Part 14. Sorry

20 1 0
                                    

From: Zgem

Good morning Mine. First of all gusto ko munang magsorry sa'yo 😔 I'm sorry kasi andami ko nang pagkukulang sa'yo na hindi ko namamalayang sumasama na pala yung loob mo sakin dahil dun 😔 I'm sorry kung hindi akong perpektong lesboyfriend sa'yo pero sinisikap ko namang maging best bf eh. Ayun nga lang, kulang pa pala 😓 I'm sorry kung minsan hindi ko na nakikita yung nararamdaman mo Mine 😔 I'm sorry kung ang selfish ko 😔 I'm sorry kung nagiging self-centered na ako most of the time 😔 I'm sorry kung hindi ako nakakareply agad sa'yo or kung matagal akong magreply 🥺 I'm sorry kung pakiramdam mo nagiging pampalipas oras lang kita or kung pakiramdam mo na nagiging option ka lang sakin 🥺 Hindi totoo yun Mine 😓 I swear ✋🏼 I'm sorry talaga for all the mistakes and heartaches I've caused you 😔 Tao lang din naman ako kagaya mo eh 😔 Hindi ako perpektong tao 😔 Nagkakamali din ako Mine 😭 Kaya I'm sorry talaga sa lahat 😔 Hindi ako mangangako na hindi na mauulit 'to pero sisikapin kong ma-lessen na yung mga pagkakamali ko at baguhin yung mga maling nakita mo sakin 🥺 Second, thank you kasi kahit andami ko nang pagkakamaling nagawa nandiyan ka pa din at handang itama yung mga pagkakamali ko. Thank you kasi kahit alam kong nahihirapan ka na sakin at pagod ka na, hindi ka pa din sumusuko. Alam ko naman sa sarili kong kaiwan-iwan talaga ako eh 😓 Alam kong there's something wrong in me kaya iniiwan ako at pinagpapalit sa iba pero hindi ko talaga mafigure out kung ano yun 😔 Kaya sobrang thankful ako sa'yo kasi despite sa ganitong attitude ko nandito ka pa rin sa tabi ko at hindi mo ako iniiwan 🥺 Alam mo ba, sobra akong nagpapasalamat kay Lord kasi sinagot na niya yung isa sa mga prayers ko. At ikaw yung isa sa mga answered prayers ko Mine ☺️ Pinagdasal ko dati na makatagpo ako ng babaeng mamahalin at tatanggapin ako ng buong-buo sa kung sino at ano ako at ayun nga, bigla kang dumating sa buhay ko. Perfect timing kasi may work ako that time tapos nakamove on na ako finally sa "ex" ko nun. Ngayon ang dasal ko na kay Lord is palagi ka niyang iingatan at ilalayo sa kahit na anong sakuna at kapahamakan. Palagi ko din pinagdadasal sa Kanya yung family mo kahit na alam kong hindi kayo okay ng family mo ngayon. Palagi ko din pinagdadasal na makapasa ka sa entrance exams mo. Pinagdadasal ko rin na maging okay na kayo ng family mo tapos pagalingin ka na rin Niya sa sakit mo kapag nagkakasakit ka. Alam mo sa totoo lang, wala naman na akong ibang mahihiling pa eh kasi halos lahat ng prayers ko dininig na ni Lord. Ayun, thank you and I'm sorry ulit 🥺 If iniisip mo kung susuko na 'ko sa'yo, NEVER. 'Di ba nga, MAG-AAWAY LANG PERO HINDI MAGHIHIWALAY. Promise natin yan sa isa't isa 'di ba? Kapag napagod, pahinga lang tapos laban ulit. Yung mga pag-aaway natin, pagsubok lang 'to. Sinusubok tayo kung gaano tayo katatag at katibay. Alam kong malalagpasan natin lahat nang 'to Mine. KAPIT LANG. WALANG BIBITAW AT SUSUKO. Pray lang din tayo pareho. Siguro nakakalimutan na natin si Lord kaya tayo nag-aaway. Katulad nga ng palagi kong sinasabi sa'yo, dapat laging nasa center ng relationship natin si Lord. Nakakalimot na kasi tayo kaya ganito yung nangyayari. Magte-ten months na tayo Mine oh tapos ilang buwan na lang one year na tayo. Sabi ko naman sa'yo hinding-hindi kita susukuan at bibitawan eh. Pakatatag pa tayo lalo Mine ha? 💪🏼 tayo 'di ba? We got each other's back 😉 Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko nga kasi ikaw Mine. Sobra pa sa sobra. Kaya huwag mo nang isipin na pampalipas-oras or option ka lang or yung sinasabi mo na no choice lang ako sa'yo kasi kahit papiliin pa ako, ikaw at IKAW pa rin talaga yung pipiliin ko. Sobrang comfortable na ako sa'yo eh. Ayoko nang pumasok ulit sa panibagong relationship dahil ayoko na ng panibagong adjustment(s). Sobrang okay na ako na mayroon akong JONA sa buhay ko. Sobrang mahal na mahal ko talaga yung babae na yan 😍 I really really do. Kaya sana mapatawad na niya ako 🥺

-April 06, 2020

I Want You To Be My Last Where stories live. Discover now