CHAPTER 35

157 2 0
                                    

Chapter 35

"If I call his name lovingly, could we meet again as before?"

Fia was startled upon hearing my question. I expected it because even I myself got confuse why I said those words infront of her. I just hope that she'll understand me instead of making the situation worst.

She didn't hesitate to shook her head as an answer. "Impossible, Ellie." I look at her, she sigh. "Ellie, hindi lahat ng bagay makukuha mo sa paraang gusto mo nang ganoong kadali lamang."

Napaiwas tingin ako nang maramdaman ang pag-init ng mga mata ko. Tila ginising ang diwa ko ng mga salitang iyon. Patago akong huminga ako nang malalim para hindi maiyak.

Napangiti nalang nang mapait sa kawalan. "Oo nga pala. Asa naman akong mangyayari iyon. Sobrang labo." Huli na nga pala ako.

Tumahimik nalang ako ulit para wala siyang masabi na ikakasakit ko. Nilibot ko nalang ang tingin sa magandang kwarto ni Fia. Sa sobrang tahimik ay nabored ako kaya magpapaalam na sana ako kay Fia na matutulog pero bigla siyang nagsalita sa kalagitnaan nito.

"Akala ko rin dati gano'n lang kadali iyon. We know the fact that I can freely call his name. I can see him, touch him, talk to him, and laugh with him without you guys putting malice. Everything was just so easy for me, to be honest, unlike you."

I remained silent and bow my head. She caught me off guard with her honest words. I was hurt. She carefree spat out words that she didn't thought would hurt me.

"Kaya akala ko kapag gano'n, magiging madali para sa akin na makuha ang gusto ko." But I still feel her pain.

I felt sad for her. Hindi talaga halata na gano'n na pala ang nararamdaman niya kasi all this time, ang galing niyang magtago ng nararamdaman. Siguro masakit din para sa kanya iyong nararanasan niya, hindi ko man lang naisip iyon.

"Pero hindi pala gano'n kadali iyon. Hindi porke't masaya kami, malapit, at komportable sa isa't isa ay may tyansa na mahulog din siya sa 'kin. Doon ko napagtanto na kahit gaano kalapit ang dalawang tao, kung mismong puso nito ang umaayaw." She paused and look at me. "Hindi mo mapipilit."

Kinilabutan ako sa mga titig na iyon. Talagang sinadya niya akong tingnan para ipabatid ang bagay na mangyayari kung sakali man. Dahil nga hindi ko sigurado ang nararamdaman ni Kendrick sa akin dati, Hindi malabong mangyari ang sinasabi ni Fia.

Ngayon lang kami nagkaroon ng ganito kalalim na usapan ni Fia at sa usapang pag-ibig pa. Hindi ko naman kasi inasahan na magkakagusto rin pala siya sa mga lalaki, kasi kapag nag-uusap ang barakda patungkol sa mga crushes at lalaki, tahimik lang siyang nakikinig.

"At tsaka mas importante ang pagkakaibigan kaysa pagkaka-ibigan. Friendship stays longer than any relationships. Frienship is forever and I want him to be with me forever, even just as a friend." Isang ngiting mapait ang binigay niya sa akin.

Nasa magkaibang sitwasyon kami ni Fia ngunit ramdam ko pa rin ang pait na nararamdaman niya sa araw araw na nagdudusa siya. Napailing ako dahil hindi ko inasahan na makita ang ganitong side ni Fia. Malakas mang-asar, walang pakialam sa mga lalaki, pero hindi ko alam na ganito pala siya kapag nahulog na.

"You really like him that much, huh? Putting aside your feelings for him for the sake of friendship. That hurts a lot." Prangka ko rito.

Tumango siya at ngumiti. Napatingin ulit kami sa harapan namin. Tahimik ang gabi at payapa ang paligid. Walang nagpa-pakialamanan sa sasabihin ng bawat isa basta mailabas lang ang gustong ilabas ng sinisigaw na damdamin.

"Malayo nga si Kendrick pero hindi ka nasasaktan sa tuwing may nakikita kang ikasasakit mo. Masakit, pero mas masakit para sa akin, Ellie. Harap harapan kong nakikita, nahahawakan, nakakausap, pero wala akong magawa. Hindi ko nasasabi ang gusto kong sabihin kasi ayokong lumayo siya at magbago ang tingin sa 'kin." Tumahimik ulit siya at napabuntong hininga.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now