Chapter 14

2.3K 85 46
                                    

Chapter 14
Falling

"Go, Pay!"

Malakas kong sigaw habang halos mapilas ko na ang banner na dala ko.

Today's the final day of this season's Saints League. Ang result na lang ng basketball ang hinihintay bago ganapin ang main awarding ng lahat ng sports.

I and Payton was then rooting for River to be the MVP but the stats have changed when River left the country immediately.

Inihabilin niya kay Payton na dapat siya ang magfocus sa laro para siya ang pumalit. Ang goal kasi nilang magkakaibigan ay lahat dapat sila ay mag MVP.

Si Payton ang walang kaplano plano na sumali sa MVP run dahil abala nga siya madalas. Pero dahil sa habilin ni River, napilitan siyang magbago ng schedule para makasali sa mga laro palagi at makahabol sa stat. I guess he did.

River will be here naman kahit kailan niya gusto. Ang kaso lang, kailangan siya ni Astrid. Lahat naman kami ay ayos doon. Ewan ko lang kung ayos din doon sa dalawang naiwan nila rito.

"Falcon for three!" sigaw ng barker.

Mabilis akong napatayo sa aking inuupuan at masayang nagtatalon kasama ni Chano. Si Reego naman ay tahimik lang na nakaupo kaya naman hinigit ko na rin siya para tumayo. Mabawasan manlang ang lungkot sana.

"Half time break!"

Nang marinig ko iyon ay mabilis akong bumaba sa mga bleachers para makalapit kay Payton na ngayon ay inililibot na ang kanyang paningin sa gadagat na tao.

With his red jersey, he's roaming his eyes around the arena. I am wearing his red practice shirt with his surname at the back. I also have a bandana with his P.A.M initials.

Malayo pa lang ay kitang kita ko na ang kagwapuhan niya kahit basang basa na ang kaniyang damit at buhok dahil sa pawis.

Damn, that's mine! That falcon is mine!

"How was my last shot?" pasigaw niyang salubong sa akin dahil napakaingay talaga sa paligid. Kani-kaniyang palakasan ng chants at mga walang balak magpatalo.

"Halika!" tawag ko. Lumapit siya at sa pagitan namin ay may bakal na nakaharang. Hanggang bewang ko iyon.

"Si Wallen for sure ay ipapasok na. Huwag ka muna pumasok sa unang balik. I saw on IG yesterday that he's copied your pass!" pasigaw kong sabi kahit inilapit na niya ang kaniyang tenga sa aking bibig.

Hindi talaga kami magkarinigan.

Bigla siyang tumawa at may kinawayan. Napatingin ako roon at doon ko lang nakita na nakatutok pala sa amin ang camera at kita kami sa malaking screen sa itaas ng arena.

"You're stalking him?" kunot noo niyang tanong. Medyo lumapit at akmang hahalik sa aking pisnge pero hindi nagawa dahil saktong lumayo ako.

"Hindi! Ipinakita lang sa akin ni Hannah!" pasigaw ko uling sagot.

"Another Saint couple have been revealed!" anunsyo ng kung sino na naka mic. Natawa na lang din ako roon. Mas nagkaingay ang mga tao.

Akala ko ay wala na sa amin ang camera, the heck?!

Hindi naman kasi kami public. As much as possible kasi ay pinipili naming maging lowkey pero hindi secret.

Kakaiba kasi ang supporters ni Payton. Malawak ang fanbase niya kagaya nila Rom dahil televised naman ang lahat. Kaunting galaw ay napupuna ng mga supporters kaya pinipili ko na lang ang manahimik. Nauunawaan ko naman na gusto nila ay iyong the best para kay Payton. Ako iyong the best pero nanahimik lang ako. Lowkey lang dapat.

Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETEDWhere stories live. Discover now