CHAPTER 14

96 5 2
                                    

CHAPTER 14

"Thyrone! I miss you," Sabi ng babae.

Nilagay nya ang kaniyang dalang plato sa lamesa at tumakbo papunta kay Thyrone at yumakap ng MAHIGPIT.

Sino ba toh?

Bumitaw sya sa pagkayakap nya kay Thyrone at tiningnan ako, at tapos nun ay tiningnan nya si Nariah.

"Hello Nariah," Sabi niya at mukhang tinarayan pa si Nariah. Well...ghurl mas mataray pa yan sayo.

"Hello Yanna," Sabi ni Nariah at itinaas ang isang kilay nya.

"I am Wrellyanna Arela, cousin nila" Sabi ng Yanna na yun.

"Who is this girl?" Tanong ng babaeng nagngangalang Yanna, at tinuro ako habang nakatingin sya kay Thyrone.

"I'm just a no—," Sasagot na sana ako ng may nagsalita.

"Nandito na pala kayo," Sabi ng isang babaeng galing sa kusina, I must say she is beautiful mga nasa mid30's na siguro.

"Mom," Bumakas sa mga mata ni Nariah ang tuwa na kanyang nararamdaman. Tumakbo siya at niyakap ang kaniyang ina.

Tiningnan ko naman si Thyrone ngunit wala itong ginawa, tiningnan nya lang ang kanyang ina.

"I miss you," Sabi ni Nariah habang yakap-yakap ang ina.

"Hindi ako informed na uuwi pala kayo," Sabi ni Thyrone dito. Bumitaw sa pagkayakap si Nariah kaya nilapitan ng kanilang ina si Thyrone at niyakap din yumakap naman pabalik si Thyrone dito.

Kala ko magwawalk-out si Thyrone.

"This must be Zyliene, you are much more likely your mother now," Sabi ng kanilang ina.

"You know my mother?" Tanong ko dito.

"Of course, who wouldn't know Zelyxia? Sya lang naman ang nag-iisang Athena," Sabi ng mommy nila Thyrone.

"Athena?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh wala tawag ko lang yun sa kanya," Sabi ng mommy nila Nari at Thyrone.

"Si kuya Yoshi mom?" Tanong ni Nariah.

"Hindi ko alam," Sabi ng mommy ni Nariah sa kanya.

"Ahh sige po Mrs. Lemaitre, uhm... Ihatid ko muna tong gamit ko sa kwarto," Paalam ko.

Bakit nagbago ang itsura ni Mrs. Lemaitre kanina ng nagtanong si Nariah kay Yoshi? Anak nya naman ito ah.

Nilagay ko ang mga gamit ko sa kwarto, at dumeretso sa opisina ni Mr. Lemaitre at kumatok.

"Come in," Sabi ni Mr. Lemaitre kaya pumasok naman ako.

Nakita ko namang nag-uusap sila ni Yoshi.

"Ikaw na pala yan Zy," Sabi ni Mr. Lemaitre.

"Mamaya na tayo mag-uusap Yoshi, sa Mansion Maucer ka na muna tumuloy sa ngayon." Sabi ni Mr. Lemaitre kay Yoshi.

"Sige," Sabi niya at umalis.

"Mansion Maucer? Saan po iyon?" Curious kong tanong.

"Basta," Sabi ni Mr. Lemaitre sa akin.

"So... I have  a mission for you," Sabi ni Mr. Lemaitre at linapag ang isang envelope sa lamesa nya.

"Sammantha Agiduin?" Tanong ko.

"Investigate on that girl," Sabi ni Mr. Lemaitre sa akin.

"Uhh, di ko po siya kilala eh," Sabi ko kay Mr. Lemaitre.

My Bodyguard (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant