Part 54. Come Back

6 0 0
                                    

July 03, 2021-8:40am na ko nagising dahil gabi na rin ako natulog, nanonood kasi ng horror movie, hinde man lang ako natakot takot, manhid na siguro ako hahaha char..

Habang nakahiga, at tinatamad pang tumayo, naisipan kong mag bukas mo na ng facebook, at mag post.

Post on Facebook;
-Minsan kailangan natin maging masaya ng tayo na lang mag isa.
- Buti pa ako ang bait ko na, wala pa kong kachat.

At nagulat ako ng biglang may nag notification na message samantalang wala naman akong kausap, o kachat sa account na yun. Yung account na yun ang accout ko pa nung kami pa ni Hersie. Agad kong pumunta sa message at tinignan, owwws! Its Zgem.

Zgem: Tara Cb..
Jona: Anung CB? Coming baby, ako ba ninang? Haha
Zgem: Come back
Jona: Sige, basta wag mo na ako iiwan ha? Hay na ko, nagiging marupok na naman ako, wala ehhh, mahal ko ehhh.
Zgem: ayyy! Wag na muna pala, sa birthday mo na lang..
Jona: hihintayin pa ba natin ang birthday ko? Sige, sa isa ko na lang account ka mag chat sakin.
Zgem: di naman kita friends dun ehh
Jona: iadd mo na lang ako.

Birthday ko na nga pala sa sunday, sunday na rin ako uuwi ng bulacan, masyado na rin kasing boring, wala na rin naman ako gagawin. Nagsasawa na rin naman ako sa mga pag mumukha nung sa bahay, kaya mas mabuting magbakasyun na muna..

Nung time na yun, mag babakasyun ako sa tita ko sa Cavite. Dahil gusto ko na rim malibang yung isip ko.. Nung time na yun nakakausap ko yung mga kaibigan ko nung uras na yun, isang kaibigan na sinusuportahan ko sa vlogger, isang kaibigan na nagbigay sakin ng inspiration para mag patuloy sa buhay, at di pa katapusan ng mundo. Isang kaibigan na nag bigay sakin ng dahilan para sumaya.

Admin: saan ba tayo magkikita kita sa sunday?
Founder: kahit saan?
Ajay: sa Quezon City na lang o kaya SM north, kung ok lang sa inyo.

Nag seseen na lang ako sa mga chat nila.

Ajay: Uyyy, sure na pupunta ka ng Quezon city ha? Lahat tayo dapat nandun
Jona: hinde pa ako sure ehhh, pero sige try ko na lang..

July 09, 2021
Pumunta na ko ng Cavite para mag bakasyun, 6 hours lang nakarating na ako agad. Kumain na rin ako sa labas para pagkadating dun mag papahinga na lang ako, pero di rin naman pala ako makakapahinga kasi ang gugulo ng mga pinsan ko,

Kinabukasan, gumala kami sa dagat. Malapit lang kasi sa kanila ang dagat. Ang sarap din pala mag lakad habang yung mga alon tumatama sa mga paa mo, gumala lang din naman kami buong maghapon at nakauwi na kami ng 10pm ng gabi.

Masaya naman kahit paano, nakalimutan ko yung mga dapat kalimutan, minsan kailangan parin palang lumayo para iwan sandali ang mga problema na paulit ulit nanghihinge ng solusyon para matapos kaagad.

July 18, 2021, uuwi na din ako. Wala na rin naman kaming pupuntahan, dahil nag sawa na kami sa gala. It's my birthday.. Hinde ko na pinaalam sa kanila, hinde na mahalaga. Kasi kung mahalaga tayo sa isang tao di na natin kailangan sabihin kasi sila mismo ang nakakaalam nun at mag sasabi sayo at for surprised for you..

8:30am paalis na ko ng cavite, hinatid ako ng mga pinsan ko sa buss pauwi ng bulakan, pero di ko rin sinabi sa kanila na pupunta pa ako ng Quezon City, dahil sa mga kaibigan ko.

Nag paalam ako kay Zgem para makipag kita sa mga kaibigan, at may event na gaganapin dun..

Zgem: Umuwi ka na lang, tayo na lang mag celebrate ng birthday mo
Jona: Saglit lang naman.
Zgem: hinde mo pa ganun sila kakilala. Umuwi ka na lang..
Jona: hihintayin nila ako, umuo na kasi ako sa kanila.
Zgem: Sabihin mo na lang may emergency..
Jona: baka magtampo sila sakin
Zgem: Hinde yan, sabihin mo may emergency.
Jona: Sige

Oo nga pala, nag balikan na nga pala kami. Responsibilidad kong sundin sya. Kaya papayag na din ako sa gusto nya. Chinat ko na si Ajay. Para sabihin na di ako matutuloy kasi may emergency sa bahay at kailangan ko na din umuwi.
Hinde ko alam kung magagalit sila sakin kasi may mahalaga daw silang iiannouce na magkakasama kami at para magkakilala na kami sa isat isa.

Ajay: Nasaan kana? Nandito sila
Jona: baka hinde na ako matutuloy, 12:30 pm na at may emergency sa bahay at kailangan ko ng umuwi agad.
Ajay: kahit saglit lang?
Jona: oo, sorry. Paki sabi na lang kay ate Eza.
Ajay: Sige, next time na lang. Gawa na lang kami ng paraan para makarating sayo
Jona: baka makaratin hahahha kayo na lang punta dito bulakan
Ajay: hahahah happy birthday jona.
Jona: Thank you...

1:45pm nakarating na ko ng Cubao. Gumala muna ako sa Trinoma, kumain na kuma ako mag isa. Ang saya din palang mag isa nuh? Yung naiinjoy mo ang bawat moment ng buhay mo.. Pero oo nga pala, kami na nga pala ulit. I'm not single, im in a relationship to the person that hurt me so much but i choice to her a chance for a change.

3:00pm wala pa kong balak umuwi ng bulakan, medyo traffic din.. Halos isang taon na din akong di lumalabas ng bahay dahil sa quarantine, pero sana maayos na rin ang lahat. Gumala na muna ako nag ikot ikot, balak ko na lang mag simba pagka baba ko ng bulakan, pero hapon na rin naman.

6:00pm nakarating na ko ng Robinson Sa malolos, balak ko na lang umuwi nung araw na yun dahil malakas din naman ang ulan.

Zgem: Tara kita tayo
Jona: uuwi na ko, nakasakay na ko ng tricycle. Malakas na rin ang ulan. Kita na lang tayo next time kung di ka busy.
Zgem: sige ingat
Jona: sige

Nakauwi na ko ng bahay, pero halos lasing mga tao, tapos tambakan ng hugasin, birthday ko ngayun pero bakit parang sila lang yung masaya, inurungan ko na muna lahat ng huhugasin at naglinis ng bahay. Mga 7:30pm pumunta ako ng alfa mart dahil may binili ako. Tulog na rin naman ang mga tao sa bahay, at pagkauwi ko ng bahay. Naligo na rin ako, dahil nabasa din ako ng ulan.

9:00pm humiga na rin ako at nanonood ng tv habang nag fafacebook. At nababasa ng mga bumabati sakin. Hanggang sa nakatulog na ako...



Happy 21th birthday to me...









May god continue to blees my year...

I Want You To Be My Last Where stories live. Discover now