CHAPTER 28

109 4 0
                                    

Chapter 28:

Zyliene's POV

Nasa loob kami ng airport ngayon, hinihintay na sina Mrs. Alfonso at ang kaniyang asawa. Kaming dalawa ni Bryle ang nagbabantay, habang ang iba naman ay nasa labas at naghihintay samin. Si ate naman ay nasa likuran ko dahil ayaw nya akong iwan dahil baka ano daw ang mangyari sakin.

Maya-maya naman ay nagchat sakin kaya tiningnan ko kung sino yon.

Miles

Zy, thank you daw. Kamusta? kung makakaabot ka puntahan mo tong lugar na toh ***** beach resort.

Zy

Tingnan ko lang, ingat kayo dyan ah.

Miles

Miss kana nila sana makapunta ka.

Zy

Sige na andyan na ang client namin.

"Zyliene! Ihja!" Sigaw ni Mrs. Alfonso ng makita ako.

"Ma'am," Sabi ko ng nakangiti.

"Zyliene, tumangkad ka ah tsaka medyong pumayat. Blooming din, may boyfriend na ba itong boss niyo?" Sabi ni Ma'am Alfonso sakin sabay tanong kay Bryle.

Mataba ba ako noon? Tsaka pandak?

"Opo ma'am kaso di po ako yun, gwapo pako dun eh," Sabi ni Bryle dito. Kinuha ko naman yung mga maleta na dala-dala ni sir Alfonso.

"Ako na ihja," Sabi niya sakin.

"Ako na po sir. I'll guide you from the back and Bryle for the front," Sabi ko sa kanya.

"You are such a young woman to be a agent, anong grade mo na?" Tanong ni sir Alfonso sakin.

"Graduating from Senior High sir," Sabi ko dito.

"Pagtapos mong kumuha ng degree ng criminology or anything. I can give you a job," Sabi sakin ni sir Alfonso nahiya tuloy ako.

"They don't just need a bodyguard, they also need a accompany."

Naalala ko pa noon ang sabi ni Instructor Lui samin tapos nung unang mission namin. Kaya kinakausap namin sila habang papunta sa kotse na nasa labas na ng airport nasa kotse na kami. Nakasunod naman sina Artemis, Julian, at Hyzel samin, si ate ay kita ko namang sumusunod din samin gamit ang kanyang motorbike.

"Bagay kayo," Sabi ni ma'am Alfonso ng ipinakita ni Bryle sa kanya yung photo naming dalawa ni Thyrone nung nagcacamping kami.

Ako naman ang nagd-drive. Nagpumilit pa nga si Bryle na siya nalang daw kaso di siya nanalo sa bato-bato pick namin.

"Talaga ba ma'am? Mukhang mas bagay nga kami ni Zy eh," Sabi ni Bryle kaya di ko nalang sya pinansin.

"Bagay tayo Zy diba?" Sabi ni Bryle.

"Alam ko na ang di nagbago sayo ihjo. Yang katarantaduhan mo," Sabi ni ma'am Alfonso kaya natawa naman si Sir, pati ako ay mahinang napatawa.

Yan naman talaga ang di magbabago sa kanya, yang kakulitan at katarantaduhan nya.

"Zy may nakikita akong nakasunod satin, dumaan ka sa main road," Rinig kong sabi ni ate sa earpiece.

Hindi na ako dumiretso pa sa shortcut at sa main road na ako dumaan, kaya nagtaka naman si Bryle.

"Bat umiba yung plano?" Bryle hissed at me.

"Anong nangyayare Zyliene?" Tanong ni ma'am Alfonso sakin.

My Bodyguard (COMPLETED)Where stories live. Discover now