𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 33 𝐓𝐡𝐞 𝐑𝐞𝐚𝐥𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧

1.1K 72 2
                                    

D A R K 'S  P.O.V

"anong gusto mong mangyari ama at ina?" matigas at may diin kong tanong sa kanila. Kinamumuhian ko talaga sila, nagbago na ako simula nong tumuntung ako sa paaralang iyon at nakilala ang babaeng gusto at mamahalin ko ng husto.

Simula pa lang ayoko sa kanya dahil sa nasobrahan sa arte at masungit ngunit deep inside mabait. I learned to trust her, Kahit isa akong big threat sa kanila dahil isa akong masamang Villain, ay nagawa parin niya akong tanggapin. That's why i can't afford to lost them, she's my everything to me.

"Akala mo ba hindi namin alam? Haha wag mo kaming gawing tanga!" Inis na sigaw sa akin ng bruha. Napangisi nalang ako at straight na tumingin sa kanya.

"but you already did" mahina ngunit may halong mapang-asar sa aking tuno. She slapped me. pero di parin nawala ang ngisi sa aking labi,

"stop that. Ito lang ang gusto namin para hayaan ka sa ano man ang gusto mo Dark" tssk. Sanay na ako na hindi nila ako tinatawag na,'anak' kung tatawagin man nila ako nang ganyan siguro ito yung panahon na may kailangan sila sa akin. Hindi ko nga alam kung totoo ba talaga nila akong anak o hindi tsk.

"Spill it out" ngumiti siya ng mala demonyo. I need to do this para makalaya na ako at gawin ang gusto kong gawin na walang sagabal.

"maging Spiya ka sa pamilyang Carter, kung may malaman kang sekreto na ikakagulo nila ay h'wag kang mag dalawang isip na ipagkalat ito para magka sira-sira sila. Lalo na ang anak niyang si Maine, naiintindihan mo?!" I gulped. Malaki ang utang na loob ko kay Maine kaya hindi ko siya magawang siraan. Pero kahit sa kunting panahon at oras ay mas nakilala ko ang Cold King, kung mahal niya talaga ang anak niyang si Maine kahit ano man ang sekreto na ipagkakalat ko ay hindi sila magkasira at magkaroon ng sama ng loob.

Kaya kahit labag sa aking loob ay kailangan ko itong gawin, ano ba magagawa ko? Wala. Hindi ako kagaya nila na kayang gawin ang ano man ang kanilang naisin. Dahil isa lamang akong tao na kahit malayang nakakalabas ay para parin akong binilanggo nang sarili kong mahulang. Ang tanong sila nga ba talaga ang magulang ko?

Bakit parang may mga bagay akong napapansin na hindi nagtutugma, para bang puzzle na nawalan ng pieces, parang libro na sinadyang punitin ang mahalagang parte na pahina. Ni ala-ala ko nong bata pa ay wala ako, ni isang litrato nong sanggol pa ay wala rin. Kailan ko kaya mahahanap ang bou kong pagkatao?, bakit kailangan pa nilang itago sa akin ito, ano ba ang kasalanang ginawa ko kung bakit nila ako ginaganito?.

Umalis narin ako sa lugar na iyon oara maisagawa ang balak. Di nagtagal ay nalaman ko nga, narinig kong nag-uusap si Maine at Andrea. Ilang araw ang nakalipas ay sinabi ko agad sa Cold King, kinabahan pa nga ako kasi akala ko baka ito na ang kataposan ko dahil siniraan ko ang anak niya at naglakas pa ako nang loob para harapin siya kahit isa ako sa kanilang kaaway. Akala ko babaliwalain lang niya at parusahan ako pero iba ang nangyari, at dito sa silid na ito dito ko natuklasan at nalaman ang totoo.

"Hindi ako pwedeng umalis sa katawang ito Hel alam mo 'yan!," napa buntong hininga nalang si Hel, alam kong pilit lang niyang pinapakalma ang sarili dahil narin sa namumuong tensyon. Sino ba naman kasi ang may gawa kung bakit anjan ang lalaking kaluluwa sa katawan ni Maine?. At kahit papa-ano ay nagpapasalamat narin kasi nanatiling buhay si Maine kahit hindi naman niya kaluluwa ito.

"You need to understand the Situation Kian the first" Kumunot noo ko. Pinipilit ko ring huwag tumawa.

"Anong Kian the first?!"nabaling ang atensyon namin sa Cold King dahil bigla nalang siyang tumayo at masamang tinignan si Kian.

"Huwag mo siyang sigawan!!, kung hindi lang katawan ng anak ko iyang gamit mo ay kanina pa kita pinarusahan!" Muling kumunot ang noo ko at biglang tumahimik ang boung paligid. Grabe ang sama ang auro, lumapit naman si Hel kay Cold King tapos Hinawakan sa braso at hinagod ito para pakalmahin. Wait, anong meron sa dalawnng 'to?

"Explain!" Maine i mean Kian the first cross his arms.

"Haist ako ang asawa ng Cold King niyo" napanganga kami. All this time siya pala ang asawa nang Cold King?! So anong meron?! Na hindi talaga gawa sa magic si Maine?!

"Hindi talaga gawa sa magic si Maine, sorry if we lied because we need that to hide Maine" Cold King

"So all this time planado niyo dalawa ang nangyayari kay Maine ngayon?!" Di ko alam kung bakit ganyan nalang umakto si Kian the first, kung sa bagay may karapatan naman siya dahil nadawit siya sa gulo ng dalawa.

"Yes, from the very start. I think ito na ang tamang panahon hon" baling niya naman kay Octavius the Cold King. Napatango nalang ito, nanatili namang tahimik ang magkakapatid dahil siguro hindi pa tuluyang na proseso sa kanilang utak ang nalalaman. They better to ready their selves para sa susunod na magaganap.

"Alam namin na namatay si Maine or should i say ang anak ko, pinagtulong-tulongan ng mga Soul eaters na higopin ang kaluluwa ni Maine. Kaya napag desisyonan naming maghanap ng taong mapagkakatiwalaan para mag alaga sa katawan ni Maine. But it turns out that may nangyaring aksidente, actually wala iyon sa plano. I was on may place when nanonood ako sa mga kalagayan ng mortal para alamin kung sino ang susunod na mamamatay. Tulala ako non dahil nag-iisip ako ng pwedeng gawin para manatiling fresh ang katawan ni Maine, until hindi ko namalayan na may nagawa akong aksidente doon. Imbis na iba ang namatay si Kian The first ang namatay kahit hindi pa niya oras. And good thing namatay siya ng Virgin" di ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa last word na sinabi ni Hel, ngunit sa sinabi niyang,'aksidente' syempre malaki ang kasalanan ni Hel doon.

"parang ikaw din ang pumatay sa akin, and please crop that,'Kian The first'" naiinis na komento nito. Napa-iling nalang si Hel.

"Dahil i was too careless, malaki ang maging kasalanan ko sa nakakataas kaya ginawa ko ang tama. Para panatiliing buhay si Maine at Kian the first, pinasanib ko ang kaluluwa niya sa katawan ni Maine!" Tila proud pa nitong sabi

"nakaka bilib ako noh? Na solusyonan ko agad ang aking problema, pero syempre alam iyon ni Octavius" Hel, napa poker face nalang si Kian

"nakaka bilib na yon? Oo, alam kong tamad ako at walang paki pero may pamilya akong iniwan doon. And please lang Hel crop that Kian The First!"

"Trip ko lang asarin ang husband ng anak ko!" Pinamulahan naman ng pisnge si Kian. ngayon alam ko na kung bakit bigla nalang sumulpot si Ahri, kasi anak ito ni Kian at Maine. Napangiti nalang ako. Worth it din pala ang pag-iisang katawan nila haha.

Nawala naman ang ngiti ko ng bigla nalang lumindol at may narinig kaming pasabog at sigawan ng mga tao sa labas. Kumilos naman bigla ang Hari

"Mga anak pumunta na kayo sa paaralan lahat kayo!, except sa 'yo Kian maiwan ka dito. Tulungan niyo lahat ng nasasakopan. Ahri apo you better help them too" napatango si Ahri at nauna ng naglakad pa-alis pero agad din namang bumalik para yakapin ang ama niya.

"Mamimiss kita daddy" malungkot na sabi ni Ahri habang yakap ang ama. Ganon rin ang naramdaman ni Kian, kaya nag silabasan na kaming lahat.

"kung ano man ang magaganap sa pag-uuusap nila ay sana maayos na" malungkot na bulong ni Kian the Second pero rinig ko. Sana nga...

I Transmigrated as the Daughter of a Cold KingWhere stories live. Discover now