Chapter 4

8.5K 374 80
                                    


HUMINTO ako sa paglalakad nang makaliko kami sa pasilyo kung saan naroon ang common bathroom. Nilingon ko si Zaviar bago ako humalukipkip. Nagkatinginan kami.

"Hurry up," sabi ko.

Bumuntong hininga siya at nilingon ang pinanggalingan namin. Tinaasan ko siya ng kilay nang bumalik sa akin ang tingin niya.

"You can go back now. I'm good here. Thank you." Humakbang na siya at pumasok na sa CR.

Nang makapasok siya ay umirap ako. Even if he didn't tell me, I wasn't planning on waiting for him, 'no! Find his way back. Wala akong pakialam sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya.

Pumihit na ako at nakahalukipkip pa rin habang naglalakad. When I turned right, I almost had a heart attack when Mommy suddenly appeared in my front. We also almost bumped into each other.

"Mom!" singhal ko nang makabawi.

Nakahawak pa rin siya sa kaniyang dibdib dahil sa gulat. Inirapan niya ako at napahilot din siya sa kaniyang sentido. Huminga siya nang malalim bago sinilip ang pinanggalingan ko.

"Where's Zaviar?"

"CR," tamad kong sagot.

"O, e, sa'n ka pupunta?"

Kumunot ang noo ko sa kaniya at tinitigan siya na para siyang isang nilalang na nanggaling sa ibang planeta.

"Going back to the dining, Mom," irritation was laced in my voice. "What? You expect me to wait for him while he's doing his thing inside the CR?"

Bumuntong hininga siya at mas tinitigan ako gamit ang nangungusap na mga mata. She also held me on my shoulders as if begging for my attention to be more focused to her.

"You know what, why don't you tour him around our house?"

Nakangiti pa siya na parang napakagandang ideya noon. Ako naman ay tumindi ang pagsimangot.

"Mom, are you being serious? Parang napakaimportante namang tao ng Zaviar na 'yan. Sino ba 'yan? Konsehal lang naman 'yan at anak ng Vice Mayor."

Mabilis na nabura ang ngiti sa mukha niya. Nahaluan ng kaunting galit ang kaniyang tingin sa akin.

"Fleury, ha, 'yang bibig mo. Why are you talking like they are just some kind low individuals? Hindi iyan tama, ha," pangaral pa niya.

My lips pursed and I just decided to not contradict what she have said.

"Anak, hindi mo sila dapat minamaliit. Their whole clan served our town for countless of decades and we should be grateful for that. Until now they're working hard just to make this place better than ever. Kung hindi dahil sa mga ninuno nila, baka matagal nang abandonado o haunted ang buong lugar na 'to at wala rin sana tayo rito ngayon."

Bahagya akong naliwanagan at agad din namang napagtanto ang kamalian. I looked down and heaved a sigh.

"Sorry, Mom. It's just that..." Napalingon ako sa pinanggalingan kong pasilyo. "I don't like Zaviar. I feel na hindi kami kailanman magkakasundo. Nahahanginan ako sa kaniya tapos kung ano-ano pang naririnig ko na kung sino-sinong babae kasama niya. He's a womanizer and I hate those type of guys."

"That's just rumors, sweetheart. Marami talagang naninira sa pamilya nila kaya ang bilis silang gawan ng mga kuwento."

Tumaas ang kilay ko at pinili na lamang manahimik dahil mukhang hindi niya rin naman tatanggapin ang kahit anong sabihin ko patungkol kay Zaviar.

"Sige na, hija. Wait for him and tour him around. For sure he'll be glad."

Pumalatak ako at napakamot sa aking ulo.

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon