Chapter 23

8.9K 323 15
                                    


BINUKSAN ko ang closet ko at agad na namili ng maisusuot. I picked my cream, fitted checkered dress. It was in a tube style and the length was until my knees. It was paired with a long, checkered coat that also had the same color and was also until my knees. I paired it with a black stilettos. Iniladlad ko lang ang buhok ko at hindi na itinali pa.  Naglagay din ako ng kaunting foundation at dark nude lipstick.

Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Sinuklay ko pa nang kaunti ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. 4 years ago, wavy pa ‘to dahil iyon naman talaga ang natural kong buhok. Pina-straight ko na ngayon at hinayaan na munang hanggang baywang ang haba. Saka ko na pagugupitan.

Pagbaba ko, naabutan ko si Kuya na umiinom na ng kape sa hapagkainan. Binati naman ako ng mga kasambahay ng magandang umaga nang makita ako.

“Mornin’,” bati niya.

“Good morning.” Umupo na ako at nagsimulang magsalin ng kape.

Ibinaba niya ang cellphone niya at tumingin sa akin. Nagtaas ako ng kilay. Sumimsim ulit siya sa kape niya bago ibinuka ang bibig upang magsalita.

“I’ve heard that you’ll be having a meeting with the Contejos today?”

Hinipan ko ang kape ko bago sumimsim doon nang kaunti.

“Yeah,” sagot ko.

“Sino-sino sa mga Contejo?”

Nagkibit-balikat ako at inilapag ang tasa ng kape. “I don’t know yet.” Nagsandok ako ng fried rice.

Tumango-tango siya at nagsimula na ring kumain. Tahimik kaming kumain. We have both been used to the silence since our parents died. We eventually learned how to deal with it. Paminsan-minsan ay napagkukuwentuhan naman namin ang mga tungkol sa trabaho. Kadalasan ay puro tugkol sa session ko kay Ms. Ongpauco ang gusto niyang pinag-uusapan namin. Gusto niyang updated siya lagi roon.

After eating, I immediately headed to the office. I was walking with a chin up and an unbothered expression. I was nodding to every person who’s greeting me until I reached the lift. Sumunod sa akin ang bodyguard kong si Kuya Favio.

Nang marating ko ang palapag ng opisina ko ay nakasalubong ko pa si Haira. Papunta na siya sa direksyon kung saan naroon ang conference room.

“Pupunta ka na agad?” tanong ko.

“Yeah. Parating na raw ang mga Contejo.”

Napahinga ako nang malalim dahil para akong biglang kinabahan. Tumango ako.

“Susunod na ‘ko. I’ll just put my bag inside my office.”

“Alright.”

Pumasok ako sa loob ng opisina ko. Nanatili si Kuya Favio sa labas. Five minutes na lang ay magsisimula na ang meeting. Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit para akong kinakabahan. Sino-sino ba ang mga naroon? Sana pala ay nag-search muna ako kagabi kung sino-sino ba sa mga Contejo ang namamahala talaga ng mga hotel at resort nila.

Napatingin ako sa desktop ko. Kung mag-search kaya muna ako?

Tss. Stupid, Fleury! The meeting will start in five minutes! At saka para saan pa? As if naman na may magagawa ako kung malaman ko kung sino-sino ‘yong mga makaka-meeting namin?

Napailing-iling na lamang ako sa aking sarili at ibinaba na ang bag ko sa ibabaw ng mesa. Lumabas na ako ng opisina at sumunod naman sa akin si Kuya Favio. Nakasalubong ko ang pinsan kong si Gerald na papunta na rin sa conference room. Nagsabay na kami sa paglalakad.

“Their CEO will be included in the meeting,” pamamalita niya sa akin.

“Who’s their CEO?”

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon