CHAPTER 4

285 9 0
                                    

Chapter 4

Zyliene's POV

"Pwede naman tayong maglaro" Sabi ni BJ sabay kuha nang laptop nya at pinatong sa mesa.

"By the way kaninong netcafe to?" Tanong ni Nariah.

"Bakit ba ang dal-dal mo?" Inis na tanong ni Achilles kay Nari.

"Ako? Madal-dal? FYI Mr. Who you are, hindi ako madal-dal" Sabi ni Nari.

Now, Nariah left. And the Beast came.

"I'm not who you are! I am Achilles!" Sabi ni Achilles.

"Hindi ba kayong dalawa titigil" Tanong ni Thyrone tsaka kinuha yung laptop nya.

"Pano yan? Apat lang yung laptop natin?" Tanong ni BJ.

"Wag kanang sumama BJ" Sabi ni Magnus sa kanya.

"No way" Angal ni BJ.

"Hihiram nalang ako nang laptop dun" Sabi ni Nari at lumabas.

Maya-maya lang ay bumalik na ito, pero, dalawang laptop yung dala nya.

"Ano bang lalaruin nyo?" Tanong ni Nari tsaka inilapag ang dalawang laptop sa table.

"COT (Clans of Titans)" Sabi ni BJ.

"Sige sali ako" Sabi ni Nari.

"Boys VS Girls?" Tanong ni Magnus .

"Teka dalawa lang kami? Kayo apat that's unfair" Reklamo ni Nari

"Ok na yan. If you two will win, the Loucast girl can join the team, and if we will win, she can't join our team" Sabi ni BJ.

"Ayaw nyo akong isama?" Tanong ni Nariah

"Only one slot left" Sabi ni Achilles

Isa nalang? Anim lahat nang gamers ah

" Dalawa pa ang kailangan natin ah" Sabi ni BJ.

"Oo nga one team consist of six people" Sabi ko.

"Hindi nyo lang alam..." Sabi ni Thyrone at tiningnan si Nari. Anong hindi namin alam?

"Na ano?" Tanong ni Achilles.

"Just shut up Bro" Sabi ni Nari, at hinampas sya sa balikat.

"Never mind" Sabi Thyrone.

"Log-in na tayo!" Sabi ni Magnus.

Naglog-in na ako sa Account ko at hinanap ang mga username nila.

[Usernames:

BJ- ThunderKing✔
Achilles- Ach_pcy✔
Magnus- Magnus the great✔
Thyrone- Thronisus

Me: Zyaaa✔]

"Anong username mo Nari?" Tanong ko, kaya pinakita niya naman sakin yung Computer nya, nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita ko.

She is... NPhoenix?

NPhoenix was the second in the ranking of this game International, and  One of the best gamer.

So babae pala si Phoenix at hindi lalake? So ganito pala ang hindi namin alam?

"Bat ka nagulat?" Tanong ni BJ. Kaya napailing nalang ako.

"Sa Mount of Hongju tayo ah" Sabi ni Thyrone.

"Sige!" Halos sabay na sabi ni Achilles at Magnus.

Kaya binuksan ko ang map ko at pumunta na sa Mount of Hongju.

My Bodyguard (COMPLETED)Where stories live. Discover now