Chapter 15

2.2K 109 48
                                    

Chapter 15
Story

"Where are your socks, Love?"

Naiinis kong tanong kay Payton na kanina pa hindi makausap dahil abala na naman sa paglalaro ng COD.

Hindi nga adik sa ML pero sa COD naman.

"Nand'yan lang, Ganda, wait lang," sagot niya.

Bumuntong hininga ako at nagtitimpi ng galit na hinalwat ang kaniyang drawer na wala kahit isang medyas.

Nakakainis!

May ari ng ilang airlines pero wala ni isang medyas!

Graduation ko ngayon tapos ganiyan siya! Nakakatampo lang.

"Pay," seryoso kong sabi at namewang sa kaniyang harapan dahil hindi talaga siya matinag sa paglalaro.

I get it. Hindi na siya nakakapaglaro dahil sa dami niyang pinagkakaabalahan. He's a pilot, owner of an airlines, and he's currently taking up law. Ang nakakainis lang ay puwede naman niya mamaya iyon laruin dahil alam naman niyang mahalaga ang araw na ito para sa akin.

"Love, please, saglit na lang ito..." malambing niyang sabi saka ako marahan na hinigit sa kamay at pinaupo sa kaniyang hita. Saka uli siya nagpaka abala sa paglaro.

Naging tahimik na ako at hinintay na lang siya na matapos sa ginagawa.

"Saglit na lang ito, promise," he then kissed my bold shoulder. I nodded.

"Sige na. Tapusin mo na muna iyan dahil mas mahalaga naman iyan at ako'y maliligo na," tangi kong sagot at tumayo na.

Doon siya tumigil sa paglalaro. Tahimik kong kinuha ang kaniyang damit at ipinatong na lang iyon sa kaniyang kama.

"Hey... sorry na..." he whispered and started hugging me from behind. "Don't be pressured. Maaga pa naman, Babe," bulong niya at hinalikan ako sa batok. Biglang nagtayuan ang balahibo ko dahil doon.

"Wala ka lang kasing pakielam," I cleared my throat. Trying to sound normal.

Hinawakan niya ako sa kamay at ipinaharap sa kaniya. He smiled and held my face. Marahan niya akong hinalikan sa labi.

"Maaga pa. May pake ako, okay?" and he kissed me again.

Akala ko ay mababaw lang iyon pero nang gumalaw na ang kaniyang labi ay napahawak na ako sa kaniyang balikat. Marahan naman niya akong binuhat kaya ipinulupot ko ang aking mga binti sa kaniyang bewang.

His tongue roam around my mouth. Nagpatuloy ang aming halikan at ang kamay niya na nasa aking likuran ang pumasok na sa aking damit kaya nararamdaman ko na ang kaniyang palad sa aking likuran. Marahan niya akong hinahaplos doon.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang malambot na kama sa aking likuran. Marahan niya akong inihiga sa kama habang hindi napuputol ang aming halikan.

Ang kamay niya na kanina ay nasa likuran ko ay nasa aking tiyan na ngayon at marahan iyong hinahaplos.

Naramdaman kong tumaas iyon sa ibabaw ng aking bra at doon siya tumigil. Tila natauhan.

Mabilis siyang tumayo at umiling. Natawa siya at muling bumaba sa akin at saglit uli akong hinalikan.

"I'm so sorry. Damn, Love!" nangingiti niyang sabi at hinigit na ako sa kamay para tumayo.

Seryoso lang ang titig ko sa kaniya at mas natawa siya nang mapansin niya iyon. Iniayos niya ang damit ko.

"Sige na, Love, ligo ka na," he smiled sweetly. May pang aasar.

Tahimik akong tumayo at dinampot na ang aking towel. Naglakad na ako papunta sa pinto dahil sa kwarto ako ni Stout maliligo. Doon din ako natulog pag napunta rito.

Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETEDWhere stories live. Discover now