Chapter 2

3.4K 120 42
                                    

Chapter 2

Lose

Another busy day.

Narito kami ngayong magkakaklase sa botanical garden ng Saint Clark University. Wala kaming ma pwestuhan sa bahaging Darriaga Field at Gomez Table. Mga kilalang tambayan iyon dito sa school pero puno sila ngayon dahil lunchbreak... ang iba.

Kanina pa rin dapat kami lunchbreak, pero dahil sa pinapagawa sa isang major subject, narito pa rin kami at hikahos na sa ginagawa.

Nasa likuran at dulong bahagi na kami ng school, kung saan malapit na nakapwesto ang faculty office at ang Dean's office.

"Kailan daw ba ito kailangan? Wala akong matandaan na sinabi patungkol sa deadline," usal ko habang nakayuko sa damuhan dahil doon nakalagay ang maliit na table namin para sa mga apparatus.

"Of course, Shawny, wala kang matandaan dahil tulog ka siguro o 'di kaya naman ay lutang na naman," inirapan ako ni Hannah. Natawa ako at pabiro s'yang kinurot kaya natawa na rin ang bruhilda. Isa siya sa pinaka malapit na sa akin simula nang tumungtong ako rito sa St. Clark.

"Pero seriously speaking," I sighed. "Hindi ba't ang CHEM 600 ay para pa next year natin?"

"Yeah, but obviously, pinapahirapan na naman tayo ni Prof Saka."

Napanguso at tumango ako sa sinabi ni Deo. Tama kasi s'ya. Parang sinumpa na talaga kami ni Prof Saka sa hindi namin malaman na kadahilanan.

"Haynako, tapusin na natin 'to para makakain na tayo!" Vilma blurted out. Wala na kaming nagawa, dahil wala naman talaga kaming choice, kaya naman mabilis na naming tinapos ang aming ginagawa.

Pasado alas dos ng hapon namin natapos ang aming gawain, kaya naman kami na lang ang natirang estudyante sa cafeteria dahil may mga klase na ang iba, at ang iba naman ay uwian na.

"Have you watched the Pinoy movie na Block Z?"

Tanong ni Carl. Doon ako naalerto at mabilis na nag-tap ng kamay sa lamesa.

"One of the rarest and best movie about science," I said, and he nodded. Nangunot ang noo ng mga kasama namin.

"Well, I liked its plot twist," Hannah said and sipped on her straw.

"Ano ba 'yan?"

Tanong ni Vilma saka sumandal sa balikat ko. I shrugged kaya nahulog ang kaniyang ulo. We laughed at it.

"By the way, it's about genetic immunity," pagseseryoso ko.

"Oh? What's with it?" curious na tanong ni Yani.

"There's this virus that keeps on spreading all over the country or world, in the movie. The only reason why the lead character survived is because of the genetic immunity. Just like her father," paliwanag ko.

"Hala, teka nga, wala pa akong mas'yadong alam d'yan! Enlighten me!"

Problemado na sabi naman ni Sauna. Nagtawanan kami kaya naman pinatahimik kami ng mga tauhan sa loob. Mas gusto ko na ganito, kami lang ang nakakapag ingay.

The cafeteria looks like from the old Spanish era. With its antique ceiling, the tables, and the design of the walls. I don't like designs thing, but the way its structure was built, it was very detailed. Even the floor, it is hardwood, while doors are sliding and too weighty. I once tried to open it, but I failed.

"Basically, genetic immunity or best called as autoimmunity, only means,  'immunity against self' and is caused by immune mediated reaction to self antigens, " tumatango kong sabi saka ipinatong ang aking paa sa kabilang upuan. "Its susceptibility to autoimmune disease has a genetic basis in humans and animals," dagdag ko.

Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETEDWhere stories live. Discover now