Chapter 17

2.3K 95 30
                                    

Chapter 17
Soldier

"Babe, wake up..."

Antok na antok akong umikot pakabila at nagtaklob ng unan sa mukha.

"Anak, you'll be late if you don't wake up now," pabirong dagdag ni Daddy nang hindi ko siya pansinin.

Doon lang pumasok sa isipan ko na ngayong araw na pala ito ang kasal ko. Napangiti ako at napayakap kay Daddy at doon muling pumikit dahil antok na antok pa talaga ako. He laughed loudly and hugged me back.

"Oh you're still my baby," he said and brushed my hair using his fingers. Doon ko narinig ang kaniyang pag hikbi.

"Dad, don't cry! Papangit tayo parehas mamaya!" angal ko at mas hinigpitan ang aking yakap sa kaniya. Hindi ko na rin napigilan ang maiyak.

"I just can't contain my happiness, hija. You finally found a man that will accept how flawed you are," his voice cracked. Mas napaiyak ako roon.

"I know you don't remember this already..." he said at inilayo ako sa kaniya. Hinawakan niya ako sa kamay at pinunasan ang aking luha. "Mula bata pa lang ay ramdam mo na may kakaiba na sa'yo. You're so smart to the point that you pictured yourself already with a man that will accept how forgettable you are.".

"Ang sakit-sakit, anak, nung kinukwento mo dati sa Daddy kung paano kinwestyon ni Reagan ang existence mo," he then sobbed again. Bumaba taas na ang kaniyang balikat at nagtakip na ng bibig habang nakatitig sa akin.

I bit my lower lip to not make a noise.

"It's painful to see how you degraded yourself all those days," umiling siya. Pinunasan ko ang kaniyang luha. "But, little you don't notice, as Payton comes in, you then valued yourself again. Bumalik ka sa pagpapacheck up mo."

"It's because I want him to have the best of me. He deserves it, Daddy," mahina kong sabi. Daddy smiled and hugged me again.

"That's the reason you deserves him, too, anak."

"Tita Shawny, happy wedding day!"

Napangiti ako nang bumukas ang pintuan ng aking kwarto at pumasok doon ang kambal ni Kuya. S'yempre sumunod si Kuya at doon ay nakigulo na rin.

Best day already!

Matapos ang madramang umaga namin ni Daddy ay bumaba na kami para makakain na ng aming umagahan.

"Ate Klary, 'di ba kakanta mamaya sa after wedding ang Partly Cloudy?"

Tanong ni Jenica. Pinsan namin. Narito ang halos buong angkan ng Manzanilla kaya naman lubos ang kasiyahan na nararamdaman ko. Excited na rin ako dahil umuwi ang mga Saint boys na nawala rin ng ilang taon.

"Yep. Sa reception," ngumiti ako at tumango. Si Kuya naman ay tahimik sa tabi ko na inaasikaso ang kaniyang mga anak.

"Sino sa wedding march?" si Trevor naman. Halos kaedaran ko.

"S'yempre si Maverick!" proud kong sagot.

Sino pa ba namang papakantahin, 'di ba?

Matapos ang aming umagahan ay napuno lang ang lahat ng tawanan buong umaga sa sala. I just want to enjoy this day with them before I fanally marry Payton.

Nang mag alas dose ng tanghali ay doon na naging abala ang lahat. Inayusan na ang nga dapat ayusan at ganoon din ako. Dumating na sa bahay ang magkapatid na Mira At MM. Si Mira ang kinuha kong bridesmaid dahil wala ba naman akong pagpipilian. We became closer when she learned about my disease. I have learned, too, that she's too good to be true.

"Be the happiest bride today, anak," it was Mommy who approached me when they started putting the pure while veil on me.

"Of course, Mom," ngumiti ako pabalik at tinignan ang aking repleksyon sa malaking salamin sa aking kwarto habang abala sila Lily at Mira sa pag-aayos ng aking belo.

Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETEDWhere stories live. Discover now