𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 25: 𝐃𝐫𝐲𝐚𝐝'𝐬 𝐖𝐞𝐝𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐝

1.5K 93 1
                                    

(𝐚/𝐧: 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢 𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐢𝐬𝐩𝐞𝐥𝐥𝐞𝐝 𝐰𝐨𝐫𝐝𝐬, 𝐭𝐲𝐩𝐨 𝐞𝐫𝐫𝐨𝐫𝐬 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐠𝐚𝐲 𝐝𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐜𝐨𝐦𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐝𝐨𝐭𝐬. 𝐄 𝐫𝐞𝐫𝐞𝐯𝐢𝐬𝐞 𝐤𝐨 𝐩𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐤𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐩𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐩𝐚. 𝐒𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐭𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬𝐢𝐧 𝐤𝐨 𝐦𝐨𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐞 𝐞𝐝𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐦𝐚𝐥𝐢. 𝐊𝐚𝐲𝐚 𝐩𝐚𝐬𝐞𝐧𝐬𝐲𝐚 𝐧𝐚, 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭𝐢𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐨𝐧𝐚 𝐜𝐨𝐦𝐦𝐨𝐧 𝐬𝐞𝐧𝐬𝐞 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐡𝐚𝐡𝐚.)

M A I N E

Nakatunganga lang ako dito habang nakatingin sa gown na inihanda para sa akin. Ano nga tawag sa gown na ito? Basta gown ito, pero hindi yong malaki, ah. Basta!! Nalilito ako kung anong tawag rito, basta kulay white na may halong blue ito. Napailing nalang ako at sinuot nalang, pati narin ang sandal na hindi ko rin maintindihan ang tawag.

Nabaling ang tingin ko kay Arhi. She's cute, adorable. Mahaba ang buhok niya  hanggang tuhod, kaya hinati nila ito sa dalawa at ginawang pony tail. May bangs din si Ahri, kaya para siyang anime character. Sout niya ay skyblue na off shoulder, na may malaking ribbon sa likod. Flat doll shoes, at may flower crown sa ulo nito, may dala din siyang basket na may lamang petals. Sinout ko narin ang crown ni Maine, this thing is important para sa kanila kaya dapat sinosout ko ito sa mga mahahalagang ocasyon.

Sa totoo niyan wala akong balak umattend sa kasal thingy na iyan, kaso baka magtatampo ang mga babae, i mean, yung mga babae kong kapatid.

Ang kasalan ay hindi magaganap sa simbahan, magaganap ito sa isang gubat, since Nihone is a Dryads. Using the advantage of teleportation, nakarating kami ng maaga. May mga upuan na gawa sa vines at mesa na bulaklak. May iba ring nilalang dito, may beast, lion, tiger, o kahit ano pang hayop na makikita sa gubat. Pero hindi sila pangkaraniwan lang na hayop, dahil gaya namin ay may unique strength din sila.

They also secure the place and sorroundings, just to make sure na walang masamang hangin ang sisira ng kasal. Andito narin ang cold king at ang dalawa niyang asawa. Si Valir ang best man, magkatabi sila ngayon ni Adam. Pumunta kami sa harapang upuan. Doon daw kasi uupo ang mga princesses and prince's, masyadong pa special. Napabuntong hininga nalang ako. I feel sleepy. Madami narin ang mga studyante ang andito, at halos lahat ay nandito. Lalo na ang mga king at queen ng ibat-ibang kaharian. Ganon? Maybe the wedding of nobles with King/queen ay ganyan ka bongga.

To the point na ayaw ko ng maging noble at maging isa man lang sa kanila. Gusto ko ng katahimikan na may halong katamaran na walang pakialam. Ano ba itong pinag-iisip ko?

"Dad your mind is noisy" i almost forgot na kaya pala ni Ahri basahin ang nasa isip ko. Siya lang ang may kaya gawin yon. Pinapunta kona si Ahri doon sa starting line, since ilang seconds nalang ay mag sisimula na. Masyado na nilang pinupuri si Ahri, at alam narin ng lahat na anak ko siya. Kapag mag simula na ang pag-aaral ni Ahri, kailangan niyang itago ang totoo niyang kapangyarihan. It means she need to choose kung anong kapangyarihan ang gagawin niyang main, para hindi mapaghalataan na masyado na siyang over powered. 

The wedding already starts, it's time for Flower girls to walk. ang mga petals na dala nila ay hinuhulog nila sa bawat gilid ng daan. Pumasok si Nihone na sobrang ganda, hindi na siya yung Nihone na makapal ang make up. She's so simple but gorgeous, she's look like a goddess na tinawag para pumunta rito.

Mas nadagdagan pa ang ganda niya dahil sa kanyang ngiti, halatang sobrang saya niya. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko at ngumiti.

i know Maine, i  know na masaya karin para sa kapatid mo. Nihone already find her true happiness, yan lang mona sa ngayon.

umupo na sa tabi ko si Ahri na malawak rin ang ngiti, i tap her head. Nasa altar na sila, they both changing their bows. My dryads na lumapit sa gilid ng parang mukhang pari. May sout na crown ang dryads na ito kaya siguro ito yung queen. May dala siyang box na naka open na

"this is the Dryads wedding band, this ring is a cursed.  Now it cannot be removed from whoever puts it on unless they've died. This band mean,'forever'."

Dryads lang meron ng ganyan, paano ba iyan, walang forever. Ka bitter nga naman

Pagkatapos nila ito ilagay, ay sinabi rin ang,'you may now kiss your bride'. Puno ng hiyawan, kasabay ang paglapat ng labi nila sa isat-isa. Madami pang mangyayari pagkatapos ng kasalang ito. Iniwan ko mona kay ama si Ahri, at naglakad lakad mona.

I saw Storm, i mean Dark from a far. Kaya sinundan ko ito. I removed my presence para hindi niya ako maramdaman. Huminto siya kaya nagtago mona ako sa puno. I saw his parents, at tila galit na galit ito.

"Pinakawalan mo si Storm, you betrayed us!!" Sigaw ng ina niya sa kanya. tch. Pero agad rin namang ngumisi

"dahil sa ginawa mo, we invistigate. At nalaman namin na may iniibig ka pala" mapanuya ang boses nito at halatang sarcastic. Bigla nalang niyukom ni Dark ang kanyang kamao.

"a-anong gagawin mo?" But he's still managed to calm.

ilang segundo pa ay wala na akong marinig, i think lumipat sila ng lugar na pag-uusapan. Sino naman kaya ang iniibig ni Dark?

Nagbago na nga talaga si Dark dahil sa isang babae, pero sino naman kaya?

I guess nag-aaral din sa Magical High ang babaeng ito.

Bumalik na ako para puntahan ang pamilya ni Maine. Si Nihone ay kanina pa nakatingin sa sing-sing niya na nakangiti.

Dryads wedding band, huh. I think hindi lang iyon ang kaya ng singsing na iyan, base on my observation. That ring can also be useful when it comes to plants, if you have that ring, kahit wala kang lahing dryads ay maiintindihan mo parin ang mga halaman. You can speak and understand the plants, as long as ikinasal ka sa Dryads.

walang lalaki sa Dryads, all of them is female kung pure dryads ka, kung kalahati naman ay pwede ang lalaki.

I Transmigrated as the Daughter of a Cold KingWhere stories live. Discover now