CHAPTER 10

138 3 0
                                    

Chapter 10

"Table clothing."

As soon as we heard her announcement, some of my blockmates were grumpy and half were happy about it. I remained calm, waiting for her further explanation.

"Ang mesa na iyong paglalagyan ng dekorasyon ay siyang gagamitin natin para sa darating na event ng school kasabay ng pagdiriwang ng teacher's day."

We were uncertain kasi akala namin magkaibang araw icecelebrate ang teachers day. Lahat tulala at nalilito sa mga naririnig namin.

"Yes you heard it right. Next week will be the feast for all of us, so we hope to do your best to enjoy the event." Wooaaahh!

The room goes wild as we realized the event that will be happening next week, siguradong magiging masaya ito.

"So, you may now group yourselves kahit ilang miyembro basta lahat may grupo. Kayo na ang bahala sa lahat and be sure na mayroon na kayong kanya kanyang mesa dahil lahat ng courses ay kasali sa event at siguradong magkakaubusan."

Okay! Kami ang pipili ng grupo, mas masaya 'to. Nag kanya kanya nang tayo ang mga kaklase namin para maghanap ng makakagrupo nila samantalang nanatili lang namin kami kasi iisang grupo na kami nina Millie.

"Siya nga pala, kayo na rin ang bahalang mag skirting ng mga mesa ninyo para naman kaaya aya tingnan at para maengganyo ang mga mamimili." Huling paalala ni prof bago tuluyang lumabas.

Nagsimulang mag ingay at gumulo ang paligid. Tahimik lang naman ako kasi may grupo na ako, kulang nga lang.

"Wala tayong boys?" Takang tanong ko. Since anim lang kami ay nagdagdag kami ng tatlo pa. Wala lang napipili pero pakiramdam ko e girls na naman ata 'yun. 

"Bakit Ellie, anong tingin mo kay Rainer?" Asar na tanong ni Vina sa 'kin na may nakakalokang ngiti.

Napakunot noo ako at iling dahil sa sinabi ko. "I mean, other boys na magbubuhat manlang ng mesa natin?" Klaro ko.

Syempre hindi namin kayang magbuhat ng mesa dahil sa bigat kaya kailangan pa ring may guide sa mga lalaki, mga babae pa naman kami.

"Hayaan mo na, kaya naman natin e." Ashely smugged.

Napanganga nalang ako sa kayabangan niya. Mukhang wala na ring balak 'tong mga kasama ko rito dahil hindi naman nila masyadong pinopoblema 'yun. Haaayss bahala sila.

"Guys! We need to manage our time perfectly for the gallery and for the group tasks!" Wala nang nagawa ang lahat kundi tumango nalang.

Syempre dapat pantay lantay kaming lahat kahit may by grupo na gagawin, unfair kapag hindi. Tsaka para sa aming lahat din naman 'to e.

"Wala akong alam sa skirting." Biglang sabi ni Ash.

Nagkatinginan kaming lahat at natahimik dahil sa sinabi niya. Ako rin e, hindi ko rin alam ang mga ganung bagay. Pa'no na nga 'yan? Namomoblema na tuloy kami rito dahil mukhang ni isa sa amin ay walang alam.

"Ako. Alam kong gumawa no'n."

Lahat napalingon nang biglang magsalita si Millie sa tabi namin. Tumango siya nang tanungin namin ulit. "Oo, tsaka nariyan naman si Dina e, alam din kaya niya. 'Di ba, Din?"

Nakalimutan naming may pag ka creative din pala 'tong si Millie kaya 'buti nalang. Dagdag mo pa 'tong bagong recruit namin na si Dina. Ewan ko ba, ang daldal naman niyan sa room pero pagdating sa amin e tahimik. Hmm siguro nga nahihiya lang din o awkward kasi hindi naman niya kami masyadong close.

"Okay so, okay na tayo. Hanap na tayo ng mesa mamaya agad para may bukas pa kunh walang mahanap ngayon." Saad ni Mich na ikinatango ng lahat.

Kahit dalawa lang ang gawain mahirap pa rin siya kasi kakailanganin ng sapat na oras sa pag aayos ng gallery at lalo na ang pag skirting na siguradong magiging hamon sa grupo namin, lalo na sa akin. Nakaupo pa rin kami at nagpaplano nang biglang dumaan si AJ, naiinip at panay ang reklamo sa kasama.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now