Chapter 1

13.3K 379 63
                                    


HUMAKBANG siya palapit lalo sa akin. Halos manginig ang tuhod ko. Ang kaninang malambot at malambing niyang tingin sa akin ay napalitan ng galit.

"I'm asking you, Fleury! Is that true?" bahagyang tumaas ang boses niya kaya mas lalong nadagdagan ang luha sa mga mata ko.

Hindi ko na kaya pang salubungin ang tingin niya kaya napayuko ako at pinaglaruan ang mga kamay.

"I-It's true, but—"

"You fucking fooled me?"

"Zav—"

Pinutol niya muli ako. Nag-angat ulit ako ng tingin sa kaniya. Umiigting ang panga niya at mas lalong dumilim ang tingin sa akin.

"I'm so disappointed in you." He eyed me with insult. "You're disgusting."

A sharp metal seemed to pierce through my chest. The sharpness of his words was enough to make my heart bleed in sorrow. Hearing his excruciating words felt like I was facing an entirely different person. It stung so badly. It hurts more because I knew that I was the reason why he was acting this way.

"I-I'm sorry, Zaviar. Let me explain—"

Isang taas niya lamang ng kamay niya ay napahinto na ako sa pagsasalita. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang paglapit nila Mommy. Tahimik ang lahat at sa amin lamang nakatutok ang mga mata, tila kami nasa isang pelikula.

"You have nothing to explain now, Fleury. I get it. We all get it. Mas pinatunayan mo lang na talagang mandaraya ang buong pamliya n'yo." Inilipat niya ang mga mata kina Mommy.

Mas lalong binaha ng luha ang mukha ko. Paano ba kami napunta sa ganitong sitwasyon? Bakit kailangang magkaganito? At lalong bakit kailangan kong mahulog sa kaniya kung sa simula pa lang ay hindi ko naman talaga siya gusto?

"You see that young man over there, Fleury?" Itinuro ni Mommy ang isang pamilyar na lalaki na pormal na nakikipag-usap sa mga negosyante sa hindi kalayuan.

Napangiwi ako at taas kilay na tinitigan ang lalaking iyon.

"What about him?" tamad kong tanong.

"That's Zaviar Contejo. Anak nina Celestina at Eliezer Contejo. Konsehal din 'yan."

I lazily rolled my eyes and carefully snatched a champagne from a waiter who passed by.

"I know him, Mom."

Gulat na napalingon sa akin si Mommy. "Oh, you do?"

Nagulat siya na kilala ko ito dahil alam naman niyang wala akong kainte-interes sa mga politiko.

Sumimsim ako sa champagne bago nagsalita. "Yeah. I hear so many rumors about him in school, you know. He's actually a womanizer."

Akala ko'y sisimangot si Mommy at magsasabi na rin ng hate comments patungkol kay Zaviar ngunit ikinagulat ko ang natutuwa niyang pagtawa.

"Oh, dear. I don't expect a man like him to stick with only one woman. With his charm and powerful influence, he has every right to date any girl he wants."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Even dating them all at the same time?"

"Yes!"

I didn't hesitate to show her my disgusted look. She just chuckled.

"Seriously, Mommy, some of your perspectives are really pitiful."

Nagkibit-balikat lamang siya at hindi na sinalungat iyon. Paano, alam niya na mismo sa sarili niya 'yon. Some of her views in life and on people really suck. Tss.

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon