Chapter 2

11.5K 316 85
                                    

KINUHA ko ang isang denim skirt mula sa closet ko at nang maisuot ko iyon ay saka naman ako namili ng maiteternong pantaas doon. I picked a white V-neck knitted crop top which was very suited to my slender body. I also chose white open toe thick heels to match my outfit.

Binilisan ko na ang kilos ko nang mapatingin ako sa wall clock ng kwarto ko. Humarap ako sa dresser at nag-pulbo lang ng kaunti. Nag-apply din ako ng kaunting tint sa pisngi at mga labi ko. I curled my lashes, but I didn't bother anymore to put some mascara 'cause my eyelashes are already thick and so dark.

I wasn't really fond of putting make-up on my face on an everyday basis. I only put some when there's an occasion or something. Pero kung araw-araw or kahit magpupunta lang sa mall? Nah. It's just a waste of time for me. Bukod sa tinatamad ako ay maiirita lang ako dahil feel ko palagi ay mabigat siya sa mukha.

Sinuklay ko lang ang buhok ko at hinayaan itong nakalugay. Nasa gitna ang hati nito. Maalon, hanggang ibaba ng dibdib ang haba, at natural na kulay brown. My hair was one of the things that I really liked about my being because it matched my skin. I'm morena. Someone once said to me that my skin color looked like an expensive caramel.

Iyong ibang mga babaeng kakulay ko, gustong-gusto nilang pumuti. Ako, never akong nagpaputi. Mahal ko ang natural kong kutis at proud ako ro'n. Medyo makapal din ang kilay ko at medyo may kataasan ang arch pero maganda naman ang pagkakahubog. My eye shape was upturned and my nose was okay — I mean... it wasn't really that pointed and it wasn't flat either. My lips was in a Cupid's bow shape.

Ang hindi ko lang gusto sa akin ay ang height ko. 5 flat tapos hindi rin ako tabain. Petite, kaya akala tuloy ng iba palagi ay mas bata ako sa kasalukuyan kong edad.

Marahas kong naisara ang zipper ng pouch ko nang maalala ko na naman iyong buwisit na Zaviar Contejo na sinabihan akong mukha akong 15 noong isang linggo sa dinaluhan naming event nila Mommy. Kakainis!

Oh, well... I couldn't do anything with my body built anymore. I mean — girl, just freaking accept your all and stop complaining — bulong ng kabilang parte ng aking utak.

Nang matapos sa pag-aayos ay agad na akong lumabas ng kwarto. Kanina pa umalis sina Mommy't Daddy. Maaga talaga sila palaging pumapasok sa Munisipyo. Si Kuya naman, malamang ay tulog pa pero paniguradong pupunta rin iyon doon mamaya.

I was about to go inside our car where my driver was already waiting for me when my phone suddenly rang. I rolled my eyes before pulling it from my bag.

"Yes?" medyo mataray kong pagsagot.

"Where the hell are you, Fleury?" I heard Deja's voice, my best friend.

Pumasok na ako sa sasakyan at agad na sinenyasan ang driver kong si Kuya Larry na mag-drive na.

"I'm on my way."

"Are you aware na five minutes na lang ay darating na si Ma'am? Girl, late ka na naman."

Muli akong umirap. "I don't care. Bye."

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot. Agad ko na siyang binabaan ng tawag at muli kong ipinasok ang cellphone ko sa bag ko.

Ten minutes lang naman ang biyahe mula sa bahay namin papuntang Isla Contejo University. Pagkarating ko roon, halos lakad-takbo ang ginagawa ko dahil mahigit five minutes na akong late. Nakakairita pa dahil may mga nakakasabay akong grupo ng Senior High na akala mo e mga namamasyal sa park. Kung puwede ko lang silang ipagtutulak lahat para mabilis silang mapatabi sa dinadaanan ko.

"Excuse me," matigas kong saad matapos huminga nang malalim.

Nahati sa gitna ang kumpulan nila kaya nagkaroon na ng sapat na daan para sa akin. Pasimple akong umirap at binilisan na ang lakad. Taas noo at diretso ang tingin.

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon