Part 45. Goodbye

13 1 0
                                    

April 27, 2021 (Tuesday)
7;45 am ....
"Good morning mickey" bati ko sa alaga kong aso na nakikipag harutan sa pusa. At agad syang lumapit sakin para mag pakarga. "Ang laki laki muna papakarga ka pa..

wala na namang tao dito sa bahay, ako na naman mag isa. At syempre, nagh away na naman kami Zgem kagabi.. sabi nya, feeling nya daw na anytime pwdi ko syang iwan.. minsan naisip ko, diba yun naman yung gusto nya pero bakit nya sinasabi sakin yun? Ayaw nya kong mawala pero takot syang mawala ako? Ano ba talaga? Subrang naguguluhan yung isip ko sa kanyan. Di ko na alam kung pa yung papaniwalaan ko, pero syempre nilambing ko sya agad, para hinde na mapunta pa sa away at hiwalayan.. Pero di na pala bago yun sakin, mauulit at mauulit parin naman yung sakit na mararamdaman ko sa mga sinasabi at ginagawa nya. Simple lang naman ang gusto ko ehh, ang magkaayus kami, ang maayus yung relasytung to, yung maging ok kami. Pero bakit ganun? Kahit anung gawin ko di parin sapat, yung pinipilit kong magbago pero sya naman tong parang walang balak magbago. Wala na ba talaga sya balak maayus to? Wala na ba talaga syang balak na ayusin to? Hinde na ba talaga sya interisado sa relasyung to? Fine!

Siguro nga, basura na lang ako dun sa taong minahal ko ng buo. kasi yung taong akala kong aalagaan tong puso ko, sya din pala yung taong wawasak ulit nito...

Kung unti unti lang din naman pinapatay tong nararamdaman ko, I want to say GOODBYE FEELINGS! pagod na kong masaktan, pagod na ko ng paulit ulit na lang.. Gusto kong sabihin sa sarili ko na ito na yung huling pag iyak ko, ito na yung huling mangungulit ako, ito na yung huling magpapaliwanag ako, ito na yung huling sasabihin ko sayo lahat sa side ko, ito na yung huling jona na hihilingin ang uras at atensyun mo. Oo, mahal na mahal kita, pero masyado na kong nagpapakatanga sa taong di na ako pinapahalagahan pa.. yung taong akala ko, aalagaan ako hanggang dulo, sya din pala yung taong babaliwalain ako..
Yes, I dont want to say goodbye for you, pero gusto ko ng palayain yung sarili ko.. nanadito parin naman ako, hihintayin ko yung araw na makikita mo ko at sasabihin mo sa sarili mo na, "minahal ako ng taong 'to sinayang ko lang'

Ito parin ako yung jona na walang ibang hilingin kundi ang makasama ka sa dulo..

subrang nakakalungkot, na lagi na lang tayung ganito, pagod na ko sa away, tampuhan tapos ilang araw na naman bago tayo mag kaayus, miss na miss ko na yung dating ikaw, na hinde pinapalipas ang isang gabi na hinde tayo nagkakabati, yung bago matulog inaayus muna lahat para pag gising kinabukasan, ok na tayo ulit. Pero ang labo na siguro mangyari yun, ako na lang ba ang umaasa? Ako na lang ba ang naghahangad na maayus pa? Ako na lang ba ang may gusto na tumagal pa? Ako na lang ang nagkakaganito? Pero pagod na ko.... yung relasytun na paulit ulit mong ayusin pero kung ikaw na lang mag isa ang lumalaban at kumakapit, wala na rin naman. Kasi kung mahal ka naman talaga ng isang tao, mag babago yan para sayu, lalayuan nyan ang ikakasakit mo, iingatan ka nyan para di ka mawala sa kanya.. wala naman sigurong babae na mawawala sa taong marunong mag pahalaga..

I hate the feeling when you have to say goodbye to someone you want to spend every minute with.

Yung kayu pa pero unti unti ng pinaparamdam sakin na wala na. Ito yung masakit eh, yung salitang goodbye na di mo pa naririnig pero nararamdaman mo na.. hanggang dito na lang nga ba kami? Wala na ba talagang pag asa? Lagi ko na lang tatanungin yung sarili ko? Lagi ko na lang bang iisipin na kulang pa? Pero ano nga ba? Ano nga ba yung pagkukulang ko? Saan nga ba ako talaga ako nagkulang? Ano ba yung maling nagawa ko? Nag mahal lang naman ako..

isa na lang ang gusto ko, ang maayus to, ang maging ok kami, ang mabalik kami sa dati..

Patuloy na nga lang bang aasa???












“We started with a simple hello but ended with a complicated goodbye, Even if we can’t be together in the end, I’m glad that you were a part of my life.”

I Want You To Be My Last Where stories live. Discover now