Chapter 26

2.1K 95 60
                                    

This is a late greeting but happiest birthday user82618227 her birthday was last Feb.8! Let's greet her! This chapter's for you, Sarah! :> 🥳


Chapter 26
Home

"Ibaba n'yo na 'yan!"

May sumigaw kung saan. Pero dahil may saklob ako sa ulo ay hindi ko alam kung sino iyon. Kagigising ko lang at ito ang bumungad sa akin. Isang malakas na sigaw at tila nasa ibang lugar ako.

Where am I? Bakit ako may saklob? Saan ako nakatayo? Bakit nasa lupa yata ako?

"Sino 'yan?"

It was a familiar voice.

Hindi ko alam ang uunahin ko sa mga oras na ito. Kung bakit ba ako na rito at kung nakalimutan ko na naman ba ang lahat.

"Kung sino-sino na naman ang dinadala n'yo rito—"

"Render, manahimik ka nga!"

Sigaw ni... Two?

Teka!

Render?!

"Sigurado ako na matutuwa ka sa dinala namin ngayon, Pare," Two added and I heard that he taps Render's shoulder. "Babaeng pangarap mo lang naman ang dinala ko. Pwedeng-pwede mo nang pagsawaan," he then added.

"T-talaga? Bakit mo s'ya dinala?"

Tila sumigla ang boses ni Render. Nawalan na ako ng pag-asa dahil doon.

What's this? Bakit ganito?!

"Regalo, my friend! Naisip ko na parehas naman tayong hindi mananalo kay Meiran sa paraang marahan, kaya heto na. Kinuha ko ang tyansa dahil sa kapalpakan ng tauhan ni Boss."

"Nice. Can I see her face? Can I have her? Mine alone?"

Gusto kong maiyak nang marinig ko ang tono ng pananalita ni Render.

I just thought he's good.

I was wrong all along.

Lalo na si Two na sobrang tahimik.

Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko o ni Payton sa kaniya.

"Sure! She's all yours, anyway," Two laughed. "You can... you know, bring her to a room."

"That's what I was about to ask you. Thanks, Man!"

"Ingat lang. Baka manlaban."

"I know her weakness."

Natapos ang usapan ng dalawa at nagulat na lang ako nang marahas akong higitin ni Render kung saan. Rinig na rinig ko pa ang hiyawan ng mga kalalakihan sa paligid. They're all cheering for his evilness.

Hinang-hina ako dahil sa pagod at dahil na rin sa pagkadismaya kay Render kaya hindi na ako nanlaban pa.

Gusto ko na lang maupo at mamaluktot sa isang sulok. Damahin ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

I don't deserve this.

Bakit ganito? May sakit na nga ako't lahat, ako pa rin ang pinararanas ng ganito. I just don't get it. Am I that bad in the past to suffer this way? Do I really need to suffer? This too long?

Hindi ko alam kung gaano katagal ang aming nilakad. Basta narinig ko na lang ay may nagbukas-sara ng pintuan at saka kami tila pumasok doon.

Damang dama ko ang pagtulak sa akin sa malambot na higaan. Hinayaan ko na lang ang aking sarili dahil kahit anong laban ko naman ay wala akong magagawa. Napakahirap lumaban sa dilim. Napakahirap lumaban kung wala namang ibinigay sa'yo na paraan para lumaban.

Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETEDWhere stories live. Discover now