𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 18: 𝐀𝐰𝐚𝐤𝐞𝐧

1.8K 111 0
                                    

K I A N

Hindi na ako makapaghintay. Mabilis kaming nakauwi sa palasyo, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Basta ang bilis ng tibok ng puso ko, para akong tumakbo ng ilang kilometro.

Kasama ko parin ang kapatid kong si Maine, sa totoo lang nagseselos talaga ako kapag sobrang close nila ni Andrea. Kaso pinipigilan ko lang kasi wala naman akong dapat ikaselos. Babae naman sila parehas, at  magkaibigan lang naman sila. Kaya dapat hindi ako nagseselos, at isa pa wala naman akong karapatan e. Sino ba naman ako sa buhay ni Andrea.

Nakapasok na kami sa tagong kwarto na pinaglalagyan namin kay Andrea, agad bumukas ang pinto at nauna akong pumasok. Tinitigan ko lang siya. Ang ganda niya, at napaka anghel tignan ng itsura niya. Lumakas naman ang tibok ng puso ko.

Tinignan lang ako ni Maine na nakangiti ng matamis.

"kiss her" utos niya. Nagulat pa ako sa sinabi niya. Paano kung hindi ako ang true love niya?, paano kung hindi tatalab?. Matatanggap kaya ng puso ko kung hindi ako ang true love niya?, sa tingin ko hindi. Sana nga ako. Natatakot parin ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hahalikan ko ba siya?, baka hindi na siya magigising.

"i'm scared lil sis, paano kung hindi ako?" Nangingnig ako sa takot, nakakabakla man ang ganitong reaction, at action. Pero may magagawa ba ako, kung ganito talaga ang nararamdaman at sinisigaw ng puso ko.

Nag simula na akong maging mais.

"Don't be scared kuya, trust yourself. Halikan mo siya ng boung puso, isigaw mo ang lahat ng sinisigaw ng puso mo sa pamamagitan ng halik. Baka may maramdaman kang kakaiba, may tiwala ako sayo." Ngitian ko lang siya tapos niyakap. I'm happy, at ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng kapatid gaya niya. Kahit siya lang ang tinggap ng aming ama, tinuturing niya parin kaming parang tunay na kapatid. Kahit magkaiba mga ina namin.

Humiwalay na ako sa kanya at lumapit kay Andrea. I sit beside her. Hinawi ko ang hibla ng buhok niya at inipit sa likod ng tenga niya. Hinaplos ko ang kanyang pisnge. First time kitang nahawakan at tinignan ng ganito kalapit, sana naman magtuloy-tuloy na.

Inilapit ko ang mukha sa kanya. Kaunti nalang maglalapat na ang labi naming dalawa. Mahal sana magising kana, miss na kitang titigan kahit nasa malayo ka.

Pumikit ako at dinama ang bawat sandali, unti-unting bumabalik ang ala-ala naming dalawa. Simula nong bata pa kami na masayang naglalaro kasama ang matalik niyang kaibigan na si Sylene.

Palaging kaming magkasamang dalawa noon, pero nong lumaki na kami ay hindi na nangyari ang lahat ng iyon. Madalas nalang kaming nagpapansinan, sana bumalik tayo sa dati. Na para tayong kambal na mahirap paghiwalayin, sana maalala mo pa ang childhood mermories natin Andrea. Mahal na mahal kita, matagal na. Please, gumising kana.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Lumayo na ako sa kanya at tumayo. tumalikod mona ako para punasan ang mga luha ko. Tinignan ko si Maine na nakatingin lang din sa akin na nakangiti. Nabaling ang atensyon namin kay Andrea. Sobrang kaba ko na, hindi parin siya gumagalaw.

Dahil sa sobrang kaba ay nakalimutan ko ng huminga. Maya-maya pa ay napansin kong gumagalaw na ang kanyang mata, kaya lumiwanag ang mukha ko. Sobrang saya ko, ako ang true love niya. Unti-unti na siyang gumalaw at umayos na ng upo. Tinignan niya kaming dalawa, tapos nagliwanag ang mukha.

"Kian!!" Umiiyak na siya ngayon, lalapit na sana ako ng tumayo siya. Akala ko sa akin siya lalapit, ngunit kay Maine siya lumapit at niyakap pa ito. Bakit niya tinawag na Kian si Maine?, ako si Kian. Napakagat nalang ako sa pang ibabang labi ko.

"sabi ko na nga ba ililigtas mo ako e" ngumiti nalang ako ng mapait, si Maine lang ang pinasalamatan niya. Pero okay lang, kung hindi naman kasi dahil sa kanya ay hindi ko ito matatagumpayan lahat.

nakatingin sa akin si Maine, and mouthed kung sasabihin ba niya yung ginawa ko. Umiling naman ako.

'keep it a secret please' pagmamakaawa ko kay Maine gamit ang isip. Tumango naman siya.

"alam naming kakagising mo palang Andrea, pero ano ba talaga ang nangyari?" Nagbago na ang atmosphere.

I Transmigrated as the Daughter of a Cold KingWhere stories live. Discover now