Chapter 16

2.2K 89 15
                                    

Chapter 16
Here

A painful morning came. Sobrang sakit ng aking ulo nang umagang magising ako. Para akong pinupukpok sa sakit kaya naman dali-dali akong tumayo para pumunta sa aking cabinet at kumuha ng gamot. I almost fell on the floor for god's sake!

My knees are trembling and so as my hands. I can't contain the pain and it feels like I'm slowly dying from the pain that I'm feeling.

Halos hindi ko na mahawakan ang gamot at ang baso bago ko pa ito nainom.

Like a pang in my head, napaupo na ako sa sahig. Hindi ko na malaman kung ano pa ba ang dapat gawin gayong nakainom na ako ng gamot at hindi pa rin naaalis ang sakit.

I don't know how I made it, but I lived.

Nagising na lang ako dahil sa tunog ng cellphone. Wala na rin ang sakit ng aking ulo.

Tinignan ko ang caller matapos kong dahan-dahan na tumayo mula sa pagkakahiga sa sahig.

It was Payton.

Hindi ko pinansin ang tawag dahil ayaw ko naman siyang kausap. Nakakasawa makisama.

Nakakasawa rin ang ganitong pag-iisip. Hindi ko na alam ang gagawin ko para makaraos sa araw-araw na hirap.

Sa kada araw kasi ay mas lumalala yata ang sakit ko. Para na akong pinapatay araw-araw.

"Are you sure you don't want me to come with you?" tanong ni Payton nang dumating ang araw na kailangan ko magpa checkup.

Sinundo niya ako sa bahay at dinala rito sa condo niya. I've missed him so much kaya naman tuwang tuwa ako ng ginawa niya iyon.

Too bad, may lakad ako.

Wala akong pasok sa hospital ngayon kaya naman sinusulit ko ang aking pahinga.

"I'm sure, Love. Have your rest today. You're gonna check our house, too," paalala ko sa aking iniuutos sa kaniya noong isang araw pa.

Ang dahilan ko kasi sa kaniya ay may lakad kami nila Miranda ngayon. Nabanggit ko na kasama ni Mira ang kaniyang boyfriend kaya heto siya ngayon at pasimpleng nagpupumilit sa pagsama.

Sasaglit lang naman ako para maipakilala sa akin ni Mira ang kaniyang boyfriend. Aalis din ako kaagad dahil may check up pa nga ako.

Ang bahay namin ay nilalagyan na rin ng gamit dahil ikakasal na rin naman kami in less than a month after a year of preparation.

The proposal went trending. Maraming gumaya sa kaniyang style na ginawa. It was his total idea, nagpatulong lang siya kay Feliciano kung paano ang tamang gagawin para gumana, it turned out na pumalpak pero ayos din naman.

"I'll buy you a dinner. What do you want?" tanong ko habang abala ako sa pag aayos ng aking sarili.

"You won't have your dinner here?" tanong niya at naupo siya sa aking tabi.

"I have to be home early para hindi ako ma-late bukas sa trabaho."

Nasa harapan ako ng salamin. Siya naman ay nangalumbaba at pinanood ako sa aking ginagawa.

"What baby do you want us to have?" tanong ko. Sinulyapan ko siya habang abala ako sa paglalagay ng eye shadow.

"No. I only want you for years. Let's have a baby maybe after two years?"  ngumuso siya at kumuha ng brush at pinaglaruan iyon. "I want to baby you first."

"But I am your baby for five years now, Love," nakangiti kong sabi at hinalikan siya sa pisnge saglit. Humawak naman siya sa aking tuhod at humarap sa akin.

Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETEDWhere stories live. Discover now