Chapter 26

9.4K 350 74
                                    


SINAGOT agad ni Deja ang tawag ko sa kaniya. Sumalampak ako sa kama habang kausap siya sa phone. Ikinuwento ko sa kaniya ang muli naming pagkikita ni Zaviar at ang paghatid sa akin nito noong isang araw.

"Hala, grabe! Feel ko talaga may gusto pa rin sa 'yo 'yong si Mayor, e!"

Ngumiwi ako sa narinig ko mula sa kaniya. Tumulala ako sa kisame.

"Tss. He's just really a nice man, that's all."

"Sus! Minsan ko na nga lang mapagkikita 'yon dito sa Isla Contejo! Malamang, kaya punta nang punta r'yan sa Maynila ay dahil nandiyan ka!"

Hindi kami madalas magkausap ni Deja sa phone dahil abala rin siya sa trabaho sa Isla Contejo. Pero kapag weekend, nagtatawagan kami. Minsan na rin niya akong nabisita rito noong mag-file siya ng leave sa trabaho.

"He has collaborative projects here, that's why. Huwag kang malisyosa."

Nakakaloko lang niyang tinawanan ang sinabi ko. We talked some more for a while until we decided to call it a night. I still have work for tomorrow.

Inilipag ko na ang cellphone ko sa bedside table at tumagilid ng higa. Pinilit ko ang sarili kong matulog. Mariin na ang pagkakapikit ko ngunit parang hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nagpapaulit-ulit sa isipan ko iyong paghatid sa akin ni Zaviar. Hindi ko makalimutan. Hinatid lang naman niya ako pero parang napakalaking bagay na no'n dahil hindi na nawala-wala sa isip ko.

Mabigat akong nagpakawala ng buntong hininga at dumilat na lang muna. Nakipagtitigan ako sa salaming pinto ng balkonahe habang naaalala pa rin 'yong kaunting pag-uusap namin ni Zaviar sa kaniyang kotse.

He said that he'd eventually come back here in Manila in 2 days or in 3 days. How would I know, then? He didn't give me his number and I didn't also. We had no means of communication. Malalaman ko lang siguro kung... pupunta siya rito at makikipagkita sa 'kin o kaya'y sa opisina.

E bakit naman siya makikipagkita sa akin? Ano bang meron? Was he obliged to come and see me? Was that his duty?

"Hay!" Napaikot ako ng mga mata sa kawalan at nasapo ang aking noo. "Ano ba 'tong mga pinag-iiisip ko."

Nagtaklob ako ng kumot at pumikit na nang mariin hanggang sa unti-unti ring nakatulog.

I picked a long sleeved red velvet, bodycon dress that had a square neckline from my closet the day after. I looked at the whole body mirror to stare at my dress and thought of a pair of shoes that could match to it. Ngumuso ako at nilapitan ang malaking shoe rack ko.

Nahagip ng mga mata ko ang isa sa mga nude stilettos ko. Tiningnan ko iyon at agad na isinuot bago ako muling bumalik sa harap ng salamin. Bagay naman.

"Okay na 'to," sabi ko sa sarili ko bago lumabas ng closet.

Namili ako ng bag na kakulay ng sapatos ko at nang ayos na ang lahat, bumaba na ako. Sumabay ako sa pag-aalmusal kay Kuya at nang natapos ay agad nang umalis papuntang trabaho.

Tinapos ko ang mga dapat kong tapusin sa opisina. Pinirmahan ang mga dapat pirmahan at ni-review ang mga dapat i-review. Tumigil lamang ako sa trabaho nang sumapit ang lunch at dahil na rin binulabog ako ni Haira. Sabay na kaming kumain sa cafeteria sa baba.

"Zaviar drove me home the other day," pagsisimula ko sa kuwento habang kumakain kami.

Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat. Magmula sa pagkaka-stuck nila Kuya Favio sa traffic, sa biglang pagdating ni Zaviar, hanggang sa iilang napag-usapan namin nito.

"OMG! You know what, I think he really cares for you until now. And I also think that he's trying to hit on you again."

Nanlaki ang mga mata ko at inilingan siya.

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon