Chapter 35

9.3K 285 46
                                    


MUNTIK nang mapatili si Deja nang makita niya ako. Agad siyang lumapit sa akin at sinalubong ko naman siya ng mahigpit na yakap. Napatingin tuloy sa amin ang iilang bisita na malapit sa puwesto namin.

"Oh, my God, I missed you!" she joyfully said.

"I missed you, too! Grabe, ngayon na lang ulit tayo nagkita."

Pabiro niya akong inirapan pagkatapos ay natawa.

"Sabi ko na, e. Magkikita lang talaga tayo ulit kapag may ikakasal na sa ating dalawa."

Sumabay ako sa tawa niya nang maalala kong sinabi niya nga iyon nang minsang magkausap kami sa telepono. Pasimple kong pinagmasdan ang kaniyang itsura, tulad ng nga ibang mga bisita, pormal din ang suot niya. Wala namang masyadong nagbago sa kaniya maliban sa medyo tumaba siya nang kaunti.

"Grabe, this engagement party of yours is the best engagement party that I've attended to," aniya pa habang nililibot ng tingin ang paligid. "Everything just looks so elegant and expensive."

Napangiti ako at napalibot na rin tuloy ng tingin sa isa sa mga hall sa loob ng mansyon na pag-aari ng buong angkan ng mga Contejo. Maraming round tables na nakapaligid. Gold ang motif kaya lahat ng disenyo at palamuti sa paligid ay mistulang ginto. Sa pinakaharap ay ang mababang stage kung nasaan ang table namin ni Zaviar. Sa paligid no'n ay may mga nakapalibot ding palamuti na agaw pansin sa lahat.

Naalala kong dito rin ginanap ang birthday ni Zaviar noon.

"Well, what do people expect from a Contejo and a Salvatorre, anyway?" dagdag pa ni Deja kaya muli akong napatingin sa kaniya.

I chuckled and smirked at her. "You know that."

Ilang sandali pa kaming nag-usap ni Deja bago ako nilapitan ni Zaviar at niyaya papunta sa iba pa niyang kamag-anak na kararating lang.

"Congrats!" Zaviar's cousin, Inno, greeted both of us with a teasing smirk on his face while looking at Zaviar.

Ngumiti naman ako rito. "Thank you!"

He smiled back at me before glancing back at Zaviar again.

"You just ate your word," makahulugang saad nito habang nakangisi pa rin.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mariin ang tingin ni Zaviar dito. Para silang nag-uusap gamit ang mga mata. Mayâ-mayâ ay bumaba ang tingin sa akin ni Zaviar kasabay ng paghila niya sa akin paalis sa harap ni Inno.

"Don't mind him. He's crazy."

Natawa lang si Inno sa narinig kay Zaviar. Humarap na kami sa ilan pang mga bisita. Kumpleto ang angkan ng mga Contejo pati na ang mga Salvatorre. I saw Kuya talking to some politicians nearby. Haira and my other cousins were talking to Rodean and Arsen Contejo.

Everybody was having a good time. People were socializing as if tonight was also a reunion for them. I suddenly remembered my parents. For sure, Mommy would be really happy if she were here. Not only because I'm engaged, but also because I knew that she would love to socialize. She was a social butterfly. Daddy, on the other hand, would surely talk only about business with some of the businessmen here. Walang ibang nasa isip iyon kundi negosyo, e.

It was just sad that they're not here anymore. Marami pa sana silang okasyon na dadaluhan. Marami pa sana silang masasaksihang masasayang kaganapan sa buhay namin ni Kuya.

"You okay, baby?" malambing na tanong ni Zaviar at hinaplos ang aking baywang.

I smiled and nodded at him.

"Yeah. Uhm, I'll just go to the powder room."

"Samahan na kita."

I chuckled. "Clingy ka, ha. Huwag na, hindi naman ako magtatagal."

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon