Chapter 13

2.6K 125 38
                                    

Chapter 13
Worthy

Malakas ang ulan nang sunduin ako ng van ng Partly Cloudy dahil ngayon ay may gig sila para sa friendly opening ng kanilang school na St. Javier at St. Regidor.

Ang mga school na magkalapit bahay.

By the way, lumipat na ng banda si Reego. Natalo lang iyon ni Feliciano kaya nagkaroon ng dare. Napilitang sumali sa banda tuloy.

"Nasaan daw ba si Reego?" tanong ko kay Lariza na siyang katabi ko sa upuan.

She's Lariza Lizbo. Reego's best friend. Nakisabay na ako sa kanila dahil may trabaho pa ako kanina at dumaan na rin sa clinic ng doktor na pinagpapa-checkup-an ko. Hindi naman ako masusundo ni Payton dahil may lipad siya ngayon papuntang Vietnam. Kailangan niya iyon para mabuo niya ang oras na kailangan niya.

By the way, he's on his fifth year now while I'm on the second.

Yes, strong kami. Iyong iba lang ang hindi.

"Nasa crossing daw. Paniguradong galit na iyon dahil nag aalala na baka hindi makapag pasikat kay Astrid," ngumisi si Lariza na siyang tinawanan ko.

"Pero feel ko mas makaka-diskarte siya ngayon kay Astrid kasi lumipat na siya ng Regidor."

"Yeah. Ang tanong, kailan kaya aaminin sa atin ang gagong iyon na gusto niya si As?" Lariza shook her head. Tumango na lang ako at sumandal sa backrest ng upuan.

"Things like that takes time... and worth it," biglang singit ni Rando na nasa katabi ng driver's seat.

Nagkatinginan kami ni Lariza at kalaunan ay tumango na rin.

Nakarating kami sa venue. The event turned out well. Kay Reego lang siguro hindi dahil hindi niya nakita si Astrid.

Nakita pala, ang kaso, nakasakay na sa sasakyan ni River.

"Kung tinatanong mo kaya si River kung anong mayroon sa kanila?!" iritadong tanong ni Romulo.

Nabibingi na sa angal ni Reego.

Nanatili akong tahimik habang narito at nakaupo sa couch ng bahay nila MM at Miranda. Another weekend.

"At bakit?! I was just curious! Nothing more!" sigaw ni Reego.

"Oo, gago, huwag mo akong sinisigawan!"

"Huwag mo rin ako sigawan, gago!"

At nagsigawan na ang dalawa. Nakakarindi ang murahan nila.

Biglang naupo naman si Chano sa aking tabi. May dalang mangkok ng popcorn. Inabutan niya ako at sabay naming pinanood ang bangayan ng dalawa.

Sabay namin itinaas ni Chano ang aming mga paa para mas komportable ang aming panonood.

Santo laban sa santo.

"Bakit kasi hindi kayo kumalma—"

"Gago, manahimik ka!"

Sabay na sigaw ng dalawa kay Jacos na nagtatangkang umawat sa sagutan nila.

Poor Jacos.

"Bros, chill! Hindi naman ako ang nang aaway dito!" napakamot sa batok si Jacos.

Umiling ako at sinenyasan siyang maupo na lang sa tabi namin ni Chano at saka namin pinanood ang pag aaway ng dalawa.

Ang magkapatid naman na MM at Miranda ay tahimik lang din na pinapanood ang sigawan ng dalawa. Nasa may kusina sila kung saan tanaw itong sala.

"Bakit kasi sa akin ka nagagalit?! Tanungin mo si River!"

"Eh, kayo nakita ko na magkasama kagabi! Nag bar kayo ng ilog na iyon, 'di ba—"

Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETEDWhere stories live. Discover now