Part 16. 1st Anniversary

20 2 0
                                    

Message from Jona,
HAPPY 1ST ANNIVERSARY MINE, ayiiiiieeeeh, 1 year na.. road to forever ba this 😂 staystrong always ha? lagi mong tandaan na mahal na mahal kita, at hinde nag babago yun, mas hindeng hinde ako magsasawang sabihin yun☺️ thank you for being my best friend, boyfriend and everything from me. sana mas lalo pa tumatag yung pinag samahan natin na kahit ano pang pagsubok yung dumaan, walang susuko. thank you for always here for me, for caring, for protective, and supportive boyfriend. Naapreciate ko lahat ng mga ginawa mo para lang mapasaya ako. subrang saya ko nA nakilala kita at lagi mong tatandaan na isa ka sa mga taong pinaka importante sakin, sana wag ka ng mawawala ha? sana di kana maghanap ng iba, sana ako na lang yung pipiliin mo, sana di mo na maisipan yun, i always try my best para lang maging makuntento ka sakin. sorry kung lagi akong nangdududa, at nanghihinala, subrang mahal na mahal lang talaga kita, ayaw ko lang talaga na mapunta ka sa iba at sasaktan ka lang nila. ayaw kung lukuhin ka nila ulit kasi pag nangyari yun, ako yung una unang masasaktan. Happy new year po 😂 more monthsarry and anniversary to come 🎂 di man tayo makapag kita ngayun, lagi mong tatandaan na nandito parin ako. i love you so much more mine 😘😘😘 miss na miss na din kita, basta ingat ikaw lagi jan ha? keep safe always. magkikita din tayo soon, at next year na lang natin I celebrate yung anniversary natin.. para pa namang pagkakataon na magkakasama tayo may pinag dadaanan lang yung mundo natin kaya stay home muna. happy 1st anniversary ulit, parang kaylan lang at monthsarry lang yung cenicelebrate natin pero now, anniversary na, ayiiiieee, patagal na patagal 😍 sana walang sawaan mangyayari, basta laban lang 🙂 kaya natin yan..

Message from Zgem,
Happy 1st Anniversary Mine!!! Stay stronger satin 😊 Pakatatag pa tayo lalo ha? Hindi ko talaga inakalang aabot tayo ng ganito katagal 😊 Challenge na nauwi sa totoohanan 😂😅 (MARUPOK EH! AYUN, NA-FALL 😂)Pero alam mo, sobrang thankful ako kay Lord kasi binigay ka niya sakin and I couldn't ask anything for more. Siguro kung meron pa akong hihilingin sa Kanya, iyun yung safety natin pareho 😊 Alam kong alam mo yan Mine 😊 Ayokong nagkakasakit ka or makakaramdam ka ng kahit anong pain. Nasasaktan din kasi ako 🥺 Alam mo dati, palagi kong pinagdarasal na sana makatagpo ako ng babaeng tatanggapin ako kung sino at ano ako, yung mamahalin ako ng buong-buo, yung babaeng marespeto sa family ko ganyan. Guess what? Nasagot yung dasal ko na yan 😊😍 At ikaw yung answered prayer ko 😊 Natupad na yung isa kong wish 😊 Siguro nga totoo yung kapag nakakumpleto ka ng simbang gabi tapos kapag nagwish ka, matutupad yung wish mo na yun 😊 Nakakumpleto ako ng simbang gabi at nung panghuling simbang gabi ko, pinagdasal at winish ko talaga na makatagpo ako ng babaeng tatanggapin ako at mamahalin ako ng buong-buo. Iyan talaga yung isa sa mga hiniling ko nun. Kaya talagang sobrang thankful talaga ako nun Mine 😊 Lalong tumibay yung faith ko nun kay Lord 😊 Dun ko napatunayan na kapag talaga pinagdasal ng mabuti ang isang bagay, magkakatotoo siya and kung talagang malakas yun faith mo kay Lord, igagrant niya yung mga prayers mo. So I guess it worked for me 😊 Yung matagal ko nang pinagdarasal nasakin na 😍 Ayun, gusto ko din magthank you sayo kasi nakilala kita. Thank you for all the love you gave to me. Thank you for accepting me for who I really am. Thank you for being there for me always. Thank you for not giving up on me as well. Thank you kasi kahit na nasasaktan na kita unintentionally minsan eh nandiyan ka pa din at hindi ka sumusuko. Basta thank you sa lahat Mine. I'm sorry kung nasasaktan na din kita madalas 🥺 I'm sorry kung minsan napaparamdam ko sayo na balewala ka, na wala kang kwenta. Hindi ko talaga sinasadya Mine 🥺 Kung iniisip mo ding mawawala ako sayo, NEVER po. Nandito lang ako palagi para sayo Mine. Tutuparin ko yung promises ko sayo. Never na din akong maghahanap ng iba. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko kahit na may mga babae pang lumandi sakin. Ihaharap ko sa kanila picture mo at picture natin together at ipapamukha ko sa kanilang may gf na akong sobrang caring at sobrang mapagmahal 😊 NEVER kitang iiwan. NEVER kitang susukuan. NEVER kitang bibitawan 😊 NEVER din akong magsasawa sayo. Never din akong mapapagod sa pag-intindi sayo 😊 Hindi man ako Diyos para maging perpekto at para hindi magkamali pero gagawin ko yung best ko para maging best lesbf/gf at best bestfriend sayo 😊 Sabi ko naman sayo I'm just one call away lang eh 😊 Kapag may problema ka, huwag kang mahihiyang magsabi sakin. Makikinig ako sayo and syempre bibigyan din kita ng advice 😊 Tapos kapag may kaaway ka or kapag may umaaway sayo, sabihin mo lang din sakin. Ipagtatanggol kita sa kanila 😊 Magiging kasangga mo ako thru ups and downs 😊 Kahit maging sa kalokohan pa yan 😁😂 Wish ko sa relationship natin is tumibay pa lalo and matupad yung dreams natin together ☺️ WALANG POREBER so road to lifetime na yung atin 😊 Ayun, happy birthday satin Mine 😘 See you after ng pandemic 😊 Cheers 🥂 to many more months and years to come to us 😊 I love you so much Mine 😘😘😘😘😘😘😘 Miss na miss ko na din ikaw 😘 Simba tayo after ng pandemic ha? Huwag natin kalimutang magpasalamat kay Lord 😊 Kagaya nga ng sabi ko sayo lagi, gusto kong gawin natin Siyang center ng relationship natin 😊 After na lang ng pandemic tsaka natin icelebrate lahat 😊 Mag-iingat din ikaw diyan palagi Mine. Kakain ka din sa tamang oras ha? Bawal magpalipas ng gutom 😑 Happy 1st Anniversary ulit satin Mine 😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘

I Want You To Be My Last Where stories live. Discover now