CHAPTER 24

64 1 0
                                    

Chapter 24

"Kompleto na ba mga requirements mo?"

Abala kaming lahat sa pag-aayos ng mga requirements namin para sa susunod na enrollment ngayong second semester. Malapit na pala magpasko dahil BER months na naman kaya dapat doble ingat din kasi taglamig na. Naglakad kami ni Missy para kitain si Lance at Lay na naghihintay sa may bookstore. Tinanguan ko lang si Missy at nagpatuloy sa paglalakad. 

"Girl, hindi ata totoong sila e." Takang tiningnan ko siya ulit nang magsalita ito.

Inangat niya ang tingin para tingnan ako. "Si Kendrick tsaka 'yong babae."

Ahhh akala ko sino. Sinasabi ko na nga ba e, duda ako roon. May kakaiba sa kanila, feeling ko talagang kaibigan lang o kakilala.

"I kept telling you that. You don't have any proof to say that they are true." Sagot ko.

Nung nakita ko iyong litrato medyo nakaramdam ako ng kirot pero mas pinaniwalaan ko nalang sarili ko na talagang hindi nga ata. Nagbago isip ko nung napagtanto ko parang ang weird kung mag jowa sila.

Napakamot nalang siya sa ulo niya kaya napailing ako. Wala pa naman akong nababalitaan din kay Kendrick tsaka hanggang ngayon 'di pa namin kilala kung sino 'yong babae kaya nag conclude kami na wala nga at false alarm lang iyon. Nagdrama pa ako.

"Girls, I missed you!" Salubong ni Lance sa amin habang nakabukas nang malawak ang mga kamay nito na parang handa na kaming yakapin.

"Yuck, tigilan mo nga!" Asar na sagot ni Missy.

Natawa nalang si Lance at imbis na yakap ay isang tapik nalang sa ulo ang binigay niya na laging ginagawa niya sa amin. He would always pat pur heads and I find it very cute.

"Arte mo naman, ang tagal kaya kaming naghintay sa inyo. Mas malala pa kayo sa girlfriend ko." Pagpaparinig nito.

Sabay lingon namin ni Missy sa kanya. Napatigil tuloy kami sa ginagawa dahil do'n. "Girlfriend?!"Hindi siya sumagot at ngumisi lang sa amin.

"You mean, that girl?" Tanong ko. Tumango silang dalawa ni Lay.

Hindi pa rin maipinta ang mga mukha namin ni Missy habang nakatitig sa kanilang dalawa na parang alam nila ang nangyayari maliban sa amin ni Missy na walang kaalam alam.

"Mamaya na 'yan. Pila na tayo." Hindi na ako nakapagsalita pa nang bigla kaming hinatak ni Lance para pumila na kasi dumarami ang mga estudyante.

"Lay, sino ba?" Bulong ni Missy habang naghihintay sa pila. Hindi kami nakakapagtanong kay Lance kasi nagloloko kaya kay Lay nalang na umaasa kaming makakasagot sa mga tanong namin.

"Hindi ko alam e." Tinitigan namin siya nang masama dahil sa sagot nito.

Pagkatapos ng matagal na paghihintay sa pila ay natapos din kami sa wakas kaya napag desisyonang kumain muna para at magpahinga. Dito na inilahad ni Lance lahat ng tungkol sa kaniyang lovelife. Hindi naman kami makapaghintay ni Missy na parang asong masayang naghihintay ng pagkain sa harapan nito.

"Her name's April, you know her, Ellie right?"  Natigilan ako nang ibang pangalan ang binanggit nito sa amin at kilala ko pa.

Hindi ako makapaniwalang kay April siya natuluyan pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanila nung babaeng pinakilala niya sa amin. Naging taga hatid sundo siya, walang tigil na chat, text, o tawag, minsan sabay pa kumain, at pinakilala pa sa amin tapos iyong ending.....kaibigan niya pala?

"Hoy, sigurado ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Ibig kong sabihin, parang ang bilis naman ata? Paano iyong babaeng nakilala namin sa fastfood noon?" Pambihira naman 'to.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now