Chapter 25

2.1K 75 48
                                    

Chapter 25
Dead

Kabadong kabado ako at tila mamamatay na ako nang maramdaman kong kasama pa rin ako ng hindi ko mabilang na kalalakiha at may saklob pa rin ako sa ulo. Nasa loob ako ng isang sasakyan. Nakatali ang kamay at paa ko. Pati bibig ko ay may tela.

Gumagalaw ang lahat at halos mabaliw na ako nang marinig ko ang mala-demonyo nilang hagalpakan nang magising ako.

I can feel my heart beating, like there's a tiger inside of me running.

Si America...

I heard they brought her here too. She's in the other car, I think.

I need to save her. Kailangan. Para kay Payton. I can see how happy he is whenever that kid's around. I have to find and save her and scape.

Sigurado akong hindi ko siya nabigyan ng anak dati kaya habol na habol siya sa bata.

"I'm pretty sure Boss' gonna be happy once he knew that we have them," a chuckled I heard right after.

"Who wouldn't? Nakuha na rin natin itong sagabal sa plano natin!"

Naramdaman kong tumigil na ang sasakyan at mas trumiple na ang kaba na aking nararamdaman. Gusto ko nang umiyak dahil sumasakit na rin ang ulo ko pero hindi ko magawa. Baka kapag nalaman nila na gising ako ay patayin nila ako.

I'm pretty sure they're up for Noelle. Napagkamalan na ako.

Tama ang sinabi ni Feliciano kanina. Magkagaya kami ng porma at buhok ni Elle kaya baka napagkamalang ako siya. Idagdag pa na ang plano talaga nila ay isama ang anak niya. Si America ang napagkamalan nila na anak ni Elle.

Ayaw kong malaman nila na hindi ako si Elle dahil paniguradong papatayin nila ako. Ayaw ko pang mamatay. Ayaw ko.

I... I want to feel my feelings towards Payton.

He deserves all the love.

"Ibaba n'yo na 'yan at paniguradong naiinip na si Boss!"

May sumigaw sa labas. Gumalaw ang sasakyan at tila binuksan na ang mga pinto. May kaunting liwanag na akong nakikita pero hindi malinaw.

Hindi ko alam kung gaano katagal ang naging byahe dahil nakatulog ako pero sigurado akong naging matagal iyon. Sana lang ay ayos si America. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyare sa bata. She's too young for this.

Gulat na gulat ako nang may marahas na humigit sa braso ko para patayuin. Naramdaman kong nauntog pa ako kaya halos mapasigaw na ako sa sobrang sakit noon. Ni hindi ako makahakbang dahil nakatali rin ang paa ko.

Maiyak-iyak na ako nang ipasan na ako ng lalake na para ba akong isang sako ng bigas na inilagay sa balikat. Para akong mamamatay sa sakit ng ulo ko at ngayon ay nakabaliktad pa. Lahat yata ng dugo ko ay nasa ulo ko na. Hindi na rin ako makahinga ng maayos dahil sa nakasaklob sa aking ulo at sa busal ko.

I felt a warm tear fell from my eye.

Gustong gusto ko nang umangal pero hindi ko magawa. Mapapatay ako. Ayaw ko pang mamatay. Ayaw ko pa!

"Mukhang masarap-sarap iyan, ah!"

I heard one of them shouted. Hindi ko na napigilan ang aking paghikbi dahil doon.

Para akong isang uri ng bagay na paglalaruan.

"Huwag nga kayong ganiyan! Naiyak na tuloy!" sagot ng may buhat sa akin at saka ito humagalpak ng tawa.

Narinig kong may bakal na tumunog. Sa tingin ko ay pintuan iyon dahil narinig ko ulit ito matapos muling maglakad ng may buhat sa akin.

"Nasa second floor sila Boss."

Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETEDWhere stories live. Discover now