𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 15: 𝐒𝐥𝐞𝐞𝐩𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐞𝐚𝐮𝐭𝐲

2.4K 134 0
                                    

(𝐚/𝐧: 𝐬𝐞𝐞 𝐬𝐥𝐞𝐞𝐩𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐲 𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐚 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐌𝐮𝐥𝐭𝐢𝐦𝐞𝐝𝐢𝐚, 𝐩𝐡𝐨𝐭𝐨 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐭 𝐦𝐢𝐧𝐞 𝐢𝐭 𝐜𝐚𝐦𝐞 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐞𝐬𝐭)

M A I N E

Mabuti nalang at nagising daw sina ama at kuya dahil sa naramdamang malakas na enerhiya na mula sa akin. Inilapag si Andrea sa mahabang sofa. Mahimbing siyang natutulog, ngunit kahit ano man ang gawin kong paggising sa kanya ay hindi parin uubra.

"Napano yan?," nag alalang tanong ni Kuya Kian sa akin, halata naman kasi na may gusto siya kay Andrea. Kenuwento ko lahat sa kanila ang nangyari, nagising rin ang mga kapatid kong babae. Tahimik lang ako nakatingin kay Andrea, hanggang sa may nakita akong itim na usok na umiikot sa boung katawan niya.

Hindi rin nagsasalita si Ama, mukhang hindi siya sanay lalo nat madami kaming andito. Ipapaubaya na niya ito sa akin, at nababasa ko sa mga mata nito na kaya ko ng e handle ito. Tumango nalang ako bilang tugon, mabilis na nakakilos si Valir upang tawagin ang mga magulang ni Andrea. Habang si Kian naman ay hindi alam kung ano ang dapat gawin.

Alam kong napansin din ni ama ang kakaibang itim na usok, ngunit hindi na siya nag abala pang sabihin ito sa kanila. Habang wala pa ang mga healers at ang parents ni Andrea. I used my vision para makita kong ano ang kakaiba sa katawan niya.

May nakita akong pulang butas sa gitna ng dibdib niya. Tinanggal ko naman ang butones para makita kong ano ito, napahinto naman ako ng may mapansin na kakaiba sa gilid ko. I saw kuya Kian with his jelousy eyes. Napa irap nalang ako, wala kami sa tamang oras para sa ganyan-ganyan. Ng tuluyan ko na ito mabuksan, ay nakita ko ang kulay purple na bra ni Andrea. Uminit naman ang pisnge ko, seriously? Yon pa talaga ang unang napansin ko.

Tinakpan naman iyon ni Kian at sinamaan ako ng tingin.

"diba may sakit ka?, ako na!" I chuckled at hinayaan lang siya. Muli niya itong binuksan ngunit dahan-dahan, kita ko pa ang ilang ulit na pag lunok nito. Kaya napatampal ako sa noo ko.

"Kuya kung ganyan man lang ka bagal e aabotin tayo ng bukas niyan!" Kinuha ko ang kamay ni Kian at pina-alis siya. Kita ko pa ang pagpadyak ng paa nito, at mahaba niyang nguso.

Muli ko itong binuksan. At tumambad sa akin ang butas. May butas sa gitna ng dibdib niya, hindi ko naman matukoy kung gaano ito kalalim. Ang butas nito ay kasing laki lang ng ballpen. Muli ko itong tinakpan, at tinignan si Kian na may halong pangamba.

"A-ano ang nakita mo?,sabihin mo!!" Hinawakan niya ako sa braso at niyuyugyug. Sakto naman ang pagdating ng pamilya niya at ang mga mataas na ranggo na healers. umalis ako sa pagkakaupo sa sofa para matignan na ito ng babaeng healers, buti naman dahil kung hindi baka makapatay na ngayon si Kian.

Gaya ng nangyari kanina ay nagulat rin ang mga healers/support dahil sa kanilang nakita.

"A-anong meron?, ano ang nakita niyo?" at first kenuwento ko sa kanila kung ano mona ang nangyari, tungkol sa naganap sa rooftop. Lahat sila ay hindi makapaniwala, ako rin naman. Nagtataka parin ako kung anong ginagawa ni Andrea sa oras na iyon, kung bakit hawak siya ng lalaking yon.

At ano rin ang dahilan ng lalaking iyon kung bakit niya ginawa ito kay Andrea, may kasalanan ba si Andrea sa kanya?

Hindi alam ng Ina at ama ni Andrea ang gagawin, masyado silang lutang at hindi pa na proseso sa kanilang utak ang nangyari. Rinig ko naman ang hikbi ng ina niya.

"Muntik na siyang mamatay noon hon, we can't let our daughter die again. Do something, please!" Pagmamakaawa ng reyna sa kanyang asawa. Pati ako napaiyak narin ngunit pinipigilan ko.

"Natutulog lang siya" ako, nagliwanag naman ang mukha ng reyna, at tsaka nagmamadaling lumapit sa akin.

"kung ganon! Gigisingin na natin siya!" Ako ang nasasaktan sa inakto ng reyna, sino ba naman ang hindi?. Ako nga namatay hindi ko man lang nakasama ang pamilya ko, na miss ko na sila. Kamusta na kaya sila ngayon?.

"tulog nga si Princess Andrea, ngunit hindi na siya magigising" nawala ang magandang liwanag sa mukha ng reyna, napalitan naman ito ng paghihinagpis, lungkot. Ngunit bigla nalang ito nawala at napalitan ng galit. Kita ko rin kung paano naiyukom ng ama ni Andrea ang kanyang kamao.

"Anong bagay ang tumusok sa kanya?" Ako na ang nagtanong, pinabayaan ko mona ang dalawa. Baka bigla nalang silang sumabog sa galit. I'm not a doctor, pero may kapangyarihan ako kagaya ng mga healers. Ang kaso nga lang hindi ko alam kung paano gamitin.

"Sa ngayon ay hindi pa namin matukoy, pero ang Prinsesa ay mananatiling tulog habang buhay." Dahil sa sinabi niya ay sumabog na nga sa galit ang dalawa, dinagdagan pa ni Kian.

"I will not let you make my kingdom a battle arena." Matigas at malamig na sabi ng aking ama, dahilan kung bakit sila ay napahinto sa takot. Tumahimik nalang sila at pinipigilan ang sarili.

"pero may nakita akong kakaiba" napunta sa akin ang atensyon nila, kaya napa lunok ako at binaling sa ibang direction ang tingin.

"may itim na usok ang umiikot sa boung katawan niya" i heard them said, 'dark force'. Kaya napayakap ako sa sarili ko. Si Valir naman ay parang baklang kumapit sa akin, na nangingig dahil sa takot. Isa na talaga itong si Valir, baka mapagkakamalan ko na talaga itong bakla.

sino ba naman ang hindi matatakot?, this room filled by dark aura na galing kay Kian, Sa hari, at Reyna. Dagdagan pa ng aking ama. Sino ba naman ang hindi matakot?

"bago tayo sumugod hehe, kailangan mona nating tukuyin kung anong bagay ang tinusok sa dibdib ni Andrea. Para may clue tayo sa lunas nito." Umayos na si Kian,

''sasama ako sayo sa paghahanap ng clue, Maine" malamig na sabi niya, kaya ngitian ko lang siya at tumango. Kinuha ng mga healers ang katawan ni Andrea para ilipat sa silid. Dito narin nila naisipang ipahinga ang katawan ni Andrea, dahil mas safe ito rito. Dahil bukod sa walang makakapasok at bantay sarado ito, ay nakakatakot rin daw ang cold king. Since ginamit ng kalabang iyon ang rooftop para makatakas sa mga bantay.

Dumagdag narin si Ama ng mga Witch na kaanib namin, para magbantay sa itaas. Since lumilipad naman ang witch dahil sa walis. At sa silid naman ni Andrea ay may nakabantay na Stone guard. Mukha silang bato pero kapag lumapit ka ng hindi ka nilala kilala ay gagalaw sila.

Andito ako ngayon sa loob ng kwarto ni Andrea, madaming nakapalibot na mga bulaklak at may paru-paru rin. Diwata, kung wala lang ako sa mundong ito. Baka napagkamalan ko na iyang totoong diwata.

I Transmigrated as the Daughter of a Cold KingWhere stories live. Discover now