𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 28: 𝐀𝐬𝐭𝐫𝐚𝐥 𝐋𝐲𝐧𝐱

1.3K 75 1
                                    

𝐌 𝐀 𝐈 𝐍 𝐄

Pabagsak akong umupo sa damohan, kakatapos ko lang ng mission ko. Buti nalang mabilis akong natapos, ginamit ko kasi clone ko kahit sinabi niyang,'bawal gumamit ng magic'.

Wala akong paki kung mission failed ang kinalalabasan nito bast mawasak ko lang ang Box na iyon.i smiled and laugh like an evil now. Akala ba niya mauuto niya ako? Never!

tumayo na ako at pinagpagan ang sarili.  Hindi pa man ako nakakalakad ng biglang gumalaw ang lupa, parang earthquake. Uso din pala ganyan dito?, as if namang sumusunod ako sa earthquake drill noon.

Gamit ang hangin, pinalitaw ko ang sarili at lumipad paitaas. aalis na sana ako para umuwi ng may narinig akong isang malakas na,'roar'. tiger?napabuntong hininga nalang ako. Kita ko sa mata ng mga studyante ang takot, i used appraisal

Scanning complete...

Magical High Student status, Very low Hp, Rank D, Beginner, Freshman student.

That weak?

I wonder kung bakit ang tapang nila ngayon, hinarap talaga nila ang isang...

Scanning Complete...

Astral Lynx

Large Monstrosity, chaotic neutral.
Rank/Class S

That strong?, kung ganon kahit gaano pa kadami ang Freshman student ay wala paring epekto. Tinignan ko ang Tigre na ito. yes, pwede ko siyang tawaging tiger kasi tiger naman talaga siya, i mean,tiger yena.

Kaso nga lang ang kulay niya ay parang galaxy. Ano kaya pakay niya dito?or baka may isang studyante na mission niya ito, so i better get going kaya na nila iyan.

Umalis akong nakapamulsa.huminto ako bigla. Naalala ko, wala nga palang bulsa si Maine. I shrugged my shoulder.

Nakita ko si Ahri na palinga linga kaya bumaba ako upang maka apak sa lupa.
Lumingon naman sa akin si Ahri at mabilis inilabas ang kanyang Death kiss Dagger. Napalunok ako.

"ho-hoy Ahri ama mo ako, ibaba mo iyan!" Tangina hindi man lang niya ako pinakingan, nakakasakit ng damdamin,  iyak.

"Lumabas ka!" Sigaw ni Ahri sa akin na ikakunot ko.

''sino kausap mo?" Di siya sumagot, nanatiling nakatitig siya sa akin and smirk. Huh? Hindi kaya sinapian itong si Ahri?, o dikaya hindi siya si Ahri! Nagpapanggap lang siya?!.

Umihip ng sobrang lamig ang hangin at mas bumigat abg tensyon sa pagitan naming dalawa. Ahri, what happened?

Bigla ko nalang naramdaman na may balahibo sa paa ko, kaya tinignan ko ito. Kumunot ang noo ko. Ito yung tigre kanina, kung kanina lang ay nakakatakot ito, ngayon naman ay nagmumukha itong pusa na naglalambing sa kanyang amo.

binaba na ni Ahri ang kanyang armas.

"Masyado ka ng manhid at walang paki sa paligid mo ama, kaya  pati pagsunod sayo ng A.L ay hindi mo naramdaman." Napakamot nalang ako sa batok, lumuhod ako sa damo para maka level ang A.L. umupo din siya. Hinawakan ko ang balahibo niya. Ang lambot at madulas.

"Alam ko rin papa na alam mong sinusundan ka niya pero hindi mo pinansin kasi alam mong hindi siya big threat." Napatango ako, Ahri is really good at observing but weak when it comes to explaining. She's still a kid after all.

Muli akong tumayo.

"Ahri ikaw mona bahala sa tigreng ito, papangalanan mo ahh"  lumapit ako kay Ahri at ginulo ang buhok niya. Ngumiti  lang siya at tumango.

"Arigato!(thanks)" sabi niya at lumapit na sa A.L. Muli akong lumipad. May kailangan pa akong gawin. Pag apak ko palang sa main door papasok sa palasyo ay may naramdaman na agad akong pamilyar na presinsya. Hala ano ang ginagawa niya rito? At paano siya nakabalik?

Pinagbuksan ako ng kawal at tinungo ang Silid kung saan kami nag memeeting nina ama. Tulad kanina ay binuksan rin ito ng kawal. Tahimik akong pumasok at hinarap si...

si...

"Storm?" Nakangiti siyang tumitig sa akin tapos patakbong lumapit tsaka ako niyakap. Ano ang ginagawa niya rito?, nasaan si Sylene? Humiwalay siya sa akin tapos ngitian ako na may halong lungkot. Hindi kaya broken to? HAHA

"hihingi ako ng tulong, hindi ko kasi mabantayan ng maiigi asawa kong si Sylene dahil nagtratrabaho ako. May pumupunta parin doon na galing dito para kunin si Sylene sa akin kahit alam nilang mortal nalang ito." nanginginig ang kamay niya. Umupo siya sa kalapit na upuan at yumuko. Kung ganon parang sinasanay na ni Storm ang sarili niya na mamuhay ng normal sa mundo ng mga tao.

"Asan siya ngayon?'' Lumunok mona ito bago sumagot.

"andon sa mga kaibigan niya, alam kong maging ligtas siya kasama kaibigan niyang normal."

"Sino ba ang gusto kumuha sa kanya?" Tinignan niya ako na nakakunot ang kamao.

"Bukod sa dark force may iba pa tayong kaaway, and the prince ay may gusto kay Sylene simula palang nong mga bata pa kami." Kung ganon childhood friend din nila ito?

"lumayo siya sa amin simula nong namatay si Sylene at ako ang sinisisi, kaya nong nalaman niyang buhay si Sylene ay kukunin niya ito sa akin kahit ano man ang mangyari." napatango ako, tahimik lang na nakikinig ang aking ama.

"hindi mo ba mona dadalawin ang iyong inang reyna at amang hari?"

"kanina ko pa sila dinalaw at sinagot lahat ng katanongan nila. Alam narin ng totoong pamilya ni Sylene na buhay pa siya" bago ako makapagsalita ay biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Ahri kasama ang A.L

"apo!" Para namang bata ang cold king ng makita si Ahri, patakbo itong lumapit, lumuhod at niyakap si Ahri.

"Woah first time yan ah!"

"Andito ka pala Valir?" Yeah hes right, first time  lumuhod  ang hari at si Ahri lang ang may kayang gawin yon. 

Ngumuso si Valir.

"kanina pa kaya ako andito'' kunyaring nagtatampo nitong sabi, kaya napairap ako.

"You need help?" Ahri at tinuro si Storm, kumunot ang noo ni Storm. Hindi niya kilala si Ahri e, tumayo na ang hari at nag fake caugh. Siguro dahil hindi siya pinansin ni Ahri, hahaha kawawang hari.

"My name is Ahri the daughter of Maine Carter" napatanga si Storm, i know marami na siyang katanongan sa isip niya.

"ibibigay kona si Phoebe sayo isa siyang Astral Lynx, siya magiging bantay ni Ate Sylene" naging pangkaraniwang pusa naman ang Astral Lynx, kung ganon may ability ding Shapeshifter itong Astral.

"Nope papa, Astral Lynx ay walang Ability na shape shifting, it's depends kung bibigyan siya ng amo niya" now i get it. Binigyan ni Ahri ng ability si Phoebe. Kailan pa? Bakit niya alam?

tinanggap naman ito ni Storm at ngumiti.

"Ipapakilala korin sa iyo ang magiging kaibigan mo" nagliwanag ang mukha ni Ahri, mukhang alam na niya kung ano ang ipinahiwatig ni Storm.

May anak na siya? O.O

(𝐀$/𝐧: 𝐡𝐞𝐲 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫𝐬 𝐬𝐨𝐫𝐫𝐲 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐭𝐞 𝐮𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞)

I Transmigrated as the Daughter of a Cold KingWhere stories live. Discover now