Chapter 2

433 14 5
                                    

Chapter 2

"I'm sorry. Pero 'di ko po tatanggapin," sabi ko kaya nagulat naman si papa.

"Ano kaba anak! Kaibigan ko si Mr. Lemaitre, hindi mo ba talaga gusto?" tanong ni papa sa 'kin.

"Pa, kaya ko namang makapagtapos para makaahon tayo eh, hindi 'yong sa ganito," sabi ko kay papa.

"Anak, alam ko naman kaso, matalik kong kaibigan si Mr. Lemaitre," sabi ni papa sa 'kin. Hindi dapat ako magpadalos-dalos sa mga desisyon ko, kailangan ko 'tong pag-isipan.

"Magpahinga na po kayo pa, ako na magluluto ng hapunan mamaya," sabi ko dito at pumunta na ako sa kwarto ko.

Bakit ba big deal kay papa na hindi ako sasali 'don?

***

"Hey! Zy!" Tawag sa 'kin ni Nariah at inakbayan ako. Recess na kasi namin ngayon, at kakalabas ko lang ng classroom para pumunta sa cafeteria.

"Why did you refuse?" tanong niya sa 'kin, alam ko naman na sa pagiging bodyguard ang tinutukoy niya, kaya umiling na lang ako bilang sagot.

"Ok," sabi ni Nariah sa 'kin.

Bigla namang may tumawag sa 'kin, si papa 'yon. Kaya sinagot ko agad ito, baka kasi importante or may kailangan ito sa 'kin.

"Hello pa? May kailangan po kayo?" tanong ko dito.

"Ako ang may kailangan sa inyo!" sabi ng isang pamilyar na boses, kaya bigla akong kinabahan. Agad kong kinuha ang bag ko sa room at tumakbo na sa labas. Sumunod naman sina Nariah sa 'kin, nagtataka kung ano ang nangyayari.

"Bakit anong nangyari?" tanong ni Nariah sa 'kin, pero 'di na ako sumagot dito, ang kailangan ko ngayon ay makauwi ng mabilis.

"Saan kayo pupunta bawal pa lumabas," suway sa 'min ni manong guard. Tiningnan ko naman si Nariah, at mukhang na gets nya naman 'yong sasabihin ko kaya kinausap nya 'yong guard ilang sandali lang ay tumango-tango ang guard.

"Pwede na kayong lumabas!" sabi ng guard at pinagbuksan kami ng gate.

"Teka! Si Thyrone?" tanong ni Nariah napansin ko naman na wala si Thyrone, maya-maya lang ay may lumabas na sasakyan galing parking lot.

"Hop on! Mahirap na kumuha nang taxi dito lalo na pag class hours," sabi ni Thyrone at pinasakay kami ni Nariah sa kotse. Teka alam nya ba bahay namin?

"Teka! Alam mo kung saan ang bahay namin?" tanong ko dito.

"Thyrone knows what he is doing, so buckle up Zy," sabi ni Nariah sa 'kin, kaya tumahimik na lang ako, panay naman ang lingon ko sa cellphone ko.

"Hey girl, where here," sabi ni Nariah kaya lumabas na ako ng sasakyan at pumasok ng bahay.

I knew it! Si Mr. Go. Sya 'yong inutangan ni papa pero, bayad na si papa 'don ah? Iba talaga kapag mga gangster.

"Oh! Andito kana pala, at nagdala kapa nang dalawa mong kasama!" sabi ni Mr. Go, at tumawa pa.

"Lemaitre?" Tanong ng isa sa mga kasama ni Mr. Go. Kilala nila 'tong dalawa?

"Ilan kailangan nyo?" tanong ni Thyrone, seryoso ka?

"Kalahating milyon 'yong kailangan namin sa mag-ama, babayaran nyo?" sabi ni Mr. Go at pilyong napangiti.

"Hindi ba't nabayaran ko na kayo? Pakawalan nyo na si papa!" inis na sabi ko dito, at tiningnan si papa na nakatali 'yong kamay nya at may panyo 'yong bibig nya.

"Kalahating milyon at makukuha mo na ang papa mo," sabi ni Mr. Go, kaya tumingin ako sa dalawa.

"Anong gagawin natin Nari?" tanong ko dito, at kinagat ang pang ibabang labi ko sa kaba.

My Bodyguard (COMPLETED)Where stories live. Discover now