Part 25. ComeBack Memories

18 1 0
                                    

Paalam Ex, Salamat
Ang tulang ito
Ay para sayu Ex
Kamusta kana?
Tagal mong hinde nag paramdam ha?
Alam Kong masaya ka na..
Ex, may bago na ba?
May bago ka na bang nakakasama?
May bago ka na bang sinasabihan ng "Good morning" sa umaga?
May bago ka na bang sinasabihan ng "GoodNight sweetdream" sa gabi?
May bago ka na bang pinapahalagan?
May bago ka na bang iniingatan?
Alam mo....
Akala ko dati tayo na
Akala ko dati tayo na para sa isat isa
Pero hinde pala...
Ang lupit kasi ng tadhana
Pinaglayo tayong dalawa..
Alam mo Ex, nasasaktan parin ako
Sa tuwing naalala ko ang pangako mo
Kasi alam Kong tutuparin mo parin naman yun, pero hinde na sa akin..
Sa iba na....
Sa iba mo na tutuparin..
Ex, sana wag mo naman kakalimutan ang mga alaala natin.
Kasi ako, kahit masakit tinanggap ko parin.
Tinanggap ko parin kahit alaala na lang ang naiwan sa atin.
Naalala mo pa ba ang araw na nanligaw ka sa akin?
Sabi mo pag naging tayo iingatan mo ako at di papaiyakin..
Pero nung naging tayo, nasaktan mo ako
Diba ex, ikaw ang nanligaw?
Pero bakit ako ang nasaktan?
Alam mo Ex...
Nagtatampo parin ako sayu
Kasi bakit mo tinapos ang relasyung meron tayo?
Naguguluhan ako..
Bakit tayo umabot sa ganito?
Bakit tayo umabot sa punto na nagkasakitan tayo?
Gusto Kong bumalik sa araw na masaya pa tayo.
Mga araw na ako ang mahal mo
Mga araw na naririnig ko pa ang "I LOVE YOU" mo
Mga araw na yakap mo pa ako.
Mga araw na hawak mo pa ang mga kamay ko..
Mga araw na ako pa ang iniingatan mo
Mga araw na magkasama pa tayo
Pero oo nga pala,
Wala ng Tayo...
Ex, sana naman wag kang saktan ng bago mo.
Sana mahalin ka nya gaya ng pag mamahal na binigay ko dati Sayo.
Sana ingatan ka nya, gaya ng pag ingat ko dati Sayo.
Alam mo Ex...
Ang swerte ng bago mo..
Ang swerte nya..
Kasi biruin mo 'yon
Pinag palit mo ako dahil sa kanya.
Binaliwala mo ako para sa kanya.
Tayo ang pinagtagpo pero kayo ang tinadhana.
Wag mo akong kakalimutan ha?
Huwag mong kakalimutan yung taong minahal ka ng subra pero pinag mukha mong tanga..
Huwag mong kakalimutan yung taong hinabol ka kahit na tumatakbo kana.
Huwag mong kakalimutan yung taong pilit na iniligtas ang relasyun kahit na gusto mo ng kumalas.
Yung taong niyakap ka kasi gusto mo ng tumakas
Kaya ang relasyun natin bigla na lang nag WAKAS...
Gusto ko rin huminge ng tawad Sayo.
Kasi alam ko rin naman na may kasalanan din ako..
Pero EX, kung dumating na ako sa punto na mag mamahal na ako ng iba
Huwag kang mag alala
Hinde parin kita kakalimutan
Kasi ikaw ang nagturo sakin kung paano mag tiis at lumaban
Ng dahil Sayo natutu akong huwag basta bastang bumitaw.
Kahit gusto ko ng umaayaw.
Kasi pinahalagahan ko ang AKO at IKAW.
Ex, ngayun palang ako bibitaw
Sana maging mag kaibigan parin tayo
Sana huwag mo akong susungitan
Kapag nag kita ulit tayo.
Ang sakit lang isipin na pinagtagpo lang tayong dalawa
Pero hinde itinadhanang magsama
Mag iingat ka palagi ha?
Kasi wala na yung dating ako na nanjan para ingatan ka.
Kaya PAalam na..
Ex, PAalam. Salamat..

I Want You To Be My Last Donde viven las historias. Descúbrelo ahora