CHAPTER 20

93 3 0
                                    

Chapter 20:

Seconds, Minutes, Hour's, Days and Weeks had passed. Ganun ako katapang na ilihim sa lahat ang nalalaman namin ni Yannah tungkol kay mama. Malapit na, sobrang lapit ko ng makita si mama.

We also achieve the purple drug mission. Ngunit di ko na nalaman kung anong ginawa nila dun.

"Zy parang nakokonsensya na ako sa paglilihim natin," Sabi ni Yannah sa akin habang ginagalaw-galaw nya lang ang kanyang pagkain.

Mukhang nakakahalata narin si Thyrone sa mga kinikilos ko, lalong-lalo na si Nariah na panay ang tanong neto sa akin kung may nililihim daw ako netong mga nakaraang araw. Ngunit di ko pa rin sinabi.

Naging close kami ni Yannah at nalaman kong kaya pala palagi nyang kasama si Mrs. Lemaitre ay dahil namatay na ang mga magulang nito, at tinago iyong ni Mr. Lemaitre sa kanya nung una palang ngunit nalaman din nya.

"Yannah please I wat to see my mom, kahit... Ilang segundo lang, please help me," Sabi ko sa kanya.

"I will help you Zy, but what if... What if masabi natin ang totoo sa kanila?" Tanong ni Yannah sa akin.

"If you spit it out...wala na tayong magagawa, pero kapag hindi nila nalalaman wala tayong sasabihin," Sabi ko sa kanya, saka uminom ng juice ko.

"Nakakahalata na sila Zy, si Thyrone, si Nariah at si Achilles. Iwas-iwasan mo munang lumabas kasama ako, di kaya we should do a seperate moves," Sabi niya sa akin.

"Bukas may gagawin ka?" Tanong ko sa kanya. Balak kong siya muna ang kumilos doon sa clinic bukas sakaling mabuksan na namin ang sekretong daan sa likod bookshelf.

"Aayusin ko pa bukas ang assignments ko, baka pwede din akong lumabas bukas," Sabi niya sa akin.

"Ako na ang bahala sa assignments mo, just make sure na walang mangyayaring masama sayo. And also don't text me except there is an emergency," Sabi ko sa kanya na ikinatango nya.

"Iperfect mo ah," Sabi niya sa akin.

"Sure," Sabi ko sa kanya.

Medyo gumagabi narin kaya umuwi na kaming dalawa. Pagkabukas ko palang ng pinto ng Lemaitre ay bumungad na sa akin si Nariah.

"Saan ka pumunta?" Tanong nya sa akin habang nakapamewang sya.

"Hi baby cousin, we just have some bonding you know. Get to know well of Thyrone's girlfriend," Maarteng pagsisinungaling ni Yannah kay Nariah. Aakbay pa sana ito kay Nariah ng iniwasan nya ito.

"Bumalik kana sa kwarto mo," Sabi ni Nariah at ngumiti pang peke. Kaya umalis na si Yannah.

"Well? Are you replacing me as your bestfriend?" Tanong ni Nariah sa akin.

Gusto kong matawa sa mga pinag-iisip niya, akala ko bisto na kami neto. Si Nariah kasi ang tipong pabago-bago ng mood pero di mo malulusutan sa mga sekreto mo.

"What are laughing at? Nakakatawa bah?" Tanong nya sa akin ng bigla akong tumawa.

"Wala HAHAHA, hali kana nga," Sabi ko sa kanya at hinila siya papunta sa kwarto niya.

"Magshower kana, amoy pawis ka," Sabi ko sa kanya, at binuksan ang kwarto.

"Palibhasa pinayagan ni Thyrone na umalis ng maaga tapos kami naman panay ang practice," Pagsusungit nya. Nakita ko naman sa likod niya si Achilles na naka topless halatang bagong ligo ito dahil nakapalupot ang towel sa ibaba nya, kaya bigla naman nanlaki ang mata ko.

"Anong ginawa nyong dalawa?" Tanong kokay Nariah kaya tumalikod naman si Nariah at bigla ding tiningnan ako uli.

"Wala," Sabi ni Nariah, eto namang si Achilles at nakangisi lang na nakatingin kay Nariah habanga ako namna ay pinagtaasan sya ng kilay. Wala ba syang balak na magpalit?

My Bodyguard (COMPLETED)Where stories live. Discover now