Chapter 21

2.2K 77 10
                                    

Chapter 21
Tawa

Malakas ang patak ng ulan nang lumabas ang babae sa isang lugar na hindi ko alam kung ano.

Hindi ko alam kung sino iyon.

Nagpatuloy ang babae sa paglalakad habang patuloy din ang pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi iyon alintana ng babae hanggang sa may lumapit sa kaniya na lalake at nilagyan siya ng coat sa ulo para maging pamandong. Ang lalake na ang nababasa ngayon.

I suddenly want to enter the scene and give him an umbrella.

How dare this girl let him soak in wet?! Siya pa itong galit!

"Ihahatid kita," halos hindi ko na maintindihan ang sinabi ng lalake dahil sa sobrang lakas ng ulan at echo. Tila ayaw sa akin iparinig.

"You don't have to. Please, Payton, umuwi ka na—"

"I will. Just let me send you home. This is the last time, don't worry."

Hindi ko man masyadong marinig ang usapan pero kitang-kita ko naman kung paano masaktan silang dalawa.

Gusto kong higitin ang lalake papalayo at yakapin, pero anong magagawa ko? Itong babaeng ito ang gusto niya?

"Klary, hey!"

Nang may narinig akong sumigaw ay mabilis akong bumangon. Alam na ang nangyayare.

It was Doc Noelle with Madam.

Nasa sala ako ngayon at doon na pala nakatulog sa couch.

Ang alam ko lang ay naglalaro lang kami kanina ni Tasyong ng sungka. Hindi ko alam na nakaidlip na naman ako at nanaginip.

Or is it really a dream?

Sana.

"You better get up now, Klary," ngumiti sa akin si Elle.

Inalalayan niya ako sa pagtayo at hindi ko naman maiwasan ang manakit na naman ang ulo. Hindi ko na naman alam ang dapat gawin.

"Have I napped again?" napapailing kong tanong.

Doc Noelle pouted and nodded.

"Yep. Uh, does your head hurts?" she replied as she stood properly. Iniayos niya ang kaniyang buhok. So graceful.

"I think it's because I napped again," I nodded.

"You should avoid napping, Shawntell," muli niyang paalala.

Matapos ang saglit na usapan namin ni Elle at Madam ay nagpaalam na rin ako para makapunta na sa aking kwarto dahil masakit talaga ang ulo ko.

Bumuntong hininga ako nang makapasok ako sa aking kwarto. Inilibot ko ang aking mata sa buong paligid at nahiga sa kama. Tumitig lang ulit ako sa kisame.

I pouted.

Muli akong tumayo at napagpasyahan na lang na lumabas ulit ng aking kwarto dahil mas gusto ko naman na malibang ako kaysa ang magpakabalisa rito mag isa.

Mula sa third floor ay naglakad ako pababa ng hagdan papunta sa first floor. Kakababa ko pa lang ay sinalubong kaagad ako ni Ate Betty at inabutan ng basket na puro papel ang laman.

"A-anong gagawin ko rito, Ate?" taka kong tanong. Mukha kasi siyang nagmamadali dahil marami ang gawain.

Palagi naman.

"Dalahin mo iyan sa basement sabi ni Madam. Pagkatapos daw ay hanapin mo si Kira dahil kanina pang hindi nabalik," sagot niya at tinalikuran na ako.

Napabuntong hininga na lang ako at wala nang nagawa kun'di ang sumunod.

Nilingon ko ang mga kasamahan ko na mga abala rin.

Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETEDWhere stories live. Discover now