CHAPTER 18

74 3 0
                                    

Chapter 18

"Mukhang stress ka kasi sa school works, and btw you have a letter," sabi ni Thyrone sa akin, kaya napangiti nalang ako.

"Remember our promise?" Tanong ko sa kanya na ikinatingin nya sa akin.

"Promise me Koi! Pupunta tayo sa dagat ah, payagan man ako o hindi pupunta tayo," Sabi ko sa batang lalakeng nasa unahan ko.

"Sige, pero tatakas lang tayo ah," sabi niya sa akin kaya ngumiti naman ako.

"Saan kayo pupunta? Bakit kayo tatakas?" Tanong ng isang matanda na ikinagulat naming dalawa.

"Sir Julio," Sabi ko ng pangalan nya, na ikinangiti niya.

"Isasama nyo ako pag tatakas kayo ah," Sabi niya na ikinangiti naming dalawa ni Koi at tumango-tango.

"I miss lolo Julio," Sabi ni Thyrone sa akin.

"Kung sana hindi lang nangyari yun, edi sana kasama natin sya dito," Sabi ko, at tiningnan ang asul na karagatan.

"Sir?" Tanong ko habang kumakatok ng kanyang kwarto dahil maghahapunan na.

"Ma'am Mel? Baka po tulog pa si Sir Julio," Sabi ko sa anak nyang babae.

"Pa?" Tawag ni Ma'am Mel at kumatok din.

"Pa?" Yan ang paulit-ulit na sabi ni Ma'am pero walang sumagot.

"Yaya Pining? Can you get the key of my father's room? Make it quick please," Pag-alalang tawag ni Ma'am sa kay Aling Pining.

Maya-maya lang ay nandito na sya at dala-dala nya ang susi ng kwarto ni Sir Julio. Pagkabukas palang ng pintuan ay niluwa na neto ang bangkay ni Sir Julio na nasa sahig nah.

"Mama," Tawag ko kay mama na nasa tabi ko at yumakap sa kanya.

Wala na si Sir Julio.

"That's why you join W.B.A?" Tanong nya sakin na ikinatango ko.

"Hindi lang yan, gusto ko ding protektahan si papa dahil sa nangyari kay mama," Sabi ko sa kanya kaya yinakap nya naman ako, habang dinadama namin ang ihip ng hangin.

Maya-maya lang ay biglang nagring ang cellphone ni Thyrone, na sinagot nya naman. Lumayo ito sakin kaya nagtaka naman ako. Maya-maya lang ay bumalik na ito sa akin.

"Sino yun?" Tanong ko sa kanya.

"Ah wala, balik na tayo sa mansion?" Tanong nya sa akin.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Ah... Wala, baka hinahanap na tayo dun," Sabi niya sa akin at hinila ako sa kotse.

"As you see, maraming sekreto si Thyrone, pero mas maraming sekreto ang mga Lemaitre na ikakatigil ng mundo mo,"

Naalala ko uli yung sinabi ng Yanna na yun sa akin. Ano ang sekreto nila? Ano pa ang sekreto mo Thyrone?

#

"ARAY!" Daing ko ng may isang paper ball ang tumama sa ulo ko, kaya binuksan ko iyon.

'Want to see their secrets? Meet me at the park tomorrow 3:00 pm. I will tell you EVERYTHING,'

Yan ang nakasulat sa papel, siguradong si Yanna iyon.

Nagsimula na akong gumawa ng homework and projects ko para aliwin ang sarili ko at wag nang isipin ang mga yun.

Lahat naman ng tao ay may lihim, at di yun mabubunyag ng iba kung hindi mo pakikinggan. Pero may parte sa sarili kong gusto kong malaman yun, hindi lahat kahit kaunti lang ay gusto ko.

My Bodyguard (COMPLETED)Where stories live. Discover now