𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 16: 𝐁𝐮𝐫𝐧𝐭 𝐑𝐨𝐬𝐞

2.4K 130 2
                                    

(𝐀/𝐧: 𝐁𝐮𝐫𝐧𝐭 𝐫𝐨𝐬𝐞 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐦𝐮𝐥𝐭𝐢𝐦𝐞𝐝𝐢𝐚, 𝐩𝐡𝐨𝐭𝐨 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐭 𝐦𝐢𝐧𝐞. 𝐈𝐭 𝐜𝐚𝐦𝐞 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐞𝐬𝐭)

M A I N E

Hindi pa man sumisikat ang araw ay ginising na ako ni Kian. Gusto ko rin naman madaliin ito para mahanap na agad ang traitor. Impossible naman kasing makapasok ang mga dark force e may protection naman ang bawat kaharian, bayan, lalo na ang paaralan. Ibig sabihin lang doon ay may taydor, kung hindi ako magkamali baka nga may alam si Andrea tungkol sa kung sino man ang traydor. Kaya pinatulog nila si Andrea, yung tipong pang habang buhay na.

Dahil nasa Magical world kami, everything is possible. Hahanapin namin kung anong bagay ang sinaksak nila kay Andrea, by hook or by crook. Wala na kaming pakialam basta desidido na kaming lahat.

Hindi namin pina-alam sa lahat ang nangyari kay Andrea, tanging kami lang. Kailangan namin itong itago for privacy, at para narin hindi malaman ng traydor na kumikilos na kami. Ang Ina at ama ni Andrea, ay umakto na parang walang nangyari. At sa gabing iyon, nagplano na kami kung ano ang dapat gawin.

Pinagsama ng mag-asawa ang kanilang kapangyarihan para makagawa ng clone ni Andrea. Para ito ang papasok sa skwelahan, at upang hindi magtaka ang mga studyante. Syempre hindi pangkaraniwang Clone na iyon, dahil ang clone na ito ay may sariling pag-iisip, lakas, at lahat ng ala-ala ni Andrea.

Ang una naming ginawa ni Kian ay ang pumunta sa library, since sarado ito. Gumamit kami ng kapamgyarihan namin para makapasok. Mapasulok man at kung saan-saan ay wala kaming libro na hindi binasa. May father has all of authority, kaya pinasara mona niya ang Library para hindi kami madisturbo.

Gumawa rin kami ng sarili naming clone, para hindi kami mabisto na gumagawa na kami ng action. All of them act like nothing happened. Mabuti nalang at magaling umarte ang mga kapatid kong babae, si Valir naman ay hindi na sumama. Kailangan niyang sundan ang mga clone namin, at bantayan ng hindi nahahalata ng kalaban.

Kay gandang plano diba?, ganyan kaganda ang plano kapag sumanib ang matatalino at malalakas. Ang iba naman naming kaklase ay walang kaalam-alam tungkol rito. Lalong-lalo na si Storm, hindi na namin pina-alam sa kanya kasi alam naming madami siyang ginagawa. Halimbawa na roon ang misyon.

para mas mapadali nng trabaho namin ni Kian ay gumawa nalang kami ng clone, ang ibang libro ay pinapalutang ko. gamit ang mahika, lumilipat sa susunod na page ang bawat libro kapag natapos ko na itong basahin. Patuloy parin ako sa pagbabasa habang may pagkain sa bibig ko. Kailangan rin naming kumain noh.

Hindi namin tukoy kung ilang oras na kaming nandidito, basta napansin ko nalang na halos lahat ng libro ay nasa sahig na nagkalat at nakaumbok. Pabagsak namang umupo sa mga libro si Kian, napaka hagard niya at halatang frustrated. Napabuntong hininga nalang ako at tinignan ang bawat shelves. May maliit na libro akong nakita sa pinaka-taas, mukhang iyon na ata ang panghuli.

Gamit ang hangin ay pinalutang ko ang maliit na librong iyon na kasing laki lang ng pocket notebook. Hinawakan ko ito, kulay itim na may halong pula. Binuksan ko ito.

'Burnt Rose Of Beast''

naramdaman ko ang palapit na si Kian at tumabi sa akin. Gaya ko ay binasa rin niya ito. Tumaas ang kanang kilay niya. Umiling nalang ako at binaling ang tingin sa libro.

Kung ganon kwento ito ni Beauty and the Beast. Totoo pala sila?, kung sa bagay.

"Ang librong ito ay ang magsisilbing liham para sa Haring si Octavius, at ang iba pang kaharian. Sinulat ko ang librong ito para malaman na nawawala ang matagal ko ng binabantayan na pulang rosas." Nilipat ko ito sa next na pahina, bakit wala ito sa kamay ng ama ko?

"Ito ang kwento ko. Matagal na panahon ko ng hinihintay ang totoong magmamahal sa akin para mawala itong sumpa. Ngunit sa kasmaang palad, walang nangyari. Naubos na ang lahat ng petals ng aking binabantayang bulaklak. Kaya unti-unti narin akong nawawalan ng pag-asa. Sa di inaasahan, nag-iba ang anyo ng bulaklak. Naging kulay itim ito na may halong pula. Hindi ko alam kung ano ang nangyari ngunit para itong nasunog. Kaya tinawag ko itong 'Burnt Rose'." muli ko itong nilipat.

"Tunay nga na nasunog ito, dahil nong tinangka ko itong hawakan ay nakakapaso ito. May tumubo rin na tinik sa tangkay nito, at sobrang talim rin ng dulo nito. Ninakaw ito mula sa akin, kaya nakikiusap ako. Tulungan niyo akong hanapin ito" yon na ang katapusan.

Nagkatitigan kami ni Kian, hindi namin alam ang gagawin.

"kailangan ba nating hanapin ito?"

"Kung may koneksyon ito kay Andrea, 'oo' ang sagot ko." Kian, ngumisi nalang ako. Hes right. Binalik na namin sa dati ang ayos ng mga libro. Nag teleport narin kami papunta sa kwarto ko.

Burnt Rose of Beast

dala ko parin ang librong iyon. At sa katapusan ay may isang pahina pa, kaya binuksan ko ito. Ito ang wangis ng Burnt rose. Tinignan ko ang tangkay na ito at examine it. Naalala ko ang butas sa dibdib ni Andrea, mukhang tugma nga lahat.

"i think alam ko na" tumango si kian.

''We need to find beast"

I Transmigrated as the Daughter of a Cold KingWhere stories live. Discover now