Chapter 17

7.3K 286 25
                                    

Thank you for patiently waiting. Happy New Year! ❤️

SINUBUKAN ko muling tawagan si Zaviar kinabukasan ng araw ng birthday niya. Katulad kahapon, hindi niya ulit sinagot. Mabigat akong napabuntong hininga at tuluyan nang bumangon mula sa pagkakahiga.

Tamad akong nagtungo sa banyo upang mag-ayos ng sarili. Walang gana akong naligo at ilang minutong nakatulala lang sa ilalim ng shower. The betrayal in Zaviar's eyes kept on circulating in my mind. The way he said how disappointed he was in me felt really painful. He was disgusted at me.

And I fucking felt guilty. I fooled him. He  thought that I chose to be closed to him only because I needed to spy. Well, yeah, at first... that was true. I still remembered how I hated him from the very beginning and I was just forced to get along with him because of Mommy's favour.

But as time gone by, I slowly got to realized that it wasn't only because of Mom's favour anymore. Alam kong hindi na dahil do'n. Ginusto kong makipagkita sa kaniya ng maraming beses dahil gusto ko. Gusto ko siyang makasama. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang makita.

Hindi dahil gusto kong mag-espiya kundi dahil nagugustuhan ko na siya.

At ngayon, dahil gusto ko na nga siya... nasasaktan tuloy ako. Pero ayos lang. He had every right to say anything he wanted. Kahit masakit, titiisin ko na lang. Deserve ko naman ang masasakit na salita dahil sa panloloko ko.

Sana lang, kausapin niya na ulit ako. Willing naman akong magpaliwanag, e. Magtatapat ako na gusto ko siya, kung kinakailangan.

Nagbihis na agad ako ng unang damit na nakuha ko sa aking closet pagkatapos maligo. I didn't have the energy to be picky as of the moment. I felt tired of everything.

"Fleury?" narinig ko ang boses ni Ate Leng sa likod ng pinto ng kuwarto ko bago siya kumatok. "Eight-thirty na. Late ka na sa school."

Tamad akong umirap bago nagsuot ng sapatos. Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa kama bago na nagtungo sa pinto upang makalabas. Bumungad sa akin si Ate Leng na may magaang ngiti. Tamad ko lang siyang inirapan bago nilampasan.

Pagbaba ko ay natanaw ko sina Mommy na kumakain na sa hapag kainan. Tahimik. Mga hindi nag-iimikan. Ni hindi sila nag-angat ng tingin sa akin nang lumapit ako.

Nagsasandok na ako ng fried rice nang marinig ko ang pagtikhim ni Mommy.

"A-Anak, magkikita ba kayo mamaya ni... Zaviar?"

Agaran akong napatingin sa kaniya. Binalot ng lamig ang mga mata ko nang matitigan ko siya nang matagal.

Sa totoo lang, si Mommy naman ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung hindi niya ako inutusan na makipaglapit kay Zaviar para mag-espiya, walang mangyayaring eskandalo. Hindi rin sana ako nahulog kay Zaviar.

"Mom, he's mad at me. Do you really expect that we'll continue to go out after what he found out?"

Awkward siyang tumawa at tila nahiya sa itinanong niya. Bumuntong hininga ako at tiningnan na lang ang pagkain ko.

"B-Baka lang naman kasi, Fleury. Y-You should still try to to talk to hi--"

"I will, Mom. Pupunta ako sa kanila mamaya--"

"Yeah, that's great!" tuwang-tuwang tugon niya.

Kinunutan ko siya ng noo. Bakit ba parang hindi naman big deal sa kaniya ito? Bakit parang ako lang 'yong nabibigatan ngayon sa sitwasyon?

"Laarni..." saway ni Daddy.

Itinikom na ni Mommy ang bibig niya at nginitian na lamang ako ng pilit. Napailing-iling ako hanggang sa tumama ang mga mata ko kay Kuya Ysmael. Tahimik lang siya. Umiinom habang pinanonood ang reaksyon ko.

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon