Chapter 12

7.4K 283 103
                                    


PINANINGKITAN ako ng mga mata ni Deja matapos kong sabihin sa kaniya na hindi na naman kami makakapag-mall ngayong Tuesday. Magkikita na naman kasi kami ni Zaviar.

"Bakit ba palagi ka na lang hindi puwede? Are you busy with something? A boyfriend perhaps?"

Tamad ko siyang inirapan.

"Pupuwede bang hindi makarating sa 'yo if ever na may boyfriend ako? Sa 'yo ko unang sinasabi kapag may dine-date ako, 'di ba?"

Umismid lamang siya. "Malay ko ba. These past few weeks kasi, you seemed distant and secretive. I don't know what's happening to you."

Napatitig ako sa kaniya dahil parang ngayon lang nag-sink in sa akin na ganoon nga ako sa mga nagdaang linggo. Napabuntong hininga ako at na-guilty nang bahagya. Deja's my best friend and I never wanted us to have any misunderstandings. She was one of the truest people I had in my life.

Ngayon ko lang napagtanto na nakakaramdam na pala siya ng pagtatampo. Hindi na nga naman kasi kami madalas nagkakasama dahil halos araw-araw ay magkasama kami ni Zaviar. I felt bad for her. I hoped soon, I could finally be able to have enough courage to tell her about my Mom's favor.

For now, I would just try my very best to make her understand my situation.

"I'm sorry, Deja. I just... I just have so many things on my plate right now. Babawi ako sa 'yo, I promise," I said as I made a cross on my my chest.

Bumuntong hininga siya at pabiro akong inirapan.

"Fine! Don't break your promise, ha!" she responded before giving me a peck on the cheek.

Matapos naming magpaalaman ni Deja ay nagmamadali na akong lumabas ng school. Zaviar was waiting for me again outside!

When I saw his Volvo parking in front of the school, a smiled immediately appeared on my lips. Binilisan ko na ang lakad ko papunta roon at nang tuluyang makalapit ay agad akong pumasok sa passenger seat.

"Hi," he greeted shortly.

I smiled at him. "No meeting and heavy work today?"

Magaan siyang nakatitig sa akin. Seryoso ang ekspresyon niya ngunit ramdam ko pa rin ang gaan sa kaniyang aura.

"All done," sagot niya.

Nag-drive na siya patungo sa kanila. He asked me earlier in the morning through phone call if I wanted to go somewhere else, but I said that we should just hang out in their house. Wala namang problema sa kaniya kaya nagkasundo kami.

Pagdating namin sa kanila ay nakita kong nagde-decor na ang mga kasambahay nila ng pang-Christmas. Ilang linggo na lang ay Pasko na kaya nagniningning na naman ang mga lugar dito sa Isla Contejo.

"Magandang hapon, Konsi at Ms. Fleury!" bati ng mga kasambahay nang makapasok kami sa mansyon.

Nagpahanda si Zaviar ng meryenda para sa aming dalawa. Naupo kami sa hapagkainan at nagkuwentuhan habang hinihintay ang meryenda. Magkatabi kami kaya halos kami lang dalawa ang nakakarinig ng pinag-uusapan namin.

"Ayaw ko talaga sa teacher na 'yon, nakakainis. Namemersonal kasi, e," sabi ko pa matapos kong ikuwento sa kaniya kung paanong ipinangalandakan no'ng si Ma'am Lucero sa buong klase kung gaano nito kaayaw ang pamilya namin.

Isa raw kasi kami sa mga pamilyang nagpapahirap sa mga tao ng Isla Contejo. Mapang-alispusta raw kami sa mahihirap at walang pakialam kung may natatapakan nang tao basta't makuha lang ang gusto.

"She keeps on giving me a grade that I do not deserve! 1.75? I deserve more than that!"

Titig na titig lamang siya sa akin habang nagsasalita ako. May maliit na ngiti sa labi at ang mga mata ay tila tumatagos sa kaluluwa ko.

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon