Part 40. Cool Off (Day1)

10 1 0
                                    

April 17,2020
Day 01 of cool off, subrang sakit parin sa part ko na malaman kong hinde na pala masaya sakin yung taong mahal na mahal na mahal ko..

6;30pm
pagmulat ng mga mata ko, una kong nakita yung sinag ng araw na galing sa bintana, nakalimutan ko palang isara ito kagabi, nakatulugan na lang ako habang pinag mamasdan ko ang bituin at bilog na buwan. Nung bata kasi ako pangarap kong maging austrounot, gusto ko makarating sa buwan, ang taas ng pangarap ko nuh? Haist! Nahihibang na naman ako sa mga bagay na bagay, ganun naman kasi talaga kailangan mong libangin yung sarili mo makalimutan lang yung sakit na nararamdaman mo.. 

Exactly 7;00am tumayo na ko sa pagkakahiga ko, kailangan kong mag umpisa na lang ulit at mag papanggap na masaya. Siguro nga kailangan rin to ng sarili ko sa pagkakakulong sa kanya..

wala na talaga tayung magagawa kung di na talaga tayo mahal ng isang tao, pag nawala na kasi yung pagmamahal mawawala na din lahat, mawawalan ka ng gana, baliwala na lang sya sayu, at wala na syang pakialam sa mga nararamdaman mo, GANUN NA SYA... siguro nga kailangan na lang talaga ng cool off...

Unang sumalubong yung aso ko sa sala... Good morning Mickey! Tuwang tuwa ka na namang makita ako. I love you mickey... Sabay yakap sa kanya. At hinaharot na naman ako.. wala kasi syang ibang kalaro dito sa bahay kundi ako, mahal na mahal ko yung aso kong to, tumatabi sya sakin minsan pag nakakapasok sa kwarto..

kumain na ako at naglinis na rin ng sala, at niluguan ko na rin yung alaga kong aso..

why naman ganito? Naglilibang na nga ako, pero bakit ang sakit parin, nasasaktan parin ako..
Di ko na alam kung ano sunod na gagawin ko para lang libangin yung sarili ko.. tapos na rin naman yung mga modules ko, mga liligpitin dito sa bahay. Wala sila dito, at syempre umaalis na naman sila nandun sila sa lola ko, pinapapunta sila dun ng tita ko para mamasyal. Hinde na ko sumama kasi gusto ko na rin muna ang mag isa.

10;00 AM
Naligo na ko, at nag patuyo ng buhok, at pagkatuyo nun natulog na lang ako....
nagising na ko mga 2;17pm para kumain ng tanghalian, pinakain ko rin yung aso at nakipag bonding kay Mickey...

At nagbiglang nag ring yung phone ko na akala ko teacher ko na tatawag para sa oral question at syempre nagkamali ako, na akala kong teacher, yung pinsan ko pala na nagchat na ako daw yung magnininang sa anak nya..
Masyadong mabilis yung uras, at hinde ko namalayan na 5;16Pm na..

ito na naman yung uras na naiisip ko sya, miss na miss ko na sya.. bakit ganun, sabi nya mahal nya ko pero bakit hinde nya man lang pinaparamdam sakin? Pinaglalaruan nya nga lang ba talaga ako? Kasi hinde na to pagmamahal eh, hinahayaan nya na mawala na ako sa kanya, hinde ba sya natatakot na isang araw pwdi akong mawala dahil sa cool off at space na hinihinge nya, di nya man lang ba naisip na pwdi kong isipin yun dahil sa paulit ulit na kong nasasaktan sa kanya..unti unti na kong nasisira, hinde na tama to, hinde na ito yung tamang uras, hinde na sya naging tamang tao para sakin,  kasi kong tamang tao naman talaga sya, hinde ako hahayaan ni god na magkaganito. Oo, hinde na ko masaya kasi mas nangingibabaw na yung sakit, kaysa sa saya.. pagod na pagod na ko, naguguluhan na din ako kung ano pa ba? Kung kaya ko pa ba o hinde na.. pero lalaban pa ako hanggat kaya ko, hinde ako bibitaw at hinde ako mapapagod na maghintay na maiparamdam nya sakin yung pag mamahal na yun

Wala na kong ibang ginawa kundi ang umiyak na lang, at tanungin yung sarili ko, kung ano ba yung pagkukulang ko,? Ano pa ba yung mga di ko nagawa para lang hayaan ako? Sadyang baliwala na talaga sa kanya, hinde ko na kaya.. gusto ko na lang siguro na ibuhos to ngayun, without others comfort... ayaw ko na lang na lapitan mga kaibigan ko at mga ka gc ko na tinulungan ko rin para maka move on, tinalikuran ko na yun, para lang sa ikakasaya ng isang tao na di makita yung halaga ko at hahayaan lang din naman ako..

Kumain na ko ng dinner at naligo na rin pagkatapos nun nanood na lang ako ng horror movie habang nakahiga sa sala ng bigla ko na lang naisipan na uminom.. na boborred na rin ako, pinatay ko na lang ang tv at mamaya na lang ako manonood. Lumabas ako sa labas at dun uminom, kinuha ko yung lamisa na nasa gilid at kinuha ko yung sanmig na nasa ref...

Pagkatapos ng isang buti, naisipan kong imy day sa fb for the memories, na someday maiisip ko yung katangahan ko...

I dont people leave but, people leave me

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I dont people leave but, people leave me...

Bakit ka na naman umiinom Jona? Maawa ka naman sa sarili mo...

Bakit tayo umiinom pag nasasaktan?, simple lang. Kasi sanay tayung alcohol ang gamot pag tayo ay nasusugatan....

gusto ko ng kalimutan yung sakit, yung hirap na dinanas ko sa mga nakaraan ko, pero bakit kung sino pa yung taong minahal mo ng totoo sila pa yung taong babaliwalain ka. Di ba ko kamahal mahal? Kasi lahat na lang sila gaganituhin ako.. pagod na pagod na ko, hinde ko alam kung hanggang kaylan yung pag titiis na to, hinde ko alam kung kaylan yung pagtitiyaga ko sa isang tao para lang mahalin din ng buo...

kailangan ko na nga bang sumuko? Para hinde na ako masaktan pa? Hanggang dito na lang nga ba? Pero wala pa kaming nagagawa. Hinde pa namin nagagawa ang lahat, ganito na ba talaga kababaw ang isang relasyun na to? Hinde na ko masaya, oo inaamin ko pagod na pagod na ko, may part sakin na ayaw ko na, na di ko nakaya, na sukong suko na ko.. pero minsan lang darating yung taong to sa buhay ko, pero bakit hinde natin pagbigyan. Lahat ng tao deserve ng more chance lalo na kung mahal na mahal mo, wala namang kaso kung inaabuso ka na lang. Ang mahalaga binigay natin lahat ng makakaya natin at balang araw wala tayung dapat pag sisihan. Pag napagod, edi pahinga. Pag di na kaya, edi kayanin pa. Kung di na masaya, edi subukan pa, pag wala na talagang pag asa, edi bitaw na. Ang mahalaga ginawa natin lahat...

love is patient.....

I Want You To Be My Last Where stories live. Discover now