CHAPTER 24

80 5 0
                                    

Chapter 24:

Nagising nalang ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha, sinubukan kong bumangon kahit na inaantok pa ako. Nagtimpla lang ako ng gatas at ininom yun, tsaka naligo na at nagbihis na. Nag training lang kami ng nag training.

Bumaril, mag sparring, missions, new activities, kain, tulog, at pratice. Dyan ko linilibang ang sarili ko, ngunit di ko parin makalimutan ang sinabi ni ate Sammantha sa akin.

*Flashback*

"You are the one who is dangerous here, inshort ikaw ang nagpapahamak sa mahal mo. Zy, kung maari, layuan mo muna sa ngayon si Thyrone bumalik ka nalang kapag nasabi ko ng malaya kana sa mga mata nila," Sabi ni ate Sammantha sa akin.

"Sinisisi mo po ba ako?" Inis kong tanong ko sa kanya.

"Hindi kita sinisisi. Promise Zy, I promise to kill those bastards. Hindi ko hahayaang pati ikaw ay madamay sa gulong ginawa ko," Sabi ni ate Sammantha sa akin.

"Pero, paano? Paano ka makakalaban kung mag-isa kalang?" Tanong ko dito.

"Sasama sakin sina Red, at Yoshi. May mga kasamahan din ako kaya wag kang mag-aalala Zy. Tatapusin ko toh, as soon as possible. Makakalaya ka sa gulong ginawa ko, those bastards will not see you in person," Ate Sammantha.

"Tatawagan nalang kita, sa ngayon ay pumunta ka muna sa WBA so everyone can protect you. Promise me Zy, don't get to much sad, alam kong mamimiss mo si Thyrone kaya tumawag ka sakin kung gusto mong makipagkita sa kanya para mabantayan kita," Sabi niya sakin at yinakap ako.

*End of Flashback*

"Papayag kaya si ate na dumalo ako sa tournament?" Tanong ko sa sarili ko habang nakaupo sa damuhan at tinititigan ang araw na unti-unting lumulubog.

"Problema mo dyan?" Tanong ni Bryle na umupo sa tabi ko.

"Wala, nag-aalala lang ako kay ate. Sa friday na ang tournament, kaya hinahanda ko na ang sarili ko sa suntok ni Nariah," Sabi ko kay Bryle, nakwento ko kasi sa kanya na kung anong rason kung bakit ako lumayo sa nga Lemaitre. Napatawa naman ito sa huling mga sinabi ko.

"Ganda kaya nun, nanununtok yun?" Tanong ni Bryle tsaka tumawa. Nandito pa kasi kami sa field eh may session pa si Artemis sa mga new recruits kami naman ni Bryle ay kanina pa tapos. Si Instructor Lui naman na palaging nasa tabi namin ay namili ng bigas na hanggang ngayon ay di pa nakabalik.

"She's a best sniper, yung sanabi kong sniper na nagligtas sakin nung nire-rescue namin si Yannah siya yun," Sabi ko dito na ikinamangha nya.

"Really? Wow! Ang astig nun," Sabi ni Bryle sakin. Kaya natawa nalang ako sa kanya.

"Pakilala mo naman ako sa kanya oh," Sabi niya.

"Kilala kana nun," Sabi ko sa kanya.

"I mean, in a good way," Sabi ni nya.

"Ayoko nga, may best buddy na akong tinutulungan pasensya kana," Sabi ko dito.

"Tsk! Ano ba naman yan," Sabi niya at nagtampo.

"Sige lang magtampo kalang, di naman kita susuyuin," Sabi ko dito.

"Edi di kita tutulungang mag practice sa tournament mo," Sabi niya sa akin.

"Ayos lang andyan naman si Artemis, mas magaling payan sayo," Sabi ko sa kanya, at tinuro si Artemis na papunta sa direksyon namin.

Yoshi's POV

"Kain na, isesend ko toh kay Zy," Sabi ko kay Thyrone na nakatalikod sakin.

"Saan mo ba kasi sya tinago?" Sabi niya sa akin.

My Bodyguard (COMPLETED)Where stories live. Discover now