CHAPTER 26

109 5 3
                                    

Chapter 26:

"CONGRATULATIONS TO.... JUAQIN UNIVERSITY!" Sabi ng Mc. At ang kaninang maingay na stadium ay mas umingay pa.

"JU! JU! JU! JU IS THE BEST!" Sigaw ng iba.

"Good job Zy, you improved a lot," Sabi ni Miles sakin sabay thumbs up.

"Ikaw din, mahirap kanang patayin," Sabi ko sa kanya na ikinatawa naming dalawa.

"JU, and Loucast Students you can take your rest, we will proceed on the next game at the basketball court area, the awards will be presented after all the games later." Sabi ng MC, kaya nagsipunta kami sa basketball court dahil maglalaro ang apat. Sino pa ba? Edi si Thyrone, Achilles, Magnus at BJ.

"Bakit ba ang higpit ng hawak mo sakin?" Tanong ko kay Thyrone kasi ansakit na ng pagkakahawak nya sakin.

"Para daw di kana makawala," Sabi ni BJ tsaka tumawa.

"Ano ako preso?" Tanong ko kay Thyrone.

"Kung pwede lang sana ay sa kwarto ko na," Sabi ni Thyrone tsaka kumindat. Kaya nagsitawa ang buong tropa.

"Ang bastos na ng utak mo ah, ilang araw lang ako nawala tapos ganyan kana. Sinong nagturo sayo? Si BJ o Magnus?" Tanong ko kay Thyrone.

"Grabe ka naman Zy, nahurt ako dun ah," Sabi ni Magnus sakin.

"Yung isa," Sabi ni Thyrone sakin tsaka tinuro si Achilles na may kachat.

"Sino ba yang kachat mo? Ang busy mo ah," sabi ni Nariah tsaka tiningnan ang kachat ni Achilles na ikinatikom ng bibig nya.

"Sige, bili muna ako ng makakain natin, samahan mo na ako," Sabi ni Nariah tsaka hinila si Ame palayo. Nagpilit pa itong ngumiti.

"Nangyari dun?" Tanong ni BJ.

"Sino ba yang kachat mo ah?" Tanong ko kay Achilles at tiningnan ang kachat nya.

Girlfriend

Yan ang nakalagay na name sa phone.

"Kaibigan," Sabi ni Achilles at nauna ng maglakad.

"Sabi ko nga, Kaibigan," Sabi ko at lumapit uli kay Thyrone.

"Sino yung kachat nya?" Tanong ni Thyrone sakin.

"Girlfriend nya," Sabi ko kay Thyrone.

"Ahh si Megan? Pangit ugali ng babaeng yun mas bet ko pa si Nariah para kay Achilles," Sabi ni BJ at lumapit sakin.

"Wag ka ngang lapit ng lapit," Inis na sabi ni Thyrone kay BJ at pinalayo ito sakin.

"Lalayo nga, apaka possessive mo naman," Sabi ni BJ at nagtatampong lumayo.

"Hanap ka muna upuan mo dun, punta lang kami sa locker room para magbihis," Paalam ni Thyrone sakin.

"Sige," Sabi ko sa kanya at aakmang maglalakad na ng hablutin nya na naman ang kamay ko.

"Baka saan ka na naman pumunta ah," Sabi ni Thyrone sakin.

"Hindi ako aalis, ok?" Sabi ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala pare, kaming bahala kay Zy," Sabi ng kakalapit lang na si Miles.

"Di ka maglalaro?" Tanong ko kay Miles.

"Di na, tanda ko na oh tsaka baka matalo na naman ang Loucast," Sabi ni Miles sakin.

"Wag na wag mong gagalawin si Zy ah," Sabi ni Thyrone at tiningnan ng masama si Miles kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa patay si Miles.

My Bodyguard (COMPLETED)Where stories live. Discover now