CHAPTER 12

151 2 0
                                    

Chapter 12

"Ellie, bilis makisabay tayo sa mga lalabas. Ayun sina Trina oh!"

Nawala ang atensyon ko kay Kendrick nang bigla akong hilahin ni Jas kaya napapabilis ang lakad ko. Hindi manlang ako nakapagpaalam sa kanilang lahat dahil sa kanya. Minsan rin nakakailang banggitin ang pangalan na Jas, hindi ko alam kung sino ang dapat tukuyin. Si Jasmine na kaklase ko't kapitbahay, o si Jasmine na crush ni Nate na taga engineering. Ang dami naman kasi ng pangalan sa mundo tapos parehong pareho pa sila, nakakaloka!

Pagkalabas namin, narito pa nga sina Trina, mga engineering students na kaklase nina Kesh. Nasa loob lang pala sila ng room nila kahit nakapatay ang mga ilaw. Mabuti nalang at may kasama na kami kaya hindi nasyaang ang oras kakahintay sa loob.

"Guys, galaw galaw tayo dahil ilang days nalang ay event na! Some groups are not yet done with their table clothing so please let's help each other!"

Maingay ang room at makalat pa dahil sa mga materyales na nakalatag. Ilang days nalang event na at hindi pa masyadong maayos dahil nakikisabay ang mga klase namin sa ibang subjects. Tapos may madagdag pang isa which is the table clothing that will be used for the event, we were going to sell our own products for the students.

We'll be having the highschool students as our visitors who'll visit the gallery. We will also give them some votes if they are happy with our service so we need to do the best to get higher grades from those students.

"Ellie, dalawa tayong gumupit nito."

First week of December and we're all busy for the event, exams and preparations for the Christmas party that's why we need to manage our time perfectly.

"Ellie, kaya mo ba?" Nag-aalalalang tanong ng kaklase ko.

Kainis naman kasi. This is one of my hatest thing of all time! I'm really not a fan of designing something. Wala kasi akong hilig sa mga ganito at wala akong talent kaya medyo nahihirapan akong gumupit dahil hindi ko ma perfect unlike others na sobrang ganda at linis.

"Ellie, pakibigay naman 'to--- anong nangyari sa kamay mo?" Gulat na tanong ni Mich.

My ring finger got cut a little bit pero hindi ko naman napansin dahil maliit lang at hindi naman dumugo. "Ahhh wala 'to." Maliit lang naman e.

Napakunot noo siya sa 'kin. "Mag-ingat ka kasi. Siya nga pala, pakibigay naman 'to kay Kendrick oh. Tapos ko na kasi 'yung part ko sa 'ming dalawa. May gagawin pa akong task kaya hindi ko maibigay 'to."

I lift my head to see her pleasing me to hand those cut papers to Kendrick. I looked at her confusedly but guess she's serious about her words dahil na rin sa sobrang busy. Wala na akong nagawa at inabot ang mga nagupit nang papers kay Kendrick.

Hinid ko alam kung bakit ako kinakabahan siguro dahil ang cold niya ngayon pero wala na akong nagawa pa. I searched for him and saw at the corner cutting some papers alone, with an earphones plug on his ears. I walked towards him, holding the papers tightly.

"Ken, pinapabigay ni Michelle 'yong part niya sa inyong ginagawa." Marahang saad ko pagkarating sa harapan niya.

Napatigil siya sa paggunting pero hindi inangat ang ulo at nakatitig lang sa kamay ko. I got awkward with those response. Will he accept it? I was about to arch my brows when he looked at me and smile.

"Thanks, Ellie."

Nagulat akong makita ang mukhang 'yon na may kasamang ngiti. Siguro naka move on na siya sa pinopoblema niya 'no, mukhang okay naman na. Umalis na ako roon para magpatuloy nang bigla siya magsalita ulit. 

"El..." Nilingon ko siya nang nagtataka. "Mag-ingat ka sa ginagawa mo."

Binalot ng pagtataka ang mukha ko ngayon dahil sa sinabi nito. Hindi siya nagsalita pero nang makita ang mukha ko ay tinuro niya lang ang kamay ko gamit ang gunting nito. Nakita ko ang sugat ko, may dugo na pala. Nagulat din ako kasi akala ko konting scratch lang 'to at mawawala agad, hindi ko naman inakalang patuloy pa rin na dumudugo.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now