𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 36 𝐅𝐥𝐚𝐬𝐡𝐁𝐚𝐜𝐤

1.1K 63 2
                                    

ℌ𝔦𝔰𝔱𝔬𝔯𝔶


~Ang Dahilan at Sanhi; The Evil Witch Dark Past

Third Person's P.O.V

Isang mabuting witch, mabait, matulungin, at ang tingin ng lahat ay isa siyang anghel dahil sa angkin nitong kabaitan, at may napaka inosenteng mukha. Siya ay si Mary Though, isang dalagang laging may matamis na ngiti sa labi. May isa siyang kaibigan na pinagkakatiwalaan, si Maria Nihanna. Minsan mapagkakamalan silang kambal dahil hirap silang paghiwalayin, parehas ng habbit at parehas din ng tipo pagdating sa lalaki.

Masaya silang nagtatawanan hanggang sa nagka-aminan sila sa kung sino ang lalaking napupusuan nila. Sabi ni Mary mahal niya si Rathro isang dark force at matagal na siyang nililigawan nito. Inamin rin ni Maria na si Lance ang gusto niya na taglay ang kapangyarihan ng ice, ang kaso hindi siya sigurado kung napapansin ba ni Lance na may gusto si Maria sa kanya.

Nag dadalawang isip pa si Maria sa nararamdaman niya, kasi sa puso niya si Rathro talaga ang gusto niya ngunit di niya ito sinabi kay Mary dahil baka ito pa ang maging sanhi ng pag-aaway nila at ayaw rin niyang masira ang pagkakaibigan nila. Kaya sinantabi nalang niya ang kanyang nararamdaman para kay Rathro para lang makitang maging masaya at malawak na ngiti ang palagi niyang masisilayan sa mukha ng kanyang kaibigan na si Mary.

Ngunit isang masamang balita na naging dahilan kung bakit nawalan na ng tiwala sa isat-isa ang dalawa. Inasunsyo ng mga magulang ni Maria at Rathro na ikakasal na silang dalawa. Nasaktan ng labis si Mary, and Maria tried to keep calm para makapag explain ng maayos kay Mary ngunit iba ang nangyari. Mary burst in anger, at walang ibang ginawa si Maria kundi umiyak at humingi ng tawad kahit sinasaktan na siya ni Mary.

"Kung importante talaga sayo ang pagkakaibigan natin!! Do something para matigil ang kasal!!. You know how much i love Rathro, Maria!! At saksi ka sa lahat ng nangyari!!" Dahil sa matinding galit at pagkadismaya di na mapigilan ni Mary na sigawan si Maria. Sinunud naman ni Maria ang gusto ni Mary sapagkat mas importante parin sa kanya si Mary kesa sa sarili niyang kaligayahan. Nakiusap siya at lumuhod pa sa harap ng kangyang mga magulang ngunit bou na talaga ang desisyon ng mga ito. Pinuntahan niya si Rathro para maki-usap na tulungan siya para matigil ang planong kasal, ngunit wala ring nagawa si Rathro. Inamin ni Rathro na agree siya sa kasal dahil sa totoo lang si Maria naman talaga ang gusto at mahal niya, napilitan lang siyang lumapit kay Mary para lang mapalapit kay Maria.

Nabigla si Maria at aamin na sana ng biglang lumabas si Mary na puno ng galit, regret at pagkamuhi. Tinignan niya ng masama si Maria, pumagitna naman sa kanila si Rathro. Walang ibang nagawa si Mary kundi binitawan ang mga salitang pinagbabawal.

"I Mary Though grant my wish. Isinusumpa ko ang dalawang ito na sa  oras na magkaroon sila ng anak ay kasabay ng paglabas nito ay kasabay ring pagbou ng itim na sumpa!!. Kaya sinusumpa ko! Gawin mo ang nais ko, kapalit ng buhay at kaluluwa ko!" Isang itim na mahika na parang usok ang unti-unting lumabas sa kamay ni Mary at pumasok ito sa katawan ni Rathro at dumaloy patungo kay Maria dahil sa magkahawak kamay ang mga ito. Biglang nawalan ng malay si Maria, habang si Mary naman ay nag-iba na. Naging itim ang kasoutan at itim na make-up, tumatawa ito ng malademonyo ngunit agad ring nilamon ng itim na usok at bigla siyang nawala.

lumipas ang ilang Buwan, gaya nga ng sinabi ni Mary ay nagkaroon ng anak sina Rathro at Maria ngunit may dala itong sumpa. Pinangalanan nila itong Storm, lumalaki si Storm na naghihirap. Wala mang sino mang makakahawak sa kanya, sapagkat kapalit ng paghawak ay ang buhay ni Storm.  Nabigo si Rathro, nahawakan niya ang kanyang anak dahil hindi na niya mapigilan. Anak niya ito ngunit pinag-kaitan naman siya ng karapatang hawakan o dikaya yakapin man lang ang kanyang anak, ngunit 5 sec lang ito dahil nagsimula ng mamilit sa sakit ang anak. Ang akala nilang lahat ay patay na si Mary ngunit hindi. Nilason niya ang isipan ni Lance na nagkaroon din ng pagtingin kay Maria, kaya habang natutulog sa kanyang silid si Maria ay biglang pumasok si Lance at nag-anyong si Rathro. Nagtagumpay ito kaya malaya niyang hinahalikan at hinahawakan ang kahit sa anong parte ng katawan ni Maria, at hinahayaan lang siya ni Maria dahil sa pag-aakala nito ay si Rathro nga ito.

Inakit naman ni Mary si Rathro sa paraan din sa anyo ni Maria, dinala niya si Rathro sa lugar niya. Doon sila nagtalik at nilason niya si Rathro para makontrol niya ito. Pinalabas niyang patay na si Rathro sa paraan ng pagpatay ng isang kawal at ginawang kamukha ni Rathro. Labis ang lungkot ni Storm, naging rebel siya at naging malamig. Palagi niyang tinataboy ang mga taong lalapit sa kanya.

Na buntis si Maria at si Lance ang ama. Dahil sa pag-aakalang patay na si Rathro ay nagpakasal ang dalawa. Nagsilang si Maria at si Lino iyon.

Naging masaya rin ang buhay ni Mary kasama si Rathro dahil nagkaroon sila ng anak na si Cherry. Ang akala ni Mary ay matatahimik na siya ngunit hindi. Dahil tuwing gabi nakakapanaginip si Rathro ng kung ano-ano at palagi nalang nitong binabanggit si Maria at si Storm. Muling sumiklab ang galit ni Mary at muling maghiganti sa paraan ng pag-gamit sa sarili niyang anak na si Cherry. She sent Cherry para mapalapit kay Storm at paibigin ito. Nagtagumpay ang kanyang plano ngunit hindi niya alam na labis na nakokonsensya ang anak niyang si Cherry dahil narinig niya ang pinaplano ng kanyang ina.

Mahal ni Cherry si Storm kaya gumawa siya ng paraan para mailigtas lang si Storm. Sinaktan niya si Storm sa paraan ng paghanap ng lalaki at inamin mismo sa harap ni Storm na nobyo niya ito. Nagalit si Mary dahil hindi ito ang nais niya kaya inisip nalang niyang madaliin ang binabalak bago pa masira ni Cherry ang kanyang plano. Nagpakita siya kay Storm at hinagisan ng itim na usok na karugtung sa sumpa na nilagay niya kay Storm. Imbis na si Storm ang matamaan ay si Cherry ito. Umiiyak si Cherry lalo na si Storm. Tahimik lang ang Evil Witch at mas lalong nadagdagan ang kanyang galit. Ilang buwan siyang nalungkot sa pagkamatay ni Cherry at kay Storm lahat ito sinisisi.

Nagalit rin si Rathro kaya sumama na siya kay Mary para maghiganti. Napag desisyonan ng lahat na magkakaroon ng bagong Hari na siyang mamumuno sa lahat. since wala na si Rathro, si Octavius  ang bunso niyang kapatid ay siya ng naging Hari ng lahat.

OCTAVIUS P.O.V

"Kaya anak paki-usap tulungan mo akong maibalik muli ang kuya ko" paki-usap ko sa anak kong si Maine, natapos ko ng ekwento sa kanya lahat ng pangyayari. Tahimik lang ito at tila malalamin ang iniisip. Nakikinig ba ito sa kwento ko?
I heard her sign.

"Dad if i win this, makikita ko pa kaya at makakasama si Kian?" Napatitig ako sa anak ko. Ganon rin ang tunay kong asawa na si Hel, ngunit ngitian lang ako nito at tumango.

"You know that Kian can't go here, hindi siya mabubuhay dito dahil wala siyang kapangyarihan" mahina kong sambit. napatingala nalang siya sa taas.

Halatang malungkot ang anak ko, but i won't let that happen. baka iniisip ngayon ni Maine na masyado na akong masamang ama sa kanya.

"But malaya ka namang pumunta sa lugar nila" nagliwanag ang mukha ng anak ko at agad akong niyakap sa leeg at ganon rin ang ginawa niya kay Hel

"thanks mom, dad" tears of joy.

I hope ma susulosyonan ka-agad namin ang kaguluhang ito.

I Transmigrated as the Daughter of a Cold KingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora