Chapter 1

1K 14 18
                                    

Chapter 1

"Wahhhh!"

"Thyrone!"

"Wahhh bebeluvs ko!"

"Bat ang gwapo mo baby?"

"Shockss Thyrone anakan mo na ako!"

'Yan ang naririnig kong tili ng mga babae at bakla ngayon dito sa entrance ng building namin.

Anakan? Gosh sobra na ata 'yan, nagmumukha silang desperada sa mga sinasabi nila, and my innocent mind can't take it. Napakunot naman ang noo ko sa iniisip ko. Yeah, I'm judgemental.

May artista bah? Piolo Pascual? Taehyung? Park Seojun? Cha Eunwoo? Sino?

Papasok na sana ako sa loob ng building nang magsitakbuhan ang mga fangirls ng kung sino mang artista, at ako naman itong si tanga nasa sahig na. Kung hindi ba naman parang hulk kung makatulak ang mga fangirls eh 'di sana hindi ako nakaupo sa sahig ngayon.

Inis akong napatayo at pinagpag ang pwetan ko dahil baka may alikabok sa skirt ko. First day of school, napaupo agad sa sahig, kakahiya ka Zyliene!

I'm a transferred student here kaya wala akong kaalam-alam dito, kung sino man ang mga artista na nandito. Wala naman akong paki-alam doon, dahil pag-aaral lang ang aatupagin ko at wala ng iba.

My goal is to have a better life for me and my dad, nothing more, nothing less.

Pinilit kong makapasok ng building at ilang segundo lang ay nakapasok na nga ako sa dami ng mga babae at lalaking nagkakagulo, mabuti at buhay pa ako. Inis kong tiningnan relo ko ng mapansing napatagal ako sa pagpasok sa building.

7:45 am? If I don't run, I will be late!

Dahil do'n ay tumakbo ako sa hallway na para bang late na ako sa klase ko, but I really don't want to be late because it's the first day of class, at lalong lalo na maging special mention. I don't want to give a bad impression for my new teachers here.

Nang makarating ako sa classroom ay sobrang ingay, 'yong iba panay ang cellphone, 'yong iba nagbabasa ng libro, 'yong iba nagpapasahan ng mga papel na bola na akala mong naglalaro lang ng basketball sa gym, at syempre 'yong iba panay ang bulungan sa isa't-isa na para bang ilang taong 'di nagkita.

Hindi ko rin maiwasang mapatingin sa mag jowang naglalandian. Buti na lang at wala pa 'yong adviser namin, inilibot ko ang tingin ko sa mga estudyanteng naritito sa loob ng classroom wala nga talaga akong kilala dito kahit isa.

"Hey!" Tawag sa 'kin ng nasa likod ko at pumunta sa gilid ko.

"Yes?" tanong ko dito.

"A transferred student? by the way I am Nariah Lemaitre, and you are?" tanong niya sa 'kin.

"Zyliene Amethyst," pakilala ko sa sarili ko do'n sa babaeng maganda.

I examined her and she was really a beautiful lady, kung lalaki lang ako ay nanghingi na ako ng number niya ngayon. Mahaba ang buhok nito na naka braids tapos kahit pulbo sa mukha nito ay 'di mo makikita, and that's what you call a natural beauty. Nagmukha tuloy akong dugyot sa tabi niya.

"What a good name," sabi niya sa 'kin at ngumiti. Pwede bang kiligin sa mga ngiti niya?

"Hi, can I asked for your number?" tanong ng isang lalakeng kakalapit lang kay Nariah. Kinuha nya ang cellphone ng lalake at nag type. Nagpasalamat naman ang lalake dahil sa ginawa niya.

"Ibinigay mo agad?" tanong ko sa kanya.

"Hindi 'yon 'yong number ko," sabi ni Nariah at napatawa ng kaunti.

My Bodyguard (COMPLETED)Where stories live. Discover now