing kumonti ang mga tao. Haaays, gano'n ba ako katagal natulala kakaisip sa kanya. Nakakagulat naman 'tong kaklase ko, biglang bubungad sa harapan ko.

"Ahh o-okay lang. Ahh Alvin, pasabi naman kay Chris na kailangan ko na iyong part niya para maayos ko." Pakiusap ko.

Umiling siya at ngumiti. "Hindi na kailangan, dala ko na."

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now