Chapter 32

9K 334 42
                                    


NAGPAKAWALA ako ng buntonghininga at walang pakialam na umakyat ng hagdan. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo ni Zaviar mula sa hapag at ang agad niyang pagsunod sa akin.

"I'm tired, Zaviar," tamad kong saad. "And why are you here? You said you won't be back until Monday?"

"I cannot stay there for long knowing that my girlfriend isn't answering my calls and texts."

Tss.

"Fleury, let's talk. Ano bang problema? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?"

Hindi ko siya pinansin. Nagtuloy-tuloy ako sa pag-akyat hanggang sa matunton ko ang aking kuwarto. Agad akong pumasok doon at isasara na sana ang pinto ngunit pinigilan iyon ni Zaviar. Tinaliman ko siya ng tingin ngunit halos manlabot ang tuhod ko nang salubungin ako ng matalim din niyang mga mata.

"Go home, Zaviar!"

Umiling siya at walang pag-aalinlangang pumasok sa kuwarto ko. Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay. He closed the door and towered over me. I probably looked like an angry little cat looking up on him.

"What's wrong?" tanong niya.

Umirap ako. "Wala!"

Mas lalong dumiin ang tingin niya sa akin kasabay ng pag-iigting ng kaniyang panga. Tinalikuran ko siya at padabog na inilapag ang bag ko sa kama. Papasok na sana ako sa walking closet ko ngunit para akong spring na umikot pabalik nang hilahin niya ang kamay ko. Tumama ako sa matigas niyang dibdib na agad kong hinampas.

"I said let's talk! Paano natin maaayos ang problema kung umiiwas ka?"

"I don't wanna talk!" singhal ko. "Bakit ba nandito ka? Just go back to your fiancé, you liar!"

"What?!" kunot noong reaksyon niya.

Marahas kong binawi ang kamay ko mula sa kaniya at itinulak siya sa dibdib.

"What? You think I don't know it by now? You're just fooling me!" dagdag ko pa.

"What the fuck are you talking about?"

Confusion was written all over his face. He was gaping at me while his brows were almost forming a line. Hindi naman ako nagpatinag at patuloy siyang sininghalan. Mabuti pa ngang sabihin ko na sa kaniya kung anong problema ko para matapos na itong panloloko niya sa akin.

Nagmamaang-maangan pa siya riyan. Kunwari hindi niya alam ang sinasabi ko? What a liar and a pretentious asshole!

"You're engaged, for fuck's sake!" I spat angrily. "And what am I, huh? A mistress? An other woman? O baka nga totoo 'yong sinasabi ni Elsie na ginagantihan mo 'ko?"

Laglag ang panga niya habang pinakikinggan ako. Gulong-gulo rin ang ekspresyon. Para bang hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Fleury, hindi ko maintindihan! Ano bang sinasabi mo--"

"You're engaged to Elsie and yet you're having a relationship with me! Ayan, malinaw na ba?!"

Hindi nagbago ang naguguluhan niyang ekspresyon. Mabilis na ang pagtataas-baba ng dibdib ko dahil sa galit at tensyon. Hindi naputol ang matalim kong pagtitig sa kaniya.

"What the fuck is that? Anong engaged? Anong Elsie?"

"Huwag ka nang magsinungaling! Umamin ka na lang!"

"Anong aaminin ko e wala namang katotohanan 'yang sinasabi mo? Where the hell did you even get that? Who told you that?" Napahilamos siya sa kaniyang mukha. "I'm not engaged to anyone, Fleury. You're my girlfriend and I'm not fooling you."

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon