CHAPTER 13

125 2 0
                                    

Chapter 13

"Ellie, 'wag mo akong iwan.''

Ang lakas ng boses na Kendrick na umabot kahit kakasara ko palang ng pinto pero hindi ko lang sure kung tama ba pagkarinig ko. Hindi ko naman pinapansin kasi maloko loko 'yon si Ken kaya wala lang rin sa 'kin....pero mayro'n din konting kilig o asa....haays ano ba talaga! Gusto niya ba ako o pinaglalaruan lang?

"Ellie, anong meron sa loob?" Biglang tanong ni pres sa akin bago pa man ako makatawid papunta sa kanila.

"Lumabas si Prof tsaka konti lang naman tao sa loob." Sagot ko at tumawid na. Isang mahabang hakbang lang ang ginawa ko dahil umuulan kaya hindi dapat mabagal.

I've decided to look for Kesha para gumala sana pero hindi ko mahagilap, probably busy with their tent also. Ang dami kasing pumupunta sa kanila. Sus, if I know si Nathan lang ang pinupuntahan nila at halata naman kasi halos lahat, mga babae.

"Ellie, dito tayo." Nanonood ako sa may stage nang bigla nalang akong hinatak ni Fia sa kung saan.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

Masikip kaya hindi ko makita ang dinadaan dahil maraming tao. Nagpapadala na lang ako sa hatak ni Fia hanggang sa makarating kami.

"Bili ka ng tinda namin!" Pambihira.

Budol pala 'tong si Fia e. Akala ko kung saan na pupunta, mang dedekwat lang pala ng customer, ako pa nakuha tsk tsk. Ang ganda ng panonood ko roon e. 

Ay, bongga! Ang dami nilang binebenta ngayon at mukhang masasarap. Nakakatakam kainin ang mga 'yon kaya naman hindi na ako nagpa tuumpik tumpik pa at agad sinubo ang nakuha ko. The moment it slide into my mouth, I tasted the salt yet sweet flavor of it.

"Ang sarap. Ellie, libre mo ko!" Millie exclaimed beside me after tasting it.

"Oo na." Napatalon siya sa tuwa dahil sa sagot ko. Napaka hyper talaga ni Millie kahit kailan.

Kumain na rin ako dahil nagsisimulang dumami ang mga tao. May nakabantay naman sa mesa namin kaya pagala gala at pakain kain muna kami ni Millie dahil mamaya naman ay sila na at kami naman ang magbabantay.

"Kaninong idea 'to, Fia?" Tanong ko habang kumakain.

"Masarap ba, Ellie?" Isang tanong din ang sagot nito sa akin.

Tumango ako nang marami. "Oo, lalo na itong sago't gulaman, matamis at malinamnam siya." Puri ko pa habang patulog na umiinom.

"Talaga, El? Idea ni Marius 'yan!" Singit ni Vince sabay akbay kay Mar na animo'y pinagmamalaki ng kaibigan.

Napatigil ako at tiningnan sila. I didn't believe it at first, assuming that he was just kidding, but then Fia gave me a nod. Talaga ba? Tiningnan ko lang si Marius at binigyan ng thumbs up, napangiti naman siya.

"Nice, dagdag points kay Ellie!"

"MarLie, layag na layag!" What's with

Napataas kilay ako sa mga pinagsasabi ng mga nakapalibot sa amin. Mabuti nalang at maingay ang paligid kaya hindi masyadong rinig ng iba at tanging kami kami lang ang nakakarinig ng mga asaran nila. Ang galing, ang saya saya nila. Happy yarn?!

"Iba talaga mga galawang Marius. Pati si Ellie, napapa ibig!"

Automatikong nawala ang mga ngiti ko sa labi nang makisali rin si Kendrick sa kantyawan at mukhang masayang masaya pa ito. Ngumiti nalang ako nang konti at pinokus ang sarili sa kinakain. Hindi pa rin naman natitigil ang mga asaran nila kahit tahimik na ako at kumakain.

Nang nilingon ko sila ulit para sana patigilin na, bigla nalang nahagip ng mga mata ko si Kendrick at nakitang nakatitig na pala siya sa 'kin. Binigyan niya lang ako nang maikling ngiti bago iniwas ang tingin at nakipagdaldalan sa mga kaibigan.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now