Part 35. Last Memories

13 1 0
                                    

January 04, 2020
3:30am
Nagising ako sa subrang lamig, dahil wala naman akong katabi. Niyakap ko na lang yung unan.
Kawawa naman ako...

Nag bukas ako ng fb sa real account ko.. Nakita ko ang post ni fely na kasama sila nilda,
Comment:
Jona: I miss you all
Fely: miss mo lang ako pagtripan
Jona: hahaha love you ..
Nilda: itali mo ulit ang bag...
Jona: nakuuu! Sunod na magkikita kami nyan, sisiguraduhin kong di na matatanggal yan ni fely..
Nilda: ano gamit? Hahaha
Jona: lubid na sis hahaha
Fely: sabay bigti hahaha
Jona: siraulo, hahaha
Fely: love you besh...
Jona: nilda, siguro may ka chat si Fely , 4am online pa..
Fely: luhhh! Wala ahh, gumagawa lang ako activity. 
Nilda: nakuuu, ayan na, selusan na hahaha
Jona: hihiwalayan ko na ba? Nilda hahaha
Nilda: bala na kayu Jan hahaha
Fely: di ko yan iiwan, mahal na mahal ko yan..
Jona: sana all hahahaha , tulog na kayo...

Di na sila nag refly, tulog na siguro mga yun.. Chinarge ko na yung phone ko.  Nakatingin lang ako sa bintana, nag papaantok. Habang nakapatay ang ilaw, di kasi ako sanay matulog ng bukas ang ilaw, di lang ako makakatulog nun

4:30am na di pa ko makatulog may naalala na naman ako, dati kasi ganitong uras nag tetext na yung ex ko, tinatanung nya na ako kung ano ang gagawin ko sa buong araw ko? Itong uras din kami minsan nag uusap.. Sinasabi nya sakin na, mag iingat ako palagi. Wag ko pababayaan ang sarili ko, at pinaparamdam nya sakin na mahal nya ko.. Binuksan ko yung ilaw. Sinara ko ang pinto, nag PA music ako..

Humiga, yumakap sa unan, nag kumot, at
Umiyak ng umiyak!

Mahal mo ko? Pero sinaktan mo ko. Minahal mo KO, pero sinira mo ang tiwala ko sayo! Mahal mo ko, pero ginawa mo kung tanga! Mahal mo ko, pero Hinayaan mo kung mag isa! Mahal mo ko Pero paulit ulit mo kung sinaktan! Mahal mo ko, pero anong ginawa mo! Pero pasensya na! Hinde ko na kayang mahalin ka pa ulit, ayaw ko na sayu! Hinde na kita mahal! Ito na ang huling maalala ko lahat sayu!

Pinunasan ko na lang ang mga luha ko.. At bumalik ulit ang galit na nararamdaman ko, nakita ko yung Maliit na teddy bear na kulay pula sa gilid ng mga notebook ko sa lamesa..

Kinuha ko yung karton sa sala, kaya kinuha ko agad, nagdala na ko ng walis, kasi lilinisin ko ang bawat sulok ng kwartong to na Saksi sa mga pag iyak ko..
Kailangan ko ng itapon lahat ng mga alaalang nakikita ko.

Kinuha ko yung Maliit na pulang teddy bear, binigay nya to sakin nung valentines. nagtampo ako nun sa kanya di ako nag paramdam ng isang araw kasi parang wala lang sa kanya nun, Valentines day. Kinabukasan, nakipag kita sya sakin. At binigay nya sakin yun.Flowers sya na may teddy bear sa gitna pero syempre lanta na yung bulaklak na yun. Parang pag mamahal ko sa kanya patay na... Kaya tinago ko yung little red teddy na yun at pinangalangan ko pa yun na Jonyle..
Nakita ko yung gift wrapper, na pinabili ko sa kanya. Gandang ganda kasi ako sa wrapper na yun. Kaya binili nya, pero syempre di ko ginamit , tinago ko lang. Di naman kasi ako tulad nya na lahat ginagamit nya.. Napansin ko yung kabinet.
Naguguluhan na ko sa mga damitan ko, kaya tinupi ko na muna, buti na lang dinonate ko na yung couple t-shirt namin, its a color blue green. Di ko na maalala anung design nun. Nakita ko yung maliit na box sa gilid ng damitan ko. Ano 'to jona? Binuksan ko yung maliit na box.. Ito yung mga bracelet na binigay nya sakin nung  monthsary namin, na pinagawa nya pa yung pangalan ko.. At anim na hikaw na favorite Kong isuot nun, syempre ingat na ingat ko lahat ng binigay nya, nandito pa.  Wala ng kalat dito sa kabinet, malamang dito sa envelope na 'to marami ..
Pag bukas ko ng envelope nakita ko yung manila paper na drawing nya na magkahawak ang kamay at may I love you sa taas.. At yung mga letter na binigay nya sakin every monthsary namin. At yung mga balloons na pinag laruan lang namin, Nakita ko rin yung favorite ballpen ko na binigay nya, na pinang dradrawing ko sa braso nya minsan. Wala na rin naman tinta yun, pero syempre tinago ko parin, nakita ko rin yung airphone na color gray sa isang envelope na pareho din kami. at Di ko na binasa yung mga letter na yun, di na ko interisado. Nakita ko rin yung mga picture, isa isa ko na rin pinunit lahat yun. Nilagay ko na lahat sa isang karton. Niligpit ko na rin at inayus ang buong ayus ng kwarto, iniba ko na ang pwesto ng kama at lamesa, pinalitan ko na rin ang kurtina at bedsheets.. Itatapon ko na rin lahat ng mga notebook na 'to at mga di na kailangan, nakatambak lang dito..

Nag agiw na rin ako, pinusan ko na mga alikabok. Nag walis at nagligpit ng mga kalat..
Ano pang maaalala mo dito jona?
Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto, wala ng bagay makakapag paalala sakin sa nakaraan ko. Luminis na rin ang kwarto,  Sisigaan ko na lahat ng mga sa box na to
mamaya pagkaliwanag.
Humiga na muna saglit medyo napagod ako sa kakalinis. Ubos rin ang basura dito...

5:40am na midyo maliwanag na sa labas. Narinig ko yung Lola ko nag luluto na.

Lola: ano yan? (Tinuturo ang box)
Jona: basura po, sisigaan..
Lola: sigaan mo na yung mga basurang yan..

Lumabas na ako para sigaan ang lahat ng basura na naipon dito sa kwarto...

6:30 am
Kumain na ko ng agahan. Naglinis na rin ako ng kusina..
Bakit ka ba sinisipag jona?
Gusto ko lang kalimutan lahat
Gusto ko lang libangin ang sarili ko, gusto ko lang maging masaya na walang ibang makakatulong sakin kundi ang sarili ko lang...

Ginagawa ko 'to hinde para sa iba. Kundi para sa sarili ko...

I Want You To Be My Last Where stories live. Discover now